Chapter 18

175 8 0
                                    

Chapter 18

Off-limits..

"Saan kayo galing?" Tanong sa amin ni Calix nang makabalik kami ni Aeron sa quadrangle. Tiningnan ko si Aeron at pinigilan ang pag ngiti ko, "D'yan lang sa tabi-tabi." Sagot ko kay Calix dahil si Aeron ay hindi pa rin maipinta ang mukha. Ewan ko ba kung bakit parang ang tindi ng inis niya doon sa Nate na yun. "Ano bang ginawa mo at 'di nanaman maipinta ang muka niyan?" Bulong sa akin ni Calix at tinignan si Aeron. "Wala naman, bwisit na bwisit siya doon sa vocalist ng banda na yon." Sabay turo ko doon sa stage. Pagbaling ko ng tingin kay Calix ay napatango siya habang nakatingin sa banda.

"That's Nate, one of his rivals when he was still with Elise." Nalaglag ang panga ko sa naging saad niya. "So, kilala niya talaga si Aeron kaya siya lumapit sa akin kahapon." Bago ko pa pigilan ang sarili ko na sabihin iyon ay lumabas na sa bibig ko. Mabilis na napalingon sa akin si Calix at maging si Aeron ay napatingin sa akin. "What?" Galit nanaman ang tono niya na bumaling sa akin, pumito si Calix at nagtaas sa akin ng kilay, "Puntahan ko muna sila Jewel, magkita na lang tayo sa SM. Doon tayo mag lunch." Saad niya at iniwan kaming dalawa ni Aeron.

"Nilapitan ka nung gagong 'yon kahapon? What did he do? Did he touch you?" Kitang kita ko ang galit sa muka niya. "Wala. Wala siyang ginawa, kinausap niya lang ako." Mabilis kong paliwanag. Hindi siya kumibo kaya nagpatuloy ako.

"Umupo siya sa harap ko mga ilang minuto pagkaalis mo papunta sa class mo, he thought you were my boyfriend then ininsulto ka niya kasi dapat daw ay hindi mo ako pinaghihintay--"

"I told you I should have just skipped class instead of making you wait--"

"Tigil, patapusin mo muna ako!" Singhal ko sa kanya at sinamaan siya ng tingin, umirap naman siya at masamang tinignan si Nate sa malayo, "Ayun sabi niya, what kind of boyfriend are you. Kaya sinagot ko siya na you're a good boyfriend, I told him na sinunod mo ang gusto ko na pumasok ka sa class mo kesa mag cutting tapos sinabi ko rin sa kanya na wag kang insultuhin the next time because you're better than him." Ngumuso siya sa akin, "You don't even know him paano mo nasiguro na I'm better than him?" Aba at walang tiwala sa sarili niya? Hinampas ko tuloy ang braso niya, dumaing siya sa paghampas ko, "Yes, I don't know him at wala akong balak na kilalanin siya but still, you're better than him, you're better than anyone kaya.. Tumigil ka diyan." Pakiramdam ko ay pulang pula ang muka ko sa sinabi ko sa kanya, naglaro ang ngiti sa labi niya at hinigit ako palapit sa kanya, tinapat niya ang bibig niya sa tainga ko. "Glad you know." Napatawa na lang ako sa sinabi niya, "Tara na." Pumunta kami sa annex para kunin ang lexus niya at dumiretso kaming SM at doon kami kumain sa KFC. Pagkatapos naming kumain ay naglibot libot kami. Papunta kami sa department store nang makita ko ang pamilyar na pigura ng katawan na babae. She has long brown hair and white skin. She was wearing a white crapped top and denim shorts, "Oliver, I think we should call her and ask her to bring their driver and pick us up before 2 o'clock."

"Surprise nga, Ky, diba? And we're using our car."

"But.. Oh fine!"

Oh, great God. My cousins are here! "Aisha?" Tawag sa akin ni Aeron at hinawakan ang baywang ko. Nang makita kong napalingon sa gawi namin si Nash ay agad akong lumayo kay Aeron. "Aisha!" Napangiwi ako sa sigaw niya dahilan upang maglingunan ang barkada ko sa kanya at ang mga pinsan ko sa amin. "Ah, hi--" hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay sinalubong na niya agad ako ng yakap na mahigpit at hinalikan ako sa pisngi. "I missed you, Ai." Saad niya at humiwalay sa akin. Napatingin ako kay Calix na nakataas ang kilay at kay Aeron na nakakunot ang noo. "Omg! Ayi!" Sigaw ni Kyra at nagmadaling lumakad at sinalubong ako ng yakap. "God, I missed you!" Bulong niya sa akin, pumito ang ilan sa barkada ni Aeron.

"Ano bang ginagawa niyo diyan? I want to buy dress--" natigil sa pagsasalita si Chelsea na hatak hatak si Yannie nang makita ako. Nang sa wakas ay bumitaw sa akin si Kyra ay tsaka lumapit sa amin ang iba ko pang pinsan. "We were about to surprise you kaya lang naunahan mo pa kaming i-surprise." Saad ni Oliver at nakipag high five sa akin. "Hi!" Bati sa akin ni Chelsea at Yannie na kasing edad ko lang rin. "Nagulat rin ako nang makita ko kayo." Saad ko sa kanila.

Natahimik ang mga pinsan ko nang tumabi bigla sa akin si Aeron, "Who are they?" Bulong niya sa akin, "Uh.. Oo nga pala, they are my cousins." Saad ko sa kanilang lahat. Aalis sana ako sa tabi ni Aeron nang bumulong ulit siya sa akin, "Even him?" Sabay turo kay Nash. Tumango ako sa kanya. Napataas naman ng kilay si Nash. Lumapit ako kala Kyra, "This is Kyra, Nash, Oliver, Yannie and Chelsea. They are my cousins from my mother's side." Pagpapakilala ko sa kanila.

"This is Aeron." Pagpapakilala ko kay Aeron, "This is Calix, Jewel, Risha, Courtney, Vien, Isiah, Carl, Marco, Raniel, Gabriel and Joseph." Pagpapakilala ko sa lahat.

Ngumisi si Kyra sa akin, kitang kita ko ang malagkit na tingin niya kay Aeron. No. No! "I like him." Imbis na ibulong niya iyon ay nilakas niyang sabihin iyon at pinarinig sa buong barkada. "Si C-Calix?" Nauutal kong saad. Umiling siya sa akin at nagulat ako nang lumapit siya kay Aeron at nilagay ang hintuturo sa dibdib nito. Nagulat ako, nagulat si Aeron, nagulat kaming lahat. At may kung anong dugo ang dumaloy sa akin upang maramdaman ang inis. "Nope. Him." Saad pa ni Kyra. Lumayo nang bahagya si Aeron, "He's taken." Saad ko sa malamig na tono dahilan upang mapatingin sa akin si Kyra, "Really taken, Ky. He's off-limits." No, I won't let anyone have him. Not even my cousin or anyone.

Nakita ko ang pag ngisi ni Calix dahilan upang matauhan ako sa sinabi ko, tumawa ng pilit si Yannie, mukang nahalata na hindi maganda ang atmosphere. "Oh, well. Aisha, sa inyo kami matutulog ngayong sem break and also I really want to go na, e." Pag yayaya ni Yannie. "Right, sumabay ka na rin sa amin." Sabi ni Oliver.

"Or you'll still be with them?" Walang ganang saad ni Kyra sa akin at lumayo na kay Aeron. "Nope, Ky. Of course, I'll be with you." Mabilis kong saad. Oh, great. What a nice greetings we have here, huh, Aisha?

"I hate it. You tell me, Aisha. Taken na ba talaga siya?" Pinigilan ko ang sarili ko sa pag irap dahil sa tanong niya. "A-actually--"

"Hindi pa." Napataas ang kilay ko sa sinaad ni Aeron. Nagpalipat lipat ang tingin sa amin ni Kyra. "That's good!" Pagbubunyi ni Kyra. Oh shit, I can't be this selfish, right?

"But I already like someone else." Saad ni Aeron at hinigit ako palapit sa kanya at inilapit ang bibig sa tainga ko, "And like me, she's also off-limits." Bulong niya na ako lang ang nakarinig. Nalaglagan ng panga sila Kyra sa ginawa ni Aeron. Napalayo ako sa sinaad ni Aeron. Naglaro ang ngiti sa labi niyang mapula, "I wanted to drive you home but I'll let you some quality time with your cousins, I'll text you later, okay? Oh and here's your bag." Unti unti niyang inalis ang nakasukbit kong bag sa katawan niya at tsaka isinukbit sa akin. "T-thank you." Saad ko at nginitian ko siya at maging ang buong barkada at hinila si Kyra na walang imik. Damn. Off-limits, huh.

StayWhere stories live. Discover now