Chapter 20

187 7 0
                                    

Chapter 20

I'll probably..

Nakatulugan ko ang text sa akin ni Aeron, gusto ko iyong sagutin kaya lang ay hindi ko mahanap ang salita ko, pinipilit ko ang sarili ko na nalilito lang siya sa nararamdaman niya sa akin kaya lang ay kung gaano kalaki ang parte sa pagpilit ko sa sarili ko ay ganoon rin kalaki ang parte na umaasa ako.

Kinabukasan ay napagdesisyunan naming magpipinsan na mag simba ng sabay sabay kaya lang ay tinanghali kami ng gising at kinailangan pa naming bumyahe sa Baliwag para maabutan ang second mass at dumiretso na lang rin sa SM pagkatapos. Ginusto nilang kumain sa Jollibee at nag shopping pagkatapos. Sa mga sumunod na araw naman ay naging busy ako sa school at naging madalang ang pag sasama namin ni Aeron siguro ay dahil busy siya sa mga requirements niya at ganoon rin naman ako.

Dumating ang Sem break at inasikaso namin ang pag e-enroll naming magkakaibigan. Hindi ako tinetext ni Aeron sa mga nagdaang araw. Kinakamusta ko siya paminsan minsan kaso ay hindi naman siya nagrereply. He must have been busy. "So ma i-irreg kami?" Nakangusong saad ni Kyra dahil may mga subjects siyang hindi na take up sa dati niyang school na kailangan niyang i-take sa ngayon. Hindi kami magkakasama dahil ang course niya ay Tourism kasama sila Chelsea at Yannie, si Nash naman ay HM ang course. "Alam niyo naman na ang pasikut-sikot sa main diba?" Saad ko sa kanila. "Yup. Dapat kasi nag Tourism ka na lang!" Saad naman nila sa akin. Umiling na lang ako sa kanila at sinabing sa bahay na lang kami magkita dahil may mga kailangan silang ayusin sa schedules nila. Nagpaalam na lang ako sa kanila at naglakad patungo sa annex kung saan iniwan ko sandali ang mga kaibigan ko.

Nang makarating ako ay napangiwi ako sa pila. Nakita ko si Calix at Aeron kasama ang mga kaibigan ko. "Ayan na pala." Saad ni Risha na agad nakapagbaling ng tingin ni Aeron sa akin. Napahinto ako sandali at pilit kinalma ang sarili, ilang araw kaming hindi masyadong nagka usap at ang nanunuyong tingin niya ang ibubungad niya sa akin?

"Di niyo pa rin nakukuha yong form?" Saad ko sa kanila. Ang pre-advise kasi namin ay nasa loob ng office at kailangan naming pumila para makuha iyon. Umiling sila bilang sagot. "Baka abutin tayo ng undas dito sa enrollment natin." Sabi pa ni Courtney na nakapagpatawa sa amin.

Nagkatinginan kami ni Calix at tumingin siya kay Aeron at pinagtaas-baba niya ang kilay sa akin tila nanunukso at nginunguso si Aeron. Pinandilatan ko siya ng mata at ngumisi naman siya. "Oh ayos na ng pila guys, umuusog ang pila." Pag a-anunsyo ni Jewel. "Dito ka, bebe." Napangiwi ako sa tinawag sa akin ni Calix at kitang kita ko sa muka niya ang kagalakan sa sinabi niya. Hinawakan niya ang balikat ko at inayos ang pwesto ko, pumunta siya sa harap ko at ginawa akong nasa likod niya at harap ni Aeron. "Okay na, be." Ngumisi ulit siya sa akin at sa inis ko ay binatukan ko na, "Kadiri to, wag mo nga ako tinatawag ng ganoon." Singhal ko sa kanya, humalakhak siya at tumalikod. Naitikom ko tuloy ang bibig ko nang mapagtanto na na nasa likod ko si Aeron.

Mabilis ang pagtibok ng puso ko, hindi ko mapagdesisyunan kung haharap ba ako sa kanya o hindi, kapag humarap ako sa kanya ay sigurado akong hindi ako makakatingin ng diretso. Baka naman kapag hindi ako humarap ay sabihin niya na umiiwas ako. Natatakot akong malaman niya ang nararamdaman ko, natatakot ako hindi dahil sa baka hindi niya iyon masuklian, iyon nga ang ikinakatakot ko, ang mahulog ako sa kanya at ang mahulog rin siya sa akin. Delikado. Pareho kaming masasaktan.

"Aisha." Nanigas ako sa kinakatayuan ko nang banggitin niya ang pangalan ko. "H-hi." Nang magtapat ang paningin namin ay hindi ko naiwasang umiwas ng tingin. "Kamusta? Hindi tayo nakapag usap these past few days." Tumango siya sa akin na tila nakuha niya ang ibig kong sabihin.

"May inasikaso ako, I'm sorry." Kita ang sensiridad sa kanyang mata at tila ba nagsasabing hindi na iyon mauulit pa. "Naintindihan ko." Ngiti ko sa kanya at akmang tatalikod na nang hawakan niya ang kamay ko dahilan upang mapasinghap ako. Ang init na nagmumula sa palad niya ay nakapagdulot sa akin ng kuryente at naging dahilan upang mas lalong magwala ang mga hayop sa tiyan ko. "Bakit?" Pinilit kong huwag mautal at pinilit ko ring titigan ang mata niyang may halu-halong emosyon. Dahan dahan niyang binitawan ang aking kamay at umiling, kinuha ko ang pagkakataon upang tumalikod. Pagkatalikod ko sa kanya ay dahan dahan kong ibinuga ang aking hininga na kanina ko pa pinipigilan.

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon