Chapter 33

146 7 0
                                    

Chapter 33

Because I do

Sumapit ang araw ng Christmas Lighting ng university namin at sa araw rin na'to magaganap ang performance namin sa English. Nasa classroom na ako at kami pa lang ng mga kaibigan ko ang narito.

"Anong nangyari kahapon?" Saad nila sa akin, tinutukoy nila kung nag usap ba kami ni Aeron o hindi. Bago pa ako nakasagot ay bumukas na ang pinto at niluwa non si Aeron na may kausap sa phone.

"Sige pupunta ako." Saad nito, sa tingin ko ay si Calix ang kausap niya. Seryoso siya at mukang galit. I don't know. Nang mapadako ang tingin niya sa akin ay hindi ko pa rin makita ang buhay sa kanyang mga mata. "Morning." Saad niya sa amin. Bumati sila Risha pabalik at ako ay nanatiling tahimik.
Ang akala ko ay uupo siya sa tabi ko kaya lang ay binaba niya lang ang bag niya at umalis. Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay nilabasan na agad ng tanong ang bibig ko, "Saan ka pupunta?" Natigil siya sa paglakad niya at napabuntong hininga bago humarap sa akin.

"Sa baba, sama ka?" Hindi ko naiwasang magulat sa tanong niya sa akin, "H-hindi." Saad ko, bago siya tumalikod ay nakita ko ang ngisi niya.

Pinagpawalang bahala ko iyon hanggang sa dumating na ang prof. Nagsisimula na si ma'am sa discussion ngunit wala pa rin sila Aeron. Mabuti at tapos na ang exam namin dito last meeting. Tinext ko siya na pumanik na sa taas pero wala siyang reply. Lumipas ang ilang oras nang hindi siya umakyat.

Noong mag lunch ay tinext ko siyang nasa akin ang bag niya at wala pa rin siyang reply. Hindi na rin kami nakapag practice para sa English namin. Humingi pa nga ng tawad sa akin si Hailey dahil sa nangyari kahapon pero sinabi kong hindi naman iyon mali.

Nang mag s-start na ang English namin ay tsaka lang dumating sila Aeron at Calix. Mabilis kaming nag bihis at kinalma ko ang sarili ko dahil sa kaba.

"Okay, let's start?" Saad ni ma'am. Tumango ako at ganoon rin si Aeron. Nagsimula kaming magsalita at nawala ang kaba ko nang tinignan niya ang mga mata ko at ngumiti sa akin na parang walang problema.

Nang matapos namin ang aming performance ay masayang masaya kami nila Hailey sa naging resulta. 1.25 ang naging grade namin at sobra kaming natuwa.

"Thank you, Aisha!" Saad ni Hailey at yumakap sa akin. "Thank you, rin. Ginawa natin 'tong lahat." Saad ko.

Nagkatinginan kami ni Aeron at hindi ko naiwasang ngumiti sa kanya. Pero kasabay ng pag ngiti niya sa akin ay ang ala-ala ng kahapon. Nawala ang ngiti ko. I had a favor with him. Tinupad nga niya. Tutuparin niya kaya ang kapalit noon? Nakita ko rin ang pagkakaalis ng ngiti niya sa kanyang labi, nakitaan ko ng pag aalala ang kanyang mata, naiwas lang ako ng tingin dahil sa kalabit ni Courtney.

"Tara na, Aisha? Nagsisimula na ang program for Christmas lighting, e." Saad nila Courtney. Tumango ako at sumama na sa kanila. Pare-pareho kaming naka corporate attire at hindi na kami nag abalang magbihis pa.

Nagpunta kami sa Gym sa kabilang building kung saan nagaganap ang program. Maraming tao at katulad ng kinagawian na sa tuwing may program ay hindi pinapalabas ng building ang mga studyanteng nakapasok na sa loob.

Kaya nang maramdaman namin ang init ay pinasya naming bumaba na lang ng gym at sa canteen nagpalipas ng oras.

Madilim dilim na dahil mag aalas saiz na rin ng gabi nang lumabas ang mga studyante. Hindi ko nakita sila Calix at inisip na baka umuwi na lang sila.

"Tara sa main, doon gaganapin ang Christmas lighting." Yaya ko sa kanila.

Asimo naging dagat ang quadrangle sa dami ng studyante. May malaki doon na Christmas tree na hindi pa sinisindihan ang mga christmas lights na nakapalupot doon. Sa isang gilid ay may malaking Belen. May mga Elementary students na choir naka costume ng Angels at mga kumakanta.

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon