Chapter 13

186 10 0
                                    

Chapter 13

Did he just kiss...

Isang araw nang magising ako na mabigat ang mga mata ko, pinilit kong umupo ngunit damang dama ko ang bigat ng katawan ko. Sumasakit ang balakang ko kaya hindi ako agad nakatayo sa sahig. Sinalat ko ang sarili ko at napagtanto na nilalagnat nga ako. Hindi naman ako pwedeng umabsent dahil dalawa ang quiz ko ngayon kasi ay semis na namin next week.

Mabilis akong naglinis ng katawan at hindi na nag abalang maligo dahil naligo ako kagabi. Ilang beses ko pang sinanay ang sarili ko na maglakad kahit blurry ang paningin ko, kumain ako at uminom ng gamot bago nagpasyang magpahatid sa driver namin.

"Ayi, ba't papasok ka pa e nilalagnat ka nga?" Saad ni mommy pagkalabas ko ng bahay. "Kailangan po. May dalawa akong quiz." Humalik ako sa kanya bago nagpaalam.

Tahimik ang room pagdating ko dahil mga nagsisipagreview sila. Nakita ko si Calix na may nakapasak na earphone sa magkabilang tainga at kaharap ang mga xerox copy niya at nagrereview rin. Tinignan niya lang ako at binalik ang mata sa copy niya, nagkibit balikat ako at tsaka dumukdok  sa desk ko pagkaupo ko. Gusto ko sanang magreview pa ulit ngunit pakiramdam ko ay babagsak ako lalo kapag pinilit ko ang sarili ko. Dumating ang mga kaibigan ko at binati nila ako, isang tipid na ngiti lang ang naibigay ko sa kanila at napadukdok ulit sa desk.

"Aisha, nagreview ka?" Tumango tango ako kay Jewel bilang sagot. "Okay ka lang?" Tanong ni Courtney sa akin pagkakalabit niya. "M-may lagnat ako."

"Ano? Ba't pumasok ka pa?" Sabay sabay nilang saad kaya napaupo ako ng maayos. Kinapa nila ako isa isa at nanlaki ang mga mata nila. "Ang init mo! Umuwi ka na lang!" Napangiwi ako sa sigaw nila, sumakit bigla ang ulo ko kaya napahilot ako sa sentido ko. "Mamaya na, kapag nakapagquiz na ako."

"Hay naku, ang taas kaya ng lagnat mo. Uminom ka ba ng gamot?" Tumango ako kay Jewel sa pagsermon niya sa akin, sinabihan ko sila na kaya ko pa at magreview na lang ulit sila.

Ilang sandali lang ay dumating na si ma'am at nagsimula na kaming i-arrange ng seats, pinalipat ni ma'am si Risha sa tabi ni Leslie at si Rhinna naman ay pinatabi kay Courtney. "Mr. Fernandez, exchange seats with Jewel." Ang akala ko ay kami pa rin ni Jewel ang magkatabi. "Good luck." Saad ni Jewel  sa akin bago lumipat sa seat ni Calix. Umusod ako ng kaunti para makadaan si Calix at umupo sa tabi ko.

"Nagreview ka?" Tanong niya sa akin. "Oo, tulong tayo." Sabi ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin ng tipid at napanguso. "You look pale." Saad niya, bago pa man ako makasagot ay nagsalita na si ma'am na itago ang notes namin at nagsimula ng ibigay ang xerox copy at nagsimula na kaming magsagot.

Tulad nga ng sabi ko ay nagtulong kami ni Calix sa pagsagot nang palihim. Ganito ang ginagawa namin sa tuwing mag qu-quiz kami ng mga kaibigan ko and of course buong block naman namin ay ganoon ang ginagawa. Nagsasagot ako nang lalong sumakit ang ulo ko, napahawak akong muli sa sentido ko at napapikit ng mariin. Hindi ko yata kayang pumasok sa Humanities.

"You okay?" Nagaalalang tanong ni Calix. Ngumiti ako sa kanya ng tipid. Suminghap siya nang kapain niya ang leeg ko, "Shit, ang taas ng lagnat mo!"

"Ssh!" Suway ng mga kaklase ko sa kanya dahil tumaas ang boses niya. "Ba't pumasok ka pa?" Galit niyang tanong sa akin. Napanguso ako at napailing na lang. Nagsagot akong muli ngunit ramdam ko ang tingin niya sa akin. "Calix, copy now." Mahinang saad ko sa kanya na hindi siya tinititigan.

Ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang pag sagot niya at binilisan ko ang pagsagot. Mabuti at kahit may sakit ako ay marami akong nasagot. Hinintay ko lang matapos si Calix sa pagsagot ng kanya at nagpasa na ako ng akin dahil gusto ko na lamang dumukdok sa desk. "Pwede na kayong lumabas." Saad pa ni ma'am sa amin. Umiling ako at bumalik sa upuan ko at dumukdok. Giniginaw na rin ako dahil sa aircon.

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon