Chapter 44

127 6 0
                                    

Chapter 44

To say no

Buong araw na kaming lahat ay nasa bahay lang. My family's been talking about ate Belle's situation. Pero kaming magpipinsan ay madalas nasa iisang kwarto lamang.

Kaming lahat ay may dinadala kaya halos hindi kami nag usap na magpipinsan.

Buong araw akong kinontak ng mga kaibigan ko ngunit hindi ko sila nasagot. Sobra akong nag aalala para kay Aeron at Calix pero hindi ko sila magawang kumustahin dahil sa sistuasyon ng pamilya namin.

They did text me na gising na si Aeron pero hindi ako nakapagreply. Alam kong naiintindihan ako ni Calix at some point dahil nakita naman niya ang reaksyon namin kanina bago umuwi.

"Paano ka, Ai?" Tanong ni Kyra na katabi ko sa higaan. Hating gabi na at patay na ang ilaw pero gising pa rin kaming dalawa.

"Hindi ko alam." Iyon ang totoo. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Buong araw akong nag isip kung ano bang gagawin ko pero wala akong maisip. Natatakot ako na kaya kong i-give up si Aeron para lang sa kagustuhan ni grandma. Natatakot ako na magsisi ako sa desisyon ko. Natatakot ako kasi akala ko handa na ako sa mga pwedeng mangyari pero bakit ngayon ay parang nawawalan ako ng tiwala sa sarili ko?

Kinuha ko ang phone ko at nag tipa ng message para kay Aeron.

I'm sorry hindi ako nakabalik. Get well soon, I'll see you soon.. I love you so much..

Sa message ko na iyon ay bumuhos ang luha ko. I just can't give him up like that. Ito na iyon e, I gave myself a chance to be happy, I gave myself a chance to love and to be loved. Will I give it up this time because of my family?

Will I give up my happiness for grandma's command?

"Ai.. when grandma commands you to break up with Aeron, you should know by that na she's dead serious."

Tumalikod sa akin si Kyra pero hindi siya natigil sa pagsasalita.

"But, Ai. Labas ka naman sa problema na ito. Yes, naapektuhan ka, naapektuhan tayo.. pero hindi ibig sabihin noon ay kasali ka sa problema. Fight until the issue's gone. Ate Belle's responsible for this--"

"Ky.. hindi ko naman isinisisi kay ate Belle--"

"And I too. Pero kahit saan mo tignan, grandma's hatred is coming from ate Belle's fault. Nadamay ka lang, Ai."

Natahimik ako sa sinabi niya. I'm not blaming ate Belle, God knows that. Hindi paraan ang pagsisi sa nagkasala para sa pagsolusyon ng problema.

"Time will come that grandma will accept it."

Time will come..

Kinabukasan ay naghanda ako papasok ng school. Lyka and ate Belle's gone back to Manila dahil sa may pasok sila though they still not settled the issue.

Nauna akong pumasok kala Kyra dahil hindi kami sabay sabay ng pasok at uwian.

"Aisha, what happened?" Usisa ng mga kaibigan ko. Napailing ako. I can't tell them what happened.

"It's a family thing.. si Calix daw papasok na?" Hanggang maaari ay mablis kong iniba ang topic.

"Hindi pa. Pero nakalabas na sila sa hospital." Tumango ako.

I texted Aeron.

Ako:
How are you? Nandito na ako sa school. I love you.

Hindi siya nagreply agad. He must be sleeping.

Nang matapos ang klase ko ay nakatanggap ako ng text kay Kyra.

Kyra:
Are you gonna visit him?

StayWhere stories live. Discover now