Chapter 26

173 8 0
                                    

Chapter 26

May bayad 'yon, actually..

Mabilis kaming nakarating sa mall. "Do you want to eat first?" Tanong niya sa akin, umiling ako dahil busog pa naman ako dahil kakakain ko lang ng lunch kanina bago pa siya dumating. "What do you want for snacks?" Tanong niya sa akin.

"Popcorn and water for drinks na lang, Aeron." Tumango siya. Inakbayan niya ako nang makatungtong kami sa escalator. Nang makarating naman kami sa floor ng cinema ay bumaba ang kamay niya sa baywang ko. Ngumuso ako nang makitang marami ang babae na nakapila na napatingin sa kanya. Pumunta kami sa pila upang bumili ng tickets at napatikom ako ng bibig nang makita kung paano kiligin ang mga babae na nasa tabi namin.

"Ang pogi!" Rinig ko pang bulong nung isa. Nawala lang ako sa focus sa mga kababaihan nang pinisil niya ang baywang ko, nang mapatingin ako sa kanya ay nakayuko siya sa akin kaya kamuntik nang magdikit ang labi namin. Halos umusok ang ilong ko nang yumuko siya lalo dahilan upang magdikit ang ilong namin.

Narinig ko ang daing ng mga kababaihan, "Ay, may girlfriend na." Bigong saad ng ilan.

"I'll pay for the tickets. Keep your money, alright?" Naamoy ko ang mint sa hininga niya sa sobrang lapit ng mga muka namin. Ngumisi si Aeron at umiling bago lumapit sa counter na may naghihintay na babae para mag sell ng tickets.

Come on, Aisha! Ibig-ibig kong batukan ko ang sarili ko dahil hindi ko man lang nakontrol ang utak ko nang ilapit niya ang muka niya sa akin. Dapat ay umiiwas ako kapag ganoon!

Habang busy si Aeron ay napatingin ako sa mga kababaihan na bigong bigo na nakatingin sa lalaking nasa harap ko. "Let's go?" Tumango na lang ako kay Aeron nang ayain niya akong umalis doon at pumunta sa bilihan ng snacks.

Nang makabili kami ay pumasok na kami sa cinema 2 at sa pinaka taas pumwesto. Maraming couples ang nandoon at mga barkada na naroon.

"Kainis ka." Naging saad ko nang maalala ang ginawa niya. "What?" Humalakhak siya na hinampas ko lang. Sa inis ko ay hindi ko siya pinansin hanggang sa magsimula ang movie. "Aisha.." Malambing niyang tawag sa akin. Hindi ko naman siya pinansin dahil naka focus ako sa pinapanood namin.

Kumain na rin ako ng popcorn para hindi siya pansinin. "Hey, you mad?" Ngumiwi ako sa kanya nang iharang niya ang muka niya sa paningin ko. "Aeron!" Inis kong saad sa kanya. Ngumuso siya sa akin at umalis sa paningin ko. "My Aisha's mad." Malambing niyang saad na hindi ko naiwasang pansinin.

Sa takot na mahalata niya ang pagiging balisa ko ay sinubuan ko na lang siya ng popcorn. "I'm not mad. Please let me watch the movie. Huwag kang magulo!"

Sumunod naman siya sa akin dahil hanggang sa matapos ang movie ay hindi na niya ako kinulit.

Nagdesisyon kaming magpunta sa department para tumingin ng mga damit. Busy siya sa pagtingin ng mga shirts at sinamantala ko ang pagkakataon na tumingin sa mga semi formal attires. May nakita ako na long sleeve na dark blue na sa tingin ko ay bagay na bagay kay Aeron and besides he would need this dahil may mga reports at speech kami na gaganapin a few weeks from now.

Kinuha ko iyon at hinanap siya. Sakto namang nakita ko siya na palingap lingap at nang mapatingin siya sa akin ay tsaka lang siya tumigil sa pag lingap. "I was looking for you." Tumango ako sa kanya at pinakita ang long sleeve.

"Bagay sayo 'to." Saad ko sa kanya, napangisi siya at tumaas ang kilay. "Fit it, please." Nagkibit balikat siya at tumango.

Saktong walang gaanong pila sa fitting room kaya naman nakapasok na siya. Una niyang sinukat 'yong mga napili niyang t-shirts at polo shirts. Everytime na nagpapalit siya ay pinapakita niya sa akin ang mga sinusukat niya at wala akong natanggihan sa mga napili niyang damit dahil lahat ng 'yon ay bagay sa kanya.

Nang lumabas siya na suot ang long sleeve na pinasukat ko sa kanya ay pinigilan kong mapalaglag ang panga ko sa kanya, "Ayos ba?" Tanong niya. Pinagmasdan kong mabuti ang hubog ng katawan niya at napansin ko ang pinakaunang butones na nakabukas. Ngumuso ako at lumapit sa kanya. Sinarado ko iyon at inayos ang kuwelyo niya.

"Better." Saad ko. Nang mapatingin ako sa kanya ay titig na titig siya sa akin at naka awang ang kanyang bibig. Para bang ang lalim ng iniisip niya. "Hey." Untag ko sa kanya at mukang natauhan naman siya. Umiling siya at napangiti bago sinabing magpapalit na siya at bibilhin niya rin iyon.

Nang makapagbayad siya ay naglibot libot pa kami hanggang sa napagpasyahan na naming kumain dahil madilim na rin sa labas.

Sa BonChon na lang kami nagdecide na kumain. Sinabi ko sa kanya ang gusto kong kainin at doon ako naupo sa table for two. Nang mapatingin ako sa labas ay bigla akong nag alala nang maalalang hindi ko man lang na'text sila mommy na aalis ako.

Nang mapatingin ako sa oras ay six-thirty na at sigurado akong nandoon na sila mommy sa bahay. Kaagad kong kinuha ang phone ko at nag type doon ng text matapos kong mabasa ang sandamakmak ng texts sa akin nila mommy at ang ilang missed calls. Sakto namang umupo si Aeron sa harap ko. Nang matapos kong i-send iyon ay tinago ko na ulit ang phone ko.

"Who was it?" Tanong niya sa akin, "My mom. I forgot to text her na aalis ako. Nag aalala na sila." Tumango siya at napanguso. "Masyado silang protective." Pabiro kong saad sa kaniya kahit totoo naman iyon.

"Only girl ka, e. That's expected." Napailing na lang ako at iniba na lang ang usapan hanggang sa dumating ang orders namin.

"Thank you." Sambit ko sa kanya bago ko kinalas ang seatbelt ko. Alas otso na ng gabi at sa tingin ko ay sandamakmak na sermon ang aabutin ko kala mommy pagkapasok ko sa bahay. "Are you sure you'll be fine? I can explain to them." Mabilis akong umiling sa kanya. Kanina niya pa kasi ako inaalok na siya ang magpapaliwanag kung bakit ako ginabi.

"Hindi na, Aeron. Baka mas lalo lang silang magalit." Bumuntong hininga siya at tumitig lang sa akin.

"Thank you ulit. Nag enjoy ako. Ang dami ko nanamang utang sayo." Paano kasi ay siya lang naman ang gumastos sa lahat. "May bayad 'yon, actually." Napakurap ako ng ilang beses sa sinabi niya.

Ngumiti siya sa akin at dahan dahang lumapit sa akin at dinampi ang labi niya sa pisngi ko. Halos di ako nakapag react sa ginawa niya.

"Good night, Aisha."

StayWhere stories live. Discover now