Chapter 31

160 6 3
                                    

Chapter 31

Stop playing

Pumwesto kaming lahat na bumilog. Sa harap namin at sa pinakagitna ng pinalilibutan namin ay isang bote. Napagpasyahan naming mag truth or dare sa paghintay ng dinner, gusto sana naming tumulong kayla tita na magluto kaya lang ay hindi niya kami pinayagan, kaya ito kami at naglalaro na lang. Katulad ko ay sinabihan rin ang mga kaibigan ko ng parents nila na dumito muna dahil sa lakas ng ulan.

"O, game!" Saad ni Calix at pinaikot ang bote. Tumapat iyon kay Calix na ikinatawa namin. "Damn, why?" Saad nito. Sinabi niyang dare at ang luka-lukang si Hailey ay sinabing mag dirty dance ito sa gitna. Kahit ramdam ko ang lamig ay agad kong naramdaman ang pag init ng pisngi ko nang itaas nito ang damit niya at himasin ang abs niya habang gumigiling. What the hell! Tuwang tuwa si Hailey sa pinagawa niya at natawa na lang rin kami.

Nang matapos iyon ay sumunod na natapatan si Risha. "Truth." Saad nito sa takot yata na may ipagawa sa kanya na kalokohan. "May boyfriend ka ba?" Saad ni Hailey. Walang alinlangan na tumango si Risha at inusisa na siya ni Hailey after that.

Sunod na tinapatan ay si Aeron at sinabi niyang truth. Tumikhim si Calix at sinabing siya ang magtatanong, kinabahan ako dahil tumingin siya sa akin at kinindatan ako bago hinarap si Aeron, "Naka move on ka na ba kay Elise, bro?" Napaawang ang bibig ni Aeron sa tanong ni Calix at kumakalampang na tila kampana ang puso ko sa magiging sagot niya.

"Yes." Aniya at tumingin sa akin na kaagad kong iniwasan ng tingin nang makita ang mapanuring titig ni Hailey sa amin. Ngumisi si Calix at pinaikot muli ang bote at kinabahan ako nang tumigil iyon sa tapat ko. Masyado akong kinabahan nang makita ang ngisi ni Calix sa akin. "D-dare." Nauutal kong saad sa takot na mag truth dahil baka mamaya ay itanong ni Calix sa akin kung gusto ko si Aeron. Hindi ko pa kayang umamin sa kanya.

"Aisha.." Saad ni Hailey. "I know wala kang boyfriend," saad niya sa akin. "Then, kiss Aeron on the lips." Shit. No. Hindi ako naka react kahit gusto kong umayaw. "Hailey.." Tanging nasaad ko. "Sige na, tayo lang naman!" Ayoko rin namang masabihan na KJ kahit alam ng mga kaibigan ko na mahirap iyon para sa akin. Tumayo ako kahit nanginginig ang mga paa ko ay pinilit kong makalapit sa kanya. Nang magkatapat ang mga muka namin ay kitang kita ko ang gulat sa kanyang muka, ang nangungusap niyang mga mata na tila nagsasabing huwag kong gawin ang binabalak ko.

Nagkakagulo na ang mga kaibigan ko sa gilid ng mga mata ko at si Calix naman ay nakatitig lang sa amin. Nilapit ko pa ang muka ko sa kanya at pumikit, "I'm sorry." Rinig kong saad niya kaya napadilat ako. Pagdilat ko ay wala na siya at narinig ko ang pagsarado ng pinto sa kwarto niya, kinagat ko ang pang ibaba kong labi at napayuko.

Nakakahiya, shit! Umiwas siya! Siya yung hindi pumayag na dapat ay ako ang gumawa! "A-aisha.." Saad ni Hailey at tinapik ang balikat ko. Kaagad akong napatayo at tinago ang muka ko. "Sorry 'di ko nagawa.." Pinigilan ko na mapahikbi kahit ramdam ko ang pagtulo ng luha ko. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko pagkatapos ay dumiretso ako sa CR at doon nagkulong. Ang tanga ko!

Nagkaroon na ng power at medyo humina na ang ulan, nagdinner na rin kami na katulad kanina ay kasama ang mom and dad ni Aeron pati ang kapatid niya, kaya lang ay wala akong naging kibo lalo na't sa akin napatabi si Aeron dahil huli siyang bumaba. Ramdam ko ang titig sa akin nila Calix kaya lang ay hindi ko man lang sila tinapunan ng tingin at dire-diretsong kumain. Mabilis akong nakatapos kaya lang ay nanatili ako dahil hindi pa sila tapos. Narinig namin ang doorbell at kaagad iyon na tinungo ng isang maid at pinagbuksan ng pinto. "Ang lakas ng ulan kanina. I thought hindi ako makakauwi." Rinig kong saad ng babae na sa tingin ko ay ang ate nila Aeron.

"Nandito pa sila?" Rinig kong saad niya at nang maaninaw na namin siya na kakapasok lang sa dining room. Ngumiti siya sa amin at humalik kay Aizy at sa parents nila, nang makalapit siya kay Aeron ay ganoon rin ang ginawa niya. "Kumain na po ako. I'll just take a shower." Paalam nito sa amin at bago siya lumabas ay sumulyap siya sa akin at ngumiti.

Nang matapos ang dinner ay sinabing, doon kami matutulog sa room ni Aizy na katabi lang ng room ni Aeron. Naglalatag kami ng kutson sa sahig nang marinig namin ang katok. Binuksan ko iyon at bumungad sa akin ang ate niya na may dalang mga damit na pantulog. "I brought you pajamas. Mas maganda kung maglinis kayo ng katawan niyo. Pinaghanda ko na rin kayo ng isusuot niyo bukas." Saad niya sa amin at kaagad kong kinuha ang mga damit na dala niya. "Thank you, po." Saad namin.

Ngumiti siya sa amin at nagulat ako nang hinila niya ako palabas, "You're Aisha, right? I'm glad to finally meet you before I fly back to Italy." Hindi ako nakasagot at di ko rin nakuhang ngumiti kahit nakangiti siya sa akin.

"Take good care of my brother." Saad nito sa akin at bumeso sa akin bago ako talikuran.

Mag a-alas onse na ng gabi at ang lahat ng mga kasama ko ay tulog na lahat kaya lang kahit anong pilit kong gawin para makatulog ay hindi ko magawa. Tumatakbo sa aking isip ang nangyari kanina at hindi ko maiwasang maiyak dahil doon. Maingat akong bumangon at lumabas. Walang katau-tao sa labas at madilim na rin dahil nakapatay ang ilaw, tila ako na lang ang gising at nagpasalamat ako doon dahil alam kong namumula ang mata ko sa pagiyak. Bumaba ako at nakiinom ng tubig at hinugasan iyon at pumanik muli sa taas. Papasok na sana ako ng kwarto namin kaya lang ay naisipan kong magpalamig muna.
Dahan dahan kong tinungo ang pinto papuntang veranda at nagtaka pa akong hindi iyon naka lock, binuksan ko ang pinto at na estatwa ako nang makita ang naka sandong white na si Aeron at naka boxer shorts. Aatras na sana ako nang humarap siya sa akin na hawak hawak ang isang baso na sa tingin ko ay may lamang whiskey at ang isa niyang kamay ay may hawak na sigarilyo.

Kaagad na tumama sa balat ko ang lamig at mas lalo pa yata akong nilamig nang makita ang malamig niyang titig sa akin.

"I'm sorry, mukang naistorbo kita." Saad ko, pinilit kong maglakad patungo sa kinaroroonan niya. Tinanaw ko ang langit at dinama ang lamig ng hangin. At katulad ko ay ginawa niya rin ang ginagawa ko.

Lumagok siya ng whiskey at pagkatapos noon ay humigop siya sa kanyang sigarilyo at pinalabas ang usok nito. Matagal tagal na rin simula nang huli ko siyang makitang nanigarilyo at aaminin kong ayokong naninigarilyo siya. Nag iwas ako ng tingin at muli kong tinanaw ang langit bago ko naisipan na umalis na lang roon.

Wala akong imik na tumalikod sa kanya at tumungo sa pinto nang higitin niya ako paharap sa kanya at sinandal sa pinto na hindi ko pa nabubuksan. Kaagad akong kinabahan dahil sa pagkulong niya sa akin.

"A-aeron.." kita ko ang frustration sa mata niya. "Did you cry?" Mapungay ang mga mata niya nang tanungin ako. Bumaba ang muka niya at hinaplos ng kanang kamay niya ang pisngi ko. Magsasalita sana ako nang maramdaman ko ang labi niya na dumampi sa labi ko. "Aeron.." daing ko sa kanya at pilit kumawala kaya lang ay diniin niya ang sarili niya sa akin at naramdaman ko ang pag galaw ng mga labi niya.

"Aeron, stop it!" Mabilis akong kumawala sa kanya at tinulak siya. Tila nagising siya sa nangyari, "I'm sorry. I shouldn't have done that." Saad nito sa akin at hindi na ako nakapagpigil. Napaluha ako.

"Bakit, Aeron?" Saad ko sa kanya. Nagulat siya sa naging reaksyon ko at umakmang hahawakan ako pero mabilis akong lumayo sa kanya. "Bakit mo ako hinalikan? Shit, hinalikan mo ba ako dahil hindi ko iyon natuloy gawin kanina dahil umiwas ka?"

"Fuck, no!" Sigaw niya sa akin. "Then, bakit mo ako hinalikan?" Sigaw ko sa kanya. Hinintay ko siyang sumagot kaya lang ay walang lumabas sa bibig niya.

"Naguguluhan na ako, Aeron! Hindi kita maintindihan! Nagpapakita ka ng motibo na gusto mo ako pero hindi ko iyon makumpirma! Nagagalit ka kapag may kumakausap sa akin na iba. You were even once jealous of your bestfriend! Tapos ngayon ay hinalikan mo ako at nagsisisi ka na ginawa mo iyon! Wag mo akong paasahin!" Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko sa kanya at napailing ako.

"Oo na! Talo na ako. Sobrang talo na ako, natalo na ng puso ko ang sinasabi ng utak ko! Mahal na talaga kita at hindi ko na ito nagugustuhan dahil nasasaktan na ako. Kung wala kang gusto sa akin then stop acting like do dahil umaasa ako na baka sakaling magustuhan mo rin ako. Na baka sakaling hayaan mo na muli yung sarili mo na buksan yung puso mo para naman sa akin. Pero kung hindi.. Please lang, starting from now, ikaw na yung umiwas sa akin. Layuaan mo na lang ako. Please stop playing with my feelings."

StayWhere stories live. Discover now