Chapter 17

183 8 0
                                    

Chapter 17

Baby..

Maaga akong gumising at gumayak. Nakasuot ako ng org. shirt namin at naka pants lang at doll shoes. Naglagay ako ng lipstick na ngayon ko lang ulit ginawa after a long time. Pinatuyo ko ang umaalon kong buhok at pinulupot iyon na pusod pagkatapos ay nagpahatid na ako sa university.

Nang makarating ako ay wala pang masyadong tao. Sinabihan ko ang mga kaibigan ko na nandito na ako at tsaka ako naghintay sa first floor waiting area. Wala pang limang minuto ay nakita ko na ang nagmamadaling lakad na si Calix na nakasuot rin ng shirt na suot ko. "Calix!" Sigaw ko nang hindi niya yata napansin na nandito na ako. Napatigil siya sa pag lakad at napatingin sa akin. "Cr lang ako." Paalam niya sa akin at nagmadaling pumunta sa cr. Kaya pala nagmamadali siya.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Aeron,

Good morning! Gising ka na?

Naalala ko tuloy ang nangyari kahapon. Bago ako matulog ay nagkatext pa kaming dalawa at pinagusapan pa namin ang mga non sense na bagay. Natatawa tuloy ako. Nakalipas ang dalawang minuto at hindi pa rin siya nagrereply kaya tinadtad ko na siya ng text.

Gising na, Aeron.

Uy!

Wala pa ako kasama dito. :(

Kinagat ko ang labi ko sa huling text ko sa kanya. Nang makita ko si Calix ay tsaka ko lang naalalang may kasama na nga ako. Omg how come I forgot about Calix. "Good morning!" Saad ko sa kanya. Umupo siya sa tabi ko at kumunot ang noo niya habang tinitigan ang mukha ko. "Naglagay ka ba ng lipstick?" Namula ako sa tanong niya at tumango. Naningkit ang mata niya at ngumisi. "Nagpapaganda kay bestfriend." Saad niya at humalakhak. Binatukan ko nga.

"Hindi ah." Saad ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin at nagkibit balikat. "Isip mo ha!" Singhal ko sa kanya at tumawa nanaman ang lintik. Nang tumigil siya sa pagtawa ay natahimik kami ng ilang sandali bago ako nagsalita ulit, "Calix.. sa tingin mo ba naka move on na si Aeron?" Kinakabahan ako sa magiging sagot niya. Sa halos dalawang buwan naming magkasama hindi na siya nagkukwento tungkol kay Elise. Actually since the day na nagkasagutan sila ni Elise ay tila nawalan siya ng gana sa ex niya. And yes I know that he has been hurt but I had the chance to watch him smile and laugh like he was never been broken at all. At kapag naiisip ko iyon.. umaasa akong.. sana ako ang dahilan kung bakit siya nakaka get over sa past niya.

"I think so." Napatingin ako kay Calix sa sinabi niya. Nakatingin siya sa harap at parang ang lalim ng iniisip niya. "But I don't think he's ready to love.. again." Saad niya at tumingin sa akin. Exactly what I thought. Napatawa na lang ako dahil seryosong  seryoso kaming dalawa. Nakalipas pa ang halos 30 minutes ay sabay  sabay na nagsidatingan ang mga kaibigan ko at mga barkada nila Calix. Tiningnan ko ang phone ko at nakitang may tatlong text at puro galing iyon kay Aeron.

I'm sorry. Kagigising ko lang. Are you alright?

Are you with someone now? Where are your friends?

I'll be there. Wait for me.

"Ayan na pala si Aeron e." Nakatingin sila Vien sa kotse ni Aeron na nagpapark. Mabilis niya iyong pinark at sinarado at mabilis nagtungo sa kung saan naroon kami. He's wearing his org. Shirt and khaki shorts. Ugh ba't ba ang pogi niya?

"Sorry, I'm late." Saad niya sa amin.. more like sa akin dahil direkta ang mata niya sa akin. "Tara na! Bukas na yung office, oh." Yaya ni Jewel sa amin. Sabay sabay kaming pumunta sa office when I noticed Aeron was staring at me. Nang taasan ko siya ng kilay ay mas lalong kumunot ang noo niya at nag iwas ng tingin. What's his problem now?

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon