CHAPTER 1

9.4K 115 3
                                    

♥♥♥
CHAPTER 1
-RAYMOND'S POV-
♥♥♥

"Hi babe!" bati ko sa girlfriend ko nung nasa canteen kami. Kasama niya yung mga kaibigan niya.

"Babe, bat di ka naman pumunta sa practice namin kanina?"

"Raymond, wala akong panahon pumunta sa practice mo. May photoshoot ako di ba?"

"Yeah... you're right..." i said while nodding. Pagkatapos nang maigsing pag uusap na yan, wala ng nagsalita samin.

Sinamahan ko ang girlfriend ko na kumain. Para akong tanga kasi di ako related sa mga pinag uusapan nila.

Natapos na silang kumain at nagkayayaan sila mag-shopping. Taga bitbit nanaman ako ng bag niya at ng mga pinamili. But it's nothing to me. Because I really love her.

Nagpa-alam siya na may pupuntahan daw kami. Ako naman nagpa hila lang sa kanya. Nakarating kami sa emergency exit ng mall. Pumasok kami doon at humugot siya ng malalim na hininga.

"Babe, may problema ba?"

"Let's break up Raymond..."

"Bakit? May nagawa ba ko?"

"Pagod na ko."

"Babe... wag naman. Cool off lang. Wag naman break up."

"Fuck you Raymond! Ayoko na sayo!" tapos umalis siya, kasama ang mga pinamili niya.

Di ko na siya hinabol. Wala naman akong magagawa na.

I drink. Nilunod ko ang sarili ko sa alak. Wala na akong pake alam saan man ako dalhin ng mga paa ko. Sinuntok ko yung poste at sinipa.ko  yung basurahan at di ko na alam kung anong nangyari pagkatapos.

Habang natutulog ako, napanaginipan ko yung nangyari sa mall. Hanggang sa panaginip hindi na kami nagkabalikan.

Pero may isang boses akong narinig.

"Kung ako girlfriend mo, hinding-hindi kita iiwan..." pamilyar sakin yung boses niya, pero di ko maalala kung saan ko siya narinig. Ni-hindi ko nga alam kung kakilala ko yung babae na yun, o kung nag kita na ba kami.

Napatingin ako sa paligid pagkagising ko, puro pink yung kulay nung kwarto. Mula sa beddings, hanggang toiletries puro pink lahat. Where in the hell am I?

Tinignan ko yung suot ko, napabuntong hininga ako kasi ayun pa rin naman ang damit ko. Akala ko narape na ako eh. Pumunta ako sa pintuan para lumabas na, pero bumukas yun at nakita ko yung P.A namin.

"Anong ginagawa mo dito?!" pasigaw kong sabi.

"Huh? Ikaw? Natanong mo ba sa sarili mo kung anong ginagawa mo dito?" salubong ang kilay niyang sabi. Napaisip ako. Oo nga ano? XD.

"Ahem..." pag klaro ko ng lalamunan ko.

"Hay nako. Magagalit si coach nyan! Tsk. Bawal kayo mag inom nag iinom ka."

"Paki mo ba?"

"Whatever! Maligo ka na may damit yung kuya ko dito hiramin mo muna, kung pinoproblema mo yung brief mo, madali lang yan. Side A, side B ka muna. Gorabels na sa banyo! Bantot mo!" tapos niligpit niya yung pinag higaan ko.

"Side A? Side B?" lito kong tanong. Di ko nagets eh.

"Ibigsabihin, baliktarin mo muna yang suot mong brief! Tss."

"AHAHAHAHAHAHAHA!"

"May nakakatawa ba?"

"Mga technique mo eh? Tell me, ginagawa mo yun noh?"

"O-oy! Di ah!"

"Tss. Whatever. Paliguan mo ko, P.A kita diba?" at bigla siyang namula.

"Kidding. Uuwi na ko." sabay labas ko ng kwarto. Nakakatawa siya. Ang gaan ng loob ko. Parang nakalimutan ko yung lungkot ko nang kahapon.

♥♥♥

ALLISANDRA'S POV

*

"Bakit ka late?" tanong ni coach sakin.

Nagsisimula na kasi yung practice nung mga hukluban na yun. Maaga naman sana talaga akong makaka punta eh. Kaya lang napatulala ako pagka alis ni Raymond. Paliguan ko daw siya? OMG! Pleasure is all mine! Pero saka na, pag kasal na kami. Hehehe.  Charing lang!

"K-kasi po ano..."

"Coach kasama ko kasi si Alli kahapon. Nalate kami ng pag uwi kaya napuyat siya. Sorry coach." sabay kindat sakin ni King.

Kateam ni Raymond. Ang player ng school na malupit mag rebound at mag dunk. Alli din ang tawag niya sakin kagaya ni Raymond.

Umakbay pa siya sakin. Teka wala bang girlfriend to? Mamaya ma issue pa ko.

"Mga batang to. Kung di ko lang kayo mga anak. Okay water break!"

Hay. Nakaligtas. Ang bait ni King. Ngayon ko lang napansin na napaka gwapo niya. Pano kasi puro kay Raymond lang ang atensyon ko kaya di na ko nakakita ng iba.  Parang siya lang ang lalaki sa buhay ko.

Pagkatapos ko silang abutan ng tubig at ng towel naupo ako.

"Hey." bati sakin ni King at tumabi sakin.

Ngumiti lang ako sa kanya. Naiilang ako eh.

"So, bakit ka nga ba late?" tanong niya sakin.

"Bakit?"

"Wala lang. May ma i-topic lang. Hahahaha!"

"Mahabang kwento. Una na ko. May klase na ko eh."

"Wala pa tayong klase." sabi ni King. Tayo?

"Classmate ka na namin."

Nan-laglag ang panga ko. What the eff?! Baka trip lang ako nito.

Kung magiging classmate ko sila, ibig sabihin ako lang ang babae sa classroom? At classmate ko pa si Raymond. Di lang yun, paano ako makakapag aral kung palagi na lang akong kikiligin kapag nakikita ko siya?

Oh Lord! End of the world na berr?

Para sure, pumasok na ako sa classroom namin. Sakto attendance pa lang pag karating ko.

At alam nio ba... Di ako natawag -__-

"Ms. Sarmiento, why are you here? Youve enter the wrong class."

Im doomed. Tama nga si King. Kiking ina naman oh?!

{x}

♥♥♥

THANKS FOR READING♥

RULE NO. 12 NO INCEST (Part Two; Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon