Chapter 23

172 8 1
                                    

Chapter 23

I'm gonna die.

Buong lunch ay naglibot libot ako sa buong big rock. I didn't care kung meron mang mga lalaki ang tumitingin sa akin dahil nag iisa lang ako. Naiinis ako at wala akong pakielam sa lahat ng bagay ngayon kundi ang sarili ko. Nakita ako nila Calix na naglalakad mag isa at nang tawagin nila ako ay tinignan ko lang sila at nilampasan. Pumunta ako sa kiddie pool na puro bata ang laman. I suddenly missed being a kid. Pinicturan ko ang lugar bago umalis.

Pagkatapos nun ay pumunta ako sa hanging bridge at doon nag selfie. May nakatingin pa nga sa akin na mga lalaki kaya lang ay hindi ko naman sila pinagpapansin. Nang matapos akong magpicture doon ay doon naman ako pumunta sa bagong bukas na pool at may kweba rin. Nang nasiguro kong nalibot ko na lahat ay bumalik ako sa cave pool kung saan naroon sila Calix at kasama na niya si Aeron. I wonder where Kyra is. However, naiinis pa rin ako kaya naman nang makita ko ang tingin niya sa akin ay taas noo akong naglakad at dire-diretsong naglakad papunta sa cottage.

Naabutan kong kumakain sila Oliver and Kyra's nowhere to be found. "Saan si Ky?" Tanong ko kala Yannie. Nagkibit balikat sila at bumalik sa pagse-selfie kasama si Chelsea. Binalik ko sa bag ko ang phone ko at bumalik sa cave pool at umakyat sa taas nito kung saan sa pinaka rooftop nito ay mayroong maliit na pool.

Akala ko pa nung una ay sarado dahil tahimik ngunit bukas pala at sadyang wala lang talagang tao. Sabagay mainit kasi kaninang lunch ngunit ngayong mag a-alas dos na ay malimlim naman na ang ulap.

Sinalubong ng aking katawan ang maligamgam na tubig at masyado akong nakapag relax. Pinikit ko ang aking mata at as soon as naipikit ko ang mga ito ay sumagap si Aeron sa isipan ko.

Umiiwas ako sa kanya pero ayoko namang mapunta siya sa iba. Umiiwas ako sa kanya pero lumilihis ang puso ko sa isip ko na iwasan siya sa kagustuhang kausapin siya. Alam ko naman na ako ang mahihirapan. Hindi ko na nga alam kung ano bang kahibangan ang ginagawa ko.

Napapansin ko naman na nag iiba ang trato niya sa akin. Hindi ako tanga para hindi iyon mapansin kaya lang gustuhin ko man ang ideyang iyon ay pilit kong iniiwasan dahil natatakot ako.

My mom, my dad and my brothers, sila naman talaga ang dahilan nung una kung bakit umiiwas ako. I don't want to disappoint them. Again. Pero sa tingin ko hindi na lang sila ang dahilan kung bakit pilit akong umiiwas. It's him and his frightened heart.

Kung sakali mang tuluyang maka move on si Aeron sa past niya, at kung sakali mang tanggalin niya ang harang sa puso niya para magmahal muli, kung sakali mang maging handa na siyang mahulog ulit at kung sa akin man siya mahulog.. Sa tingin ko ay gagawin ko ang lahat huwag lang siyang mahulog nang hindi ko siya sinasapo.

Nararamdaman kong may nararamdaman na siya sa akin, I can see it in his eyes. I can feel it whenever he talks to me or whenever he touch me. Nararamdaman ko iyon kaya lang may pumipigil sa akin na isipin ang bagay na iyon dahil alam kong hindi pa siya handa. Sino bang niloloko ko? Pinipilit ko na lang naman na kumbinsihin ko ang sarili ko na huwag mahulog ng tuluyan dahil sa ideya na ma disappoint ko ang pamilya ko. Pero hindi iyon dahil doon.

Pinipilit kong huwag mahulog ng tuluyan dahil hindi pa siya handa. Pero ako ba? Handa na ba ako? Kung sakali mang maging handa siya, magiging handa na ba akong ipakilala siya sa pamilya ko? Handa ba akong ipaglaban siya kahit ang kapalit non ay ang pagsakit sa pamilya ko? Handa ba ako doon sa bagay na iyon? Handa na ba ako doon kaysa sa unang beses na nagkarelasyon ako at hindi ko naman siya naipaglaban sa takot na masaktan ko ang pamilya ko?

If this is true love and fighting is the only solution for us to stay together then I'll fight.

"Spill it." Napasinghap ako at napadilat sa boses ni Calix. Nakatayo siya at tumutulo ang tubig sa maganda niyang katawan. Seryoso siyang nakatingin sa akin at dinaluhan ako sa tubig. "What's bothering you?"

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon