Chapter 48

134 10 0
                                    

Chapter 48

Be like her

Pagkabasa ko doon sa liham na iyon ay binalik ko rin iyon agad sa kwarto ni grandma.

I can't believe it. Aeron's grandfather has once became my grandmother's love! At hindi lang iyon, their love story was hearbreaking and really a tragic one. It's unfair.

Kaya ba ayaw ni grandma kay Aeron dahil alam niyang isa siya sa kadugo ni ginoong Antonio? Kaya ba ayaw niya sa aming dalawa?

How about grandpa? Minahal ba ni grandma si grandpa sa mga panahong nabubuhay pa ito?

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. I want to confront grandma pero ayokong sumama ang loob niya.

The next day ay wala akong pasok kaya naman tumulong lang ako sa gawaing bahay kala grandma.

My cousins are getting ready for school at ako lang ang nandito. Sinabi ko kay Aeron na pupunta ako sa kanila ngayon at sinabi niyang susunduin niya ako. Pumayag ako sa gusto biyang mangyari at tinapos lang ang ginagawa ko at gumayak na.

Nagbibihis na ako ng damit nang katukin ako ng kung sino sa pinto.

"Ma'am. May naghahanap po sa inyo sa baba."

"Sige po, bababa na ako."

Isang T-shirt at shorts lang at suot ko at sneakers. Nasa hagdan pa lang ako ay nakita ko na si Aeron na tahimik na nakaupo sa sofa at si grandma ay nakatitig sa kanya.

Pareho silang nagtingala sa akin nang dumaan ako. Agad namang tumayo si Aeron at dumalo sa akin. "Grandma, I'll be back." Humalik ako sa kanya kahit ang tigas ng ekspresyon niya. Pinagmano niya si Aeron sa kanya at tinignan lang niya si Aeron na tila kinakabisado ang features ng muka niya.

Naiintindihan ko kung bakit siya ganoon. Kung kamuka ni Aeron ang daddy niya ay hindi ko maikakailang napatakan ito ng lolo niya.

Tahimik ako sa byahe. Dumadaloy lang sa isip ko ang storya ng grandma at grandpa ni Aeron.

Sa tingin ko ay natakot si grandma na ipaglaban si ginoong Antonio kaya niya iyon hiniling sa kanya na layuan siya. I think he's brave enough to do what my grandma's asking. I think he's selfless para sundin ang kagustuhan ng ama ni grandma.

Then who's grandpa for grandma that time? Were they in arrangement? Pakiramdam ko ay ganoon iyon. Pakiramdam ko ay kaya ayaw ng ama ni grandma kay ginoong Antonio dahil sa nakatakdang ikasal na si grandma kay grandpa.

How about my mom and my tito and tita? Do they know about it? And come to think of it, kung pala sila ang nagkatuluyan ay hindi pwedeng maging kami ni Aeron.

Pero bakit niya kami pilit na pinaghihiwalay? Bakit parang gusto niya rin kaming pagkaitan ni Aeron ng masayang pagtatapos?

Bakit niya iyon ginagawa? Ayaw niya bang maging masaya kami? Ayaw niya ba na pu-pwedeng kaming dalawa ni Aeron ang magtuloy ng love story nilang dalawa?

"By the way, Aisha. My grandparents are home." Mabilis akong napatingin sa kanya. Just when I thought of asking him about his grandparents ay ito ang sasabibin niya?

"Whose side?"

"Hmm. Dad's side." Napamura ako sa aking isip. "Why? Are you scared?"

"No. I was just surprised. You didn't tell me, dapat ay nakabili ako ng palasubong para sa kanila." Humalakhak siya.

"It's okay. I'm sure they'll be happy to see you." Tumango ako at ngumiti.

Nang makarating kami sa kanila ay napatingin sila samin. "Oh ayan na pala sila Aeron at Aisha." Ani ate Ailah.

Sinalubong ako ng yakap ni Aizy kaya hindi ako kaagad nakapagtapon ng tingin sa lolo at lola niya. Bumeso sa akin si ate Ailah at ngumiti.

Nagmano ako sa lola niya. Kahit matanda na ito ay hindi ko maikakailang maganda ito. Ang kutis niya ay maputi at maganda ang mga ngiti niya.

Sumunod akong nagmano ay sa lolo niya. I stared at him at hindi ko maikakailang ito nga si ginoong Antonio.

"Magandang araw po." Bati ko dito. Ngumiti siya sa akin at pinisil ang kamay ko bago iyon bitawan.

"Ailah, nasaan ba ang kwarto mo, iha? Gusto kong magpahinga." Ani lola ni Aeron. "Maiwan ko muna kayo diyan mga apo." Sinundan ko siya ng tingin habang inaalalayan ni ate Ailah at Aizy.

"Aeron kayo na bahala sa pagkain niyo. Sasamahan muna namin si grandma." Tumango si Aeron at naiwan kaming dalawa kasama ang lolo niya.

"Iha, kanino kang anak?" Malaki ang boses niya at nakakatakot.

"A-anak po ako ni Alicia at Exel Cruz po." Tumango siya sa akin, "Cruz? Apo ka ba ni Benedicto at Felicity?" Napalunok ako sa tanong niya.

"O-Opo." Nagtataka ang muka ni Aeron nang tapunan ko siya ng tingin.

"Kilala nyo po ang grandparents ni Aisha, grandpa?" Ngumiti ang lolo niya at tumango.

"Si Felicity ay naging kasintahan ko dati." Nalaglagan ng panga si Aeron at ako naman ay hindi na nagulat. "Kaya lang ay hindi kami pinagbigyan ng tadhana." Naalala ko ang sulat niya.

"Hindi po kayo nagkatuluyan dahil pinigilan po kayo ng daddy ni grandma hindi po ba?" Tumingin sa akin si Aeron, naguguluhan sa mga nalalaman.

"Pinigilan ako ni Don Fabio pero nagkamali rin ako, anak. Handa ko siyang ipaglaban ngunit pinigilan niya rin ako. At sa panahon na sobrang sakit at nagdadalamhati ako ay nakilala ko si Maria. At may nagbunga sa aming dalawa."

Doon ako nagulat sa sinabi niya.

"Alam kong galit siya sa akin dahil doon. Alam kong kaduwagan ang ginawa kong pagsunod sa gusto niyang mangyaring layuan ko na lang siya--"

"Bakit niya po ginustong layuan niyo siya?"

"Dahil nakatakda na siyang ikasal kay Benedicto at ayaw niyang mapahamak ako dahil makapangyarihan ang ama niyang si Don Fabio."

"Mahal na mahal ko ang lola mo, iha. At kahit kailan ma'y hindi ko makakalimutan ang mga pinagsaluhan naming masasayang alaala." Pinunasan ko ang luha ko.

"What? How about grandma? Hindi mo siya mahal?" Nahimigan ko ang galit sa boses ni Aeron.

Humalakhak ang lolo niya at tinitigan si Aeron.

"Minahal ko si Felicity, apo. Pero mahal ko ang lola mo. Totoong pinakasalan ko siya noong una dahil sa responsibilidad pero habang tumatagal, habang lalo ko siyang nakikilala, minahal ko na siya. At kung papipiliin man ako kung si Felicity at Maria, pipiliin ko ng paulit ulit ang lola niyo. Dahil mas lalong hindi ko kayang mawala siya."

Suminghot ako dahil sa luha.

"Hindi na po ba kayo nagkita ni grandma matapos niyo pong ibigay sa kanya yung huli nyo pong sulat sa kanya?"

Umiling siya. "Nabalitaan kong sa America sila tumira pagkatapos nilang ikasal at kahit kailan ay hindi ko na sila nabalitaan pa."

"P-pero, hindi po ba kayo nagalit sa kanya dahil hindi niya po kayo pinaglaban?"

Umiling siya. "Hindi. Dahil gawain ko ang ipaglaban siya."

Natahimik kami ni Aeron.

"Kaya kung sakali mang pinipigilan niya kayong dalawa, huwag na huwag kang susukong ipaglaban siya, Aeron. Ipakita mo sa kanyang mahal na mahal mo ang apo niya dahil iyon ang tanging bagay na hindi ko nagawa para sa kanya."

Tumango si Aeron. "Ihatid mo ako sa may kwarto ng ate mo at sasamahan ko doon si Maria." Inalalayan ni Aeron si Ginoong Antonio at umakyat.

Mali.. Dapat ay ipinaglaban rin kayo ni grandma dahil iyon ang dapat. Hindi kaduwagan ang ginawa niyo. Iyon ay kaduwagan ni grandma.

And I will never be like her. Hindi ko gagawin ang ginawa ni grandma. I will fight for Aeron, I will fight for my happiness, I will fight for my love.

StayWhere stories live. Discover now