Chapter 30

151 8 0
                                    

Chapter 30

You'll be safe there..

Matapos kong humiram ng laptop sa kanya ay kaagad akong bumalik sa veranda. Katulad ng ginawa nila ay nag search na rin muna ako about social media. Nang magkaroon ako ng mga ideas para sa introduction ay kaagad akong nagsimulang mag type.

Habang nag ta-type ako ay naramdaman ko ang presensya niya sa gilid ko. "Hey." Aniya,

Napatingin ako sa kanya at nilalahadan niya ako ng juice. "Thanks." Saad ko at kinuha iyon at uminom. Bumalik ako sa pag ta-type at hindi na muna siya pinansin kahit bumibilis ang tibok ng puso ko.

"Do you need help?" Tanong niya sa akin, "Mag isip ka ng mga tanong na sasagutin nila." Tumango siya sa akin at bumaling sa laptop niya. Tahimik siyang nag type doon ng mga tanong at ako naman ay pinagmasdan siya.

Naalala ko ang pahayag niya sa akin kanina. Bakit tila masyado niya akong pinoprotektahan? Bakit pakiramdam ko ayaw niyang may makakita sa balat ko? Bakit nagagalit siya kapag nagpapakita ako ng gaanong balat.

"Aisha, can you get my phone? Naiwan ko pala sa kwarto ko." Saad niya sa akin na hindi ako tinignan. Tumango ako at tumayo. Muli akong pumunta sa kwarto niya at halos mapatalon ako sa gulat nang makita ang isang batang baba na nakahiga sa kama niya. "Oh, hi. I'm sorry.." Pag hingi ko ng paumanhin matapos niyang tumayo at lumapit sa akin.

Nginitian niya ako, "Hi, ate Aisha." Nagulat pa ako nang tawagin niya ako sa pangalan ko. "I've heard a lot about you, po. Kuya told me, you're a good friend.." Napangiti ako sa sinabi niya at pumasok na rin ako ng tuluyan.

"Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kanya, "Aizy Gale, po." Aniya, "Ilan taon ka na?"

"13, po." Saad nito sa akin. "Alam mo ba ate, kuya got hurt because of ate Elise and I think you fixed his heart from being broken. Girlfriend ka po ba niya? You look good together po kasi."

Kahit yata malamig sa kwarto ni Aeron dahil sa aircon ay pinagpawisan ako sa sinabi ng kapatid niya. "Ang kuya mo, mukang ang daldal ha? Kung anu-ano yata ang sinasabi sayo at naging ganyan ang dating ko sayo. Kaibigan niya lang ako, Aizy." Napatawa pa ako sa sinaad ko sa kanya at nginusuan lang naman niya ako. "Pero alam mo ba ate, kapag pumupunta ako sa room ni kuya na hindi kumakatok, lagi ko siyang nahuhuling nakangiti kapag tinitingnan niya ang picture niyo."

Tuluyan na atang namula ang pisng ko nang marinig ko iyon. "T-talaga?" Iyon na lamang ang naging saad ko dahil hindi ko na alam kung ano ba dapat ang sabihin ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin at ngumiti, napansin ko tuloy na magkamuka sila ng labi ni Aeron, katulad rin ni Aeron, may pagkamorena ang balat ng kapatid niya na nakuha nila sa daddy nila. Pinaghalo ang mga mata ni Aizy ng mom and dad niya, at nakuha naman niya ang ilong niya sa daddy niya. "Oo nga pala, Aizy. May kapatid pa ba kayo?" Saad ko nang maalala na parang mayroon siyang ate.

"Opo. Si ate Ailah, wala po siya ngayon kasi nag asikaso siya sa business namin. She's 22 na po and she knows you as well po." Nalaglagan ako ng panga sa sinaad niya.

"Ang akala nga po ni ate, girlfriend ka ni kuya. Wala po bang pag asa na maging kayo?" Napasinghap ako sa sinabi niya. Oh God. Ano bang sasabihin ko?

"Uhm, Aizy sa tingin ko, kailangan ko nang bumalik doon, e." Tumagilid ang ulo niya nang tiningnan niya ako, "Bakit po pala kayo pumasok dito?" And that reminds me of Aeron's phone.

"Ah, kukuhanin ko lang ang phone ng kuya mo. Pinapakuha kasi niya sa akin." Tumango siya at kinuha ang phone ni Aeron na nasa ibabaw ng study table nito. "Salamat." Saad ko sa kanya at tatalikod na nang maalala ko ang tanong niya na hindi ko nasagot.

StayWhere stories live. Discover now