Chapter 47

138 9 0
                                    

Chapter 47

Grandfather

Tahimik kaming dalawa nang tumigil ang sasakyan niya sa harap ng gate namin. Hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit at tinitigan ako.

"Will you please tell me the reason your grandma's trying to tear us?" Huminga ako ng malalim.

"Ate Belle's pregnant. Hindi pa niya iyon tanggap. Nadamay kaming lahat, kasi mukang gusto niya lang kaming protektahan."

Nagtaas siya ng kilay sa akin, "That's why she wants you to break up with me.." kinagat ko ang labi ko at tumango.

"And what's the consequence if you don't obey your grandma?" Napahinga ako ng malalim.

"Sasama niya ako pabalik ng America." Tumitig lang siya sa akin nang sabihin ko iyon. Hindi ko mabasa ang iniisip niya.

"Okay.." tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Don't break up with me.." seryoso siya. "I won't. But you'll go." His jaw clenched pero unti unti rin siyang tumango.

At sa pagpayag niya ay hindi ko maikakailang nasaktan ako. Ginusto ko 'to kaya dapat ay maging masaya ako.

Bumaba siya ng sasakyan at mabilis umikot para pagbuksan ako, "Get inside now."

Tumango ako at hinawakan ang kamay niya. "Let's go inside." Tumitig siya sa akin at unti unting ngumiti.

I'll fight for you, Aeron. This time, gagawin ko ang kung anong tama. Yes I love my family, I love Grandma and as long as I can, I'll obey her rules but this time I want it to be fair and square. Iyong hanggang maaari ay walang masasaktan at matatapakan.

Iyon bang dapat ay patas lang.

Mahigpit ang hawak ko sa kamay ni Aeron nang makapasok kami sa bahay. My dad look up at me at bahagya pa siyang nagulat nang makita si Aeron.

I must say this will be the first time I'm gonna approach him after weeks of locking myself in my room.

Nagmano ako sa kanya at ganoon din si Aeron. "Dad, I know natatakot ka rin kasi dahil sa nangyari kay ate Belle. I could see it in your eyes and also mom's. At alam ko rin na kaya mahigpit si grandma sa amin ay dahil paniguradong gusto niya lang kaming protektahan."

Nakatitig sa akin si daddy kaya nagpatuloy ako.

"And I understand that, daddy. But Aeron's my other half, I'd say. I love him, dad. And I need you to trust me. Aeron loves me and we'll never break the trust you'll ever give us."

"I trust you, anak. But the thing is, your grandma's words are true. Kung isasama ka niya pabalik sa America ay gagawin niya iyon, and I cannot afford that. I can't.."

Nilunok ko ang takot kong ilabas ang gusto kong sabihin.

"Yes, dad. Alam ko iyon. Kaya nga po ginagawa ko ito. I want it to be fair and square. Hindi po ako makikipag hiwalay kay Aeron dahil lang po sa gusto ni grandma. Hanggang maaari ay lalaban po ako. Hanggang maaari ay gusto kong magkaayos kami ni grandma."

Tumikom ang bibig ni daddy at lumipat ang tingin kay Aeron.

"Tito, I love your daughter and I will never break the trust you've given me the day you approved us." Tiningala ko si Aeron at seryoso siyang nakatitig kay daddy.

Please, dad. I just need your trust.

Tahimik si daddy at tinapik niya ang aming balikat. "I support you two." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya at yumakap sa kanya.

"Thank you, dad!" Hearing those words from him did satisfy me a little. I want my family to support me bago ko harapin si grandma.

"Anyway, wala dito ang grandma mo. Umuwi muna sa Lumang Bayan." Tumango ako. Not that I don't want to face her with Aeron pero mas maayos na rin kung mas maging handa ako.

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon