Chapter 11

194 10 0
                                    

Chapter 11

Love you too!

"Shit, bro. Nagasgasan ko ang upuan." Mapanuksong saad ni Calix kay Aeron habang nasa byahe kami. "You try, bro. I'll stop here and drag you out." Napahalakhak kaming tatlo sa sinagot ni Aeron. "What? Ipagpapalit mo na ako sa Lexus mo?" Napailing na lang ako sa sinabi ni Calix. Nagmurahan pa silang dalawa hanggang sa matahimik sila.

Malapit lapit na kami sa SM nang tumunog ang phone ni Aeron na nasa harap lamang. "Aisha, will you answer it for me?" Deretso pa rin ang tingin ni Aeron nang sabihin niya iyon. Kinuha ko ang phone niya at nakitang si Klaire ang tumatawag kaya agad ko iyong nasagot.

"Cous! Where na you? I'm here na kaya! Make it faster kasi I'm so inip na, nasaaan ang bestfriend mo? Tell him I'll kill him if he won't come!" Napangiwi ako sa sigaw niya.

"Ah, hi. Malapit na kami and don't worry, Calix is with us." Narinig ko ang pag singhap niya. "Okay, I'll see you, girl. Tell Calix that, alright? Bye!"

Napanguso ako pagkababa ng tawag. Kinakabahan ako, "Yung pinsan mo 'yong tumawag, nandoon na raw siya at sabing bilisan daw at lagot daw si Calix kapag di siya pumunta." Natawa silang dalawa sa sinabi ko, "Girlfriend mo ba 'yon, Calix?" Tanong ko sa kanya.

"Nope. Friendly date lang iyon." Napatango na lang ako at natahimik hanggang sa makarating kami sa SM. Sabay sabay kaming bumaba nang makapagpark si Aeron at tsaka kami naglakad papasok.

Busy si Calix sa pag ce-cellphone niya habang naglalakad kami sa loob ng mall at ako naman ay palinga linga sa mga shops. Nagulat lang ako nang bigla akong higitin ni Aeron at itabi sa kanya. Napatingin ako sa muka niya na deretso ang tingin sa dinadaanan. "We're here, who? Aisha? Of course not! We're just friends, ask your cousin kung sino si Aisha--bro!" Sabi naman ni Calix na sa tingin ko ay kinakausap sa phone si Klaire. Tumingin si Aeron kay Calix at nang ibibigay na ni Calix ang phone niya ay sakto namang may sumigaw, "There you are!"

Napatingin ako sa kanya, mas matangkad siya sa akin pero hindi lalagpas ang height niya sa height nila Aeron at Calix. Matangos ang ilong niya at may mata siya na katulad ng kay Aeron. Manipis ang labi niyang mapula at may rosy cheeks siya na bumagay sa ganda ng pagkakaputi niya. Mahaba ang kanyang buhok na itim na itim at straight.

Napakurap ako nang kumaway siya sa muka ko. "Hi! You must be my cousin's date? I'm Klaire Alvaro." Nalaglag ang panga ko nang ngumiti siya, ang ganda ng ngipin niya at ang puti! Halatang alagang alaga. "Hi, I'm Aisha, a friend." Pagpapakilala ko. Narinig ko ang mapanukso niyang tawa.

"Oh, dear. A friend? Diyan palagi nagsisimula ang love story ng dalawang tao." Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya, "Ang akala ko ay ang bruhilda mong ex ang makikita ko dito, mabuti na lang at iba." Suminghap pa siya, napatingin ako kay Aeron na ngayon ay umiiling.

"And you! You're my date kaya dapat ay ilibre mo ako sa sinehan!" Baling naman niya kay Calix at kumapit dito. Wala namang reklamo si Calix nang higitin siya ng lakad nito. Nakikita ko tuloy sa kanya si Kyra. "Paano ba 'yan? I think you'll be my date for today." Nanunukso niyang saad. Ngumuso ako sa kanya at kinurot ang tagiliran niya, "Alam mo, ikaw, ang playful mo!" Humalakhak siya at pinadaudos ang kamay niya sa baywang ko at hinapit palapit sa kanya. "I'm just teasing you, Aisha. So, anong gusto mong panoorin?"

"Edi action, doon rin naman ang bagsak natin kasi di kayo mahilig sa love story." Saad ko sa kanya na nakapagpatawa sa kanya. "At paano mo nasabi yan?" Huminto pa kaming dalawa at nagtitigan.

"Ganoon talaga ang mga lalaki 'diba? Naku, Aeron tara na nga. Action na lang, pabor din ako doon, okay?" Saad ko sa kanya, kusang pumulupot ang braso ko sa likod niya at kumapit ang kamay ko sa kanyang baywang. Napatingin siya sa akin na halatang nagulat sa ginawa ko dahil dati rati naman ay 'di ko iyon ginagawa. "No." Saad niya nang ibababa ko sana ang kamay ko. Ngumiti siya sa akin, "I like your hand there. Let's go?"

StayWhere stories live. Discover now