CHAPTER 84

3.1K 120 5
                                    

CHAPTER 84

FUEGO POV

Hanggang ngayon hindi pa din ako nakapinawala na buhay si Aire. Kita ko sa mata ng mga hari at reyna ang kanilang kaligayahan ng nakita nilang buhay si Aire lalo na si Raven. Alam kong kanina pa ito nagtitimpi.

"Aire!" Sigaw ni Aqua ng biglang nahimatay si Aire. Salamat sa kanya dahil natapos na ang labanan.

Masakit pa din ang katawan ko dahil sa natamo ko kanina, hindi madali tamaan ng kuryente sa katawan mabuti na lang at nasanay ako dahil sa mga pageensayo namin.

Akmang bibitbitin ni Acer si Aire ng pinigilan siya ni Raven. Napangiti na lang ako sa ginawa ni Raven talagang mahal niya si Aire.

"Bro ako na." Sabi ni Raven kay Acer. Ngumiti naman sa kanya si Acer at tumango at hinayaan na lamang si Raven na kargahin si Aire. Nakita ko din ang simpleng tingin na ipinukol ng mga hari at reyna sa amin lalo na't siguro nakikita nila kung gaano kami kalapit ng mga taga tao.

"Maraming salamat sa inyo mga diwata maraming salamat sa mga tuloy na binigay ninyo." Pasasalamat ni Reynang Ariana sa mga diwata.

"Lahat ng ito ay ginusto namin at buong puso kami tumulong. Hindi kami papayag na magwawagi ang kasamaan." Saad ng isang babaeng diwata na hindi mo maipagkait ang kanyang kagandahan.

"Maraming salamat." Saad ng ibang mga reyna at hari.

"Bago kami aalis hayaan ninyo kami mga diwata na ayusin ang mga sinira ng ating kalaban. Pinagutos ito sa amin ng god and goddess." Sabi ng isang lalaking diwata.

May kung anong lumabas sa kamay nila para itong pixie dust at ibinuhos nila ito sa lupa namin. Napatingin ako sa itaas at kita na ang araw napakaganda ng sinag ng araw senyales na magandang simula ang sisimulan ng aming kaharian.

Tinignan ko kung ano ang ginawa ng mga diwata at sa isang iglap tila naging mabilis ang lahat. Lahat ng mga nasira ay bumalil na sa dati. Mga puno na nabali at nawala sa lugar ay nasa tamang lugar na pati na din ang mga iba't ibang klase ng mga rosas, kasabay ng pag-ayos ng fountain ng kaharian na bumalik sa dati kung nasaan nandoon ang mga symbolo ng mga elements na nagpapatunay na fire, air, water at earth ang nagbibigay balanse sa lahat. Pati na din ang kaharian mula sa pagkawasak ay naayos ito muli at naging bago.

Pagkatapos ng kanilang ginawa ay nagpaalam na ang mga diwata at bumalik sa kanila.

Lahat kami ay nakangiting wagas dahil tapos na ang lahat. May mga namatay sa pakikipaglaban at may natiling buhay.

Sana eto na nga, ang kapayapaan na matagal na namin ni nanais.

RAVEN POV

Nandito ako sa kwarto ni Aire at binantayan siya habang hindi pa siya nagigising. Malaki at malawak ang kanyang silid na masasabi mo talagang napakaayos ng lahat ng kanyang mga gamit na nandito, mga libro na may iba't ibang klase ng pamagat.

"Aire." Bangit ko sa pangalan niya at hinawakan ang kanyang mukha at tinitigan siya. Ang anghel ng mukha niya at napakaganda niya. Hindi ko lubos akalain na makikita ko siya muli sa ikalawang pagkakataon. Masaya ako at buhay siya, hindi ko maintindihan ang sarili ko basta ang alam ko hindi ko na papalampasin ang pagkakataong ito.

"Mahal kita. Rinig mo ba?" Sabi ko na tila bang naririnig niya ako.

Dahan-dahan naman minulat ni Aire ang kanyang mata at kitang kita ko ang kanyang kulay gray na mata. Hinawakan niya ang kamay ko na nasa mukha niya at tinignan lang ako at ngumiti sabay sabing

"Mahal din kita." Sabi niya. Ang saya ko ngayon, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.

Bumangon naman siya at umupo sa kanyang higaan kaya inalalayan ko siya.

"Salamat sa iyo at nagpakatatag ka." Sabi ni Aire sa akin.

"Para sa 'yo nagpapakatatag ako. Alam kong babalik ka at tama nga ako." Sabi ko habang nakaupo ako sa tabi niya. Tumayo naman siya at lumakad patungo sa balkonahe niya. Ang ganda niya, wala pa ding pagbabago.

"Sorry. Sorry kung naging tanga ako noon. Dahil sa akin---" Hindi ko natapos sabihin ko ng inambagan ako ng yakap ni Aire. Kaya niyakap ko siya pabalik.

"Okay na iyon. Hindi mo iyon kasalanan, lahat ng mga kaganapan ay may mga dahilan at dahil doon natuto kang lumaban. Ako din natuto akong magtiwala." Saad niya at bumitaw sa pagkayakap.

"Kaya huwag mo ng isipin iyon. Magsimula tayo ng bago." Saad niya. Tila natameme ako kada pagngiti niya. Wala akong masabi, hindi siya galit sa akin sa halip ay inintindi niya ako.

"Oo magsisimula tayo ng bago. Halika muna dito." Sabi ko sa kanya, nagtataka man siya ay lumapit pa din siya sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya at nilagay ko ito sa aking balikat, siya naman ay nagtataka sa kung ano ang ginagawa ko.

"Anon--"

"Sshhh... basta. Matagal ko na itong gustong gawin." Sabi ko.

Hinawakan ko naman ang kanyang bewang at hinalikan ko siya. Oo hinalikan ko siya. Mahal ko ang babaeng nasa harapan ko ngayon, kahit anong mangyari siya pa din, siya pa rin ang pipiliin ko.

"Bakit mo ko hinalikan?" Tanong ni Aire ng nagkalayo na ang aming labi.

"Simula sa araw na ito ipinapangako ko na ikaw lang babaeng mamahalin ko panghabangbuhay at ang babaeng palakasalan ko. Mahal kita, mahal na mahal." Sabi ko sa kanya. Natahimik nan si Aire sa mga sinabi ko.

"Mahal mo pa ba ako? Bakit parang---"

"Oo mahal kita at oo papakasalan kita. Kasi mahal kita." Sabi niya.

"Sa ngayon mag-aral ng mabuti at tumulong ka sa business ng family ninyo." Saad niya at kinurot ang pisngi ko.

"Aray ko naman." Sabi ko at hinimas himas ang pisngi ko na mapula pula.

"Hindi ko akalain na ganyan pala ang Aire na mahal ko. May ganyang ugali ka pala." Sabi ko. Umiwas naman siya mg tingin pagkatapos

"Ikaw nga din eh! Hindi ko akalain na ganyang ka ka corny." Sabi niya at tumawa. Feeling ko mas pumula ang mukha ko.

"Bahala na, basta sa 'yo magiging corny ako. Atleast kinilig ka." Sabi ko at umiwas ng tingin.

Napailing na lang ako ng hindi pa din tumitigil sa pagtawa si Aire.

Elemental Princess [COMPLETED] Where stories live. Discover now