Chapter 41

121 7 0
                                    

Chapter 41

It's about us

Matapos ang New Year's celebration ay nagkanya kanya na ulit kaming gawain na magpipinsan. Umuwi sila sa bahay ni grandma ngunit si Grandma ay naiwan sa amin.

Nagbalik na ang klase namin at katulad ng inaasahan ko ay kaagad na nagsama-sama ang magkaka grupo.

Kaagad na maraming nakiusisa sa akin at inungkat ang nangyari sa amin ni Aeron noong Christmas Lighting. Hindi ko naman sila sinagot dahil sa ayoko ng tsismis.

"Kayo na?" Saad ng isa naming kaklase. Tahimik ako at nagpasalamat nang dumating na si Aeron sa room. Kumunot ang noo niya nang makita na ang daming nakapalibot sa akin.

Tumikhim siya kaya umalis sa harang ang mga kaklase namin. Agad siyang tumabi sa akin at inabutan ako ng hot chocolate. Tumingin ako sa kanya at ganoon na lang kabilis nang nilapit niya ang kanyang bibig sa aking tainga.

"I missed you." Pinigil kong ngumuso o gumawa ng kahit na anong reaksyon dahil sa dami ng matang nakatingin sa amin.

Narinig ko ang paghalakhak niya kaya pinagtaasan ko siya ng kilay at ngumuso. Bumaba ang tingin niya sa aking labi.

"Stop tempting me this early in the morning." Aniya kaya hindi na ako nakapagpigil at hinampas ko siya sa kanyang braso. Tinawanan lang naman ako ng buwisit.

"Sila na yata.." saad ng isa naming kaklase. Kumurba ang ngiti niya sa kanyang labi at hindi ko inaasahan na sasagutin niya ang tanong ng mga kaklase ko.

"Yup. Kami na." Napapikit ako sa pagiging proud niya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. This man can really make me crazy.

Sa araw na iyon ay naging usapan kaming dalawa at may ilan na lagi kaming tinutukso.

Sa mga sumunod na araw ay pansin kong hindi na uma-absent si Calix at sa tuwing time ng PDH kung saan namin kaklase sila Ynah ay lagi siyang doon nakatabi sa kanya. Napapangiti ako kapag naiisip na baka natitipuhan ni Calix si Ynah.

Dahil kung kay Ynah man siya magkagusto ay masasabi kong seryoso siya dahil sa hindi lang naman basta-bastang babae si Ynah.

"Why are you looking at him?" Saad ni Aeron nang makita na nakatingin ako kay Calix na busy sa cellphone at panay ang tipa sa keypad nito.

"Bakit nangingiti ka din?" Tanong pa niya sa akin. Nangingiti ako dahil sa nahahawa ako ng ngiti ni Calix habang nagtetext. Iba ang mga ngisi ni Calix sa mga nagdaang araw at natutuwa akong ganoon siya.

"I'm just happy." Saad ko kay Aeron. Umirap siya sa akin na ikinatawa ko. "Bakit mo ako iniirapan?" Natatawa ako sa kanya at hindi ko napigilan ang sarili ko na kurutin ang pisngi niya.

"Are you jealous?" Saad ko. Muli niya akong inirapan na kaya't mas lalo akong napatawa.

Kiniliti ko siya ngunit ay hindi man lang siya natitinag. Nakatingin sa akin ang mga kaibigan ko at nangingiti sila sakin. Ngumuso ako sa kanila at natigil sa pagkiliti ko kay Aeron.

"Galit ka?" Tanong ko sa kanya ngunit ay hindi siya sumagot. "Sorry na.." mahina kong saad sa kanya at ngumuso pero nang hindi niya pa rin ako pinansin ay tumahimik na lang ako hanggang sa mag desisyon kaming umuwi na.

Tahimik kami pareho sa loob ng sasakyan niya. Buong byahe yata akong nakanguso at hinihintay siyang magsalita man lang ngunit ay hindi man lang siya kumikibo.

"Why are you jealous when you know you're the one I love?" Tanging nasabi ko nang huminto na ang sasakyan sa gate namin. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

Kinagat ko ang labi ko at kinalas ang seatbelt at lumapit sa kanya. "I love you. Don't be jealous!" Saad ko at hinalikan siya sa pisngi.

"Text me when you get home." Paalala ko pa sa kanya at bumaba na ako.

Pagdating ko sa bahay ay agad akong nagmano kay grandma. "Why are you so late, Aisha?" Aniya. Ngumuso ako. 5 pm isn't that late, grandma.

"We did some project, grandma." Kahit ang totoo ay kumain lang naman kami. "Where's your boyfriend?"

"Pinauna ko na po." Nagtaas siya ng kilay sa akin tila mali ang nasabi ko. "How rude of him! He didn't even dare to get off his car to greet me, huh?"

Pinigilan ko ang sarili ko na sagutin ang paratang niya. Kapag pumupunta dito si Aeron para magmano kay Grandma ay pinapakita ni Grandma ang pagiging mahigpit niya at kung paano niya ito ayawan, ngayon namang hindi siya nagpakita ay nagagalit pa rin siya.

I am trying my very best to understand her because she's my grandma and I love her but this is too much.

"Pinauwi ko na po agad siya dahil ayokong gabihin siya." Tanging saad ko at umatras na. "Aakyat na po ako." Mabilis akong tumalikod sa kanya at umakyat sa aking kwarto.

Pagkahiga ko ay tsaka tumunog ang phone ko sa isang text. It was from Kyra.

What's your plan for your birthday?

Ngumuso ako. Sa susunod na araw ay kaarawan ko na ngunit hindi man lang ako nagplano kung anong gagawin ko sa araw na iyon.

My mom wants me to have a cotillon but I rejected it. Hanggang maaari ay gusto kong simple lang ang maging kaarawan ko. Noong nag sixteen ako ay pinag handa nila ako ng bongga at aaminin ko namang naging masaya ako noon pero ay masyadong pagod ang inabot ko.

Simple party, Ky. Night swimming I guess?

I'm pretty sure na papayagan ako nila mommy sa gusto kong mangyari. It's my birthday after all.

Nagpapalit ako ng pambahay kong damit nang biglang may kumatok sa pinto ko.

"Wait lang po, Grandma.." nasaad ko at mabilis na nagpalit ng spaghetti strap at shorts. Pagkabukas ko ng pinto ko ay nagulat ako na si Aeron ang nasa harap ko.

"A-anong.." bumuntong hininga siya. "May I come in?" Aniya. Tumango ako at pinapasok siya at sinara ang pinto.

Pinulot ko ang uniform na hinubad ko at nilagay sa lagayan ng marumi. Nakatalikod ako sa kanya nang maramdaman ko ang yakap niya.

Ngumuso ako at pilit kinalma ang puso kong mabilis ang pagtibok. "I'm sorry.." saad niya sa aking tainga at naramdaman ko ang labi niya sa aking leeg.

Napakagat ako sa aking labi at napapikit nang bigyan niya ako ng maliliit na halik. Iniharap niya ako sa kanya tsaka ko binuksan ang mga mata ko.

Huminga ako ng malalim na tila kinapos ako ng hininga sa ginawa niya.

"I'm sorry I got jealous." Aniya at tinitigan ang mata ko. Ngumuso ako.

"I'm not mad.." iyon naman kasi ang totoo.

"Are we..good?" Aniya tila naniniguro.

Napangisi ako at hindi ko napigilan ang sarili kong tumawa ng mahina bago umiling. "What? No!" Saad niya. Tumawa na ako at hinampas siya.

"Umuwi ka na, pa-gabi na!" Saad ko sa kanya at tinulak siya palabas ng pinto ko.

"No.. bati na tayo, please?" Hinawakan niya ang kamay ko at hindi ko maiwas-iwasang matawa sa itsura niya.

Bumaba kaming dalawa na nagkukulitan kung ayos na kami. Tawa lang ako ng tawa sa kakulitan niya kaya lang ay agad din akong natahimik nang makita si Grandma na masama ang tingin sa akin.

"Hatid ko lang po si Aeron, Grandma." Pagpaalam ko sa kanya. Lumapit si Aeron sa kanya at nagmano para magpaalam. Kitang kita ko ang pag irap ni Grandma sa kanya at alam kong nakita niya rin iyon.

Nang makalabas ay ramdam ko ang pagiging tahimik niya. Bumuntong hininga ako at tinignan siya sa mata.

"Your Grandma hates me." Kumunot ang noo ko dahil sa tamlay ng boses niya. "Mag iisang buwan ko na siyang sinusuyo pero palala ata ng palala." Nahimigan ko ang dismaya sa boses niya at nagu-guilty ako doon.

"Don't mind her." Nagulat siya sa sinabi ko. "Don't mind everyone around us. It's not about them. It's about us. Kung hindi ka magustuhan ni Grandma ay hayaan mo siya."

Tumitig siya sa akin at ngumiti ng bahagya. "Okay.." saad niya nagpaalam na para umuwi.

StayWhere stories live. Discover now