Chapter 29

174 7 1
                                    

Chapter 29

You're showing too much..

Maaga akong gumayak para hindi ako mahuli sa usapan namin ng groupmates ko. Katulad ng usapan namin kahapon ay nagdala rin ako ng net book para sa gagawin namin na script para sa English namin. Ayaw man kasi namin ay kami ang kauna-unahan na mag pe-perform para sa Prelims at dahil sa marami rin kami na project ay mas minabuti namin na mag simula na agad para hindi rush na rush.

Sakto lang ang dating ko dahil si Calix pa lang ang naroon. Kaagad niya akong binati at sinalubong ng yakap. Ngumiwi ako sa kanya sa naging dating niya sa akin, "Anong prob--" hindi ko agad natapos ang sasabihin ko nang mapansin ang pamamaga sa bandang labi niya.

"Calix, napaaway ka ba?" Kaagad kong bulyaw sa kanya nang mapagtanto nga na parang nasuntok siya or something. Ngumisi siya sa akin at napailing, "Medyo." Aniya.

"At bakit? Tignan mo 'yang muka mo." Imbis na sagutin niya ako ay kinurot niya lang ang pisngi ko. "Gwapo pa rin naman, 'diba?" At nakuha pa niyang ngumisi.

"What happened, really?" Nagkibit balikat lang siya at umiling. Dahil ayaw naman niyang sabihin ang dahilan ay hindi ko na siya pinilit. Naghintay kami sa mga groupmates namin at maya maya lang ay dumating na rin ang mga kaibigan ko pati na rin si Hailey. "Labas na raw tayo. Nandyan na si bestfriend."

Katulad ng sinabi ni Calix ay lumabas na nga kami, kaagad kong hinanap ang Lexus niya kaya lang ay hindi ko iyon makita. "Everest gamit niya ngayon, Ai." Saad sa akin ni Calix at tinuro ang Everest na itim na kararating lang.

Lumapit kami doon at kaagad namang binuksan ni Calix ang pinto. "Dito na kayo sa pangalawang seats, kami na lang ni Hailey sa back seat. Aisha, doon ka sa harap." Saad ni Calix at ngumisi sa akin. Katulad ng sinabi niya ay umikot na ako sa harap at binuksan iyon.

Kaagad na bumungad sa akin ang seryosong si Aeron na nakahawak sa manibela at hindi man lang ako sinulyapan. Naka white v-neck shirt siya at napansin ko ang malaman niyang braso na tamang tama sa sukat ng manggas ng shirt niya at naka khaki at slip-on sneakers na itim.

Sumakay na rin ako katulad nila Risha na nakaupo na sa likod. "Hi." Bati ko kay Aeron. Tumingin siya sa akin at tumango lang. Anong problema nito?

"Kumpleto na ba?" Tanong niya at tsaka tumingin sa rear view mirror. "Oo, bro." Saad ni Calix. Matapos iyong sabihin ay pinaandar na niya ang Everest niya.

Naging maingay ang mga kaibigan ko, samantalang kami ay parehong tahimik. Nang lumaon ay naramdaman ko ang init ng araw na tumagos mula sa salamin at kaagad na napaso ang balat ko sa hita. Napangiwi ako nang hindi ko alam kung ano ba ang ipantatakip ko dahil naka-shorts lang ako, dapat pala ay nag pants na lang ako.

Binuklat ko ang bag ko at bago ko pa makuha ang panyo ko ay naramdaman ko na ang paglaglag ng bimpo sa hita ko. Napatingin ako sa kanya at nakakunot lang naman ang noo niya nang tinignan niya ako. Kaagad kong binawi ang tingin ko at inayos ang bimpo niyang nilagay sa hita ko.

Matapos ang halos 20 minutes na byahe ay nakarating na kami sa kanila. Malaki ang bahay nila at solo lang rin nila ang lot nila katulad ng amin.

"Nandiyan na pala kayo." Saad ng isang babae na sa tingin ko ay mommy ni Aeron. Maputi siya at may pagkasingkit ang mata na katulad ng kay Aeron, matangos rin ang ilong niya at may labi siyang manipis na mapula na katulad ng pagkapula ng kay Aeron.

"Good morning po." Saad namin at isa-isang nagmano. Nang ako na ang magmamano ay nagulat ako nang pisilin niya ang aking kamay. "You are?" Nakangiting tanong niya sa akin, "Aisha Cruz, ma'am." Magalang na saad ko.

StayWhere stories live. Discover now