CHAPTER 38

3.9K 172 2
                                    

CHAPTER 38

NATASHA POV

Simula ng nawala ang mga nerds at pinatigil na sila ay hindi na namin sila nakita. Kahit sina Raven minsan ko na lang nakikita, nasaan ba sila? Don't tell me nagkamabutihan na silang walo?

"I have a plan." Sabi ni Vanessa at tumayo sa kanyang kinauupuan. Eto na naman siya. Hindi talaga siya gusto ni Raven dahil makikita din naman na walang pake si Raven sa kanya, since kaibigan ko siya dapat suportahan na lang. Ayaw niya kasi matalo siya gusto niya what she want she will get.

"Ano?" Tanong ni Ayesha na nagmamake-up ng kanyang mukha. Habang ako patingin tingin lamang sa campus dito sa paaralan. Busy lahat ng estudyante dahil hindi pa tapos ang palaro.

"Basta. Sa ball." Sabi niya at ngumiti ng makahulugan. Tinignan ko siya ng makahulugan. Anong plano? Bakit sa ball? Minsan gusto ko na lang bumackout sa pinapagawa ni Vans dahil kahit papano may konsensya pa din ako. Lalabas na sana ako ng tinanong ako ni Claire.

"Saan ka Nash?" Napatigil naman ako at tumingin sa kanya.

"Lalabas lang. Sama ka?" Tanong ko. Napatingin naman sa akin si Vanessa at umirap lang. Tss...minsan hindi ako sang ayon. Masyado na aiyang desperada kay Raven.

"Oo sasama ako." Saad ni Claire. Tumango naman ako at lumabas. Hahabol naman siguro yun. Habang naglalakad ako aksidenteng may bumanga sa akin kaya nahulog ang mga binitbit ko.

Ghad...bakit hindi tumitingin sa daanan ang isang ito. Niligpit ko ang mga nahulog kong gamit at tinulungan niya din ako.

Nakita kong nilapat niya ang kamay sa harapan ko senyales na tutulungan niya ako sa pagtayo. Napairap na lang ako at kinuha iyon ng tignna ko

"Sorry miss. Hindi ko sinasadya, nawawala kasi ako. Bagong salta lang kasi ako dito at hinanap ko ang kasamahan ko." Sabi niya at hinahawakan ang ulo niya.

*Lubdub*lubdub*

"A-ah. Tssk...tapos? Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo. Hindi yung bumabangga ka ng kahit sino." Sabi ko at kinuha ko ang kamay ko sa pagkahawak niya.

"Nash!" Sigaw ni Claire kaya napatingin kami sa kanya ng pareho. Grabe tong isang ito. Akala niya walang toa dito sa hallway. Ang mga ibang estudyante naman ay tumitingin sa amin at nagbubulungan sa bagong salta.

"Ang gwapo niya naman. Madami ng gwapo sa paaralan natin."

"Ang cute ng smile niya."

"Kawawa naman at pinagalitan pa ni Nash."

Napairap na lang ako sa narinig ko at tinignan kung sino ang nagsabi. Sabay sabing

"Shut up. Layas." Sabi ko sa mga chismosa at tinignan ako lalaking nasa harapan ko.

"Nash pala name mo. Cute." Nang sinabi niya iyon. Napaiwas na lang ako ng tingin. Bakit nakakainis siya?

"Jemz nga pala." Sabi niya. Hindi ko tinanggap ang kanyang kamay kaya si Claire na lang ang nakipagshake hands sa kanya. Tssk...umalis na ako. Bahala na nga siya.

RAVEN POV

Nandito ako ngayon at tumabi kay Aire sa couch. Wala lang gusto ko lang siya maka-usap. Sina Chaser ay nandoon sa kusina kasama si Tierra, si Fuego at Zephyr hindi ko alam kung nasaan. Basta si Reed nasa kwarto ni Aqua.

Nang tignan ko si Aire hindi man lang ako tinitignan seryoso siyang nagbabasa.  Paano ba? Ang hirap naman kausapin ang isang ito.

"Ano binabasa mo?" Tanong ko. Tinignan niya lang ako at itinaas ang librong hawak niya sabay sabing

"Fantasy." Saad niya. Simula ng kinausap ako ni Chaser, ay basta. Amin na lang iyon.

"Sorry." Yun na lang ang nasabi at lumabas sa bibig ko. Nahuli ko pang napatingin sa gawi namin sina Tierra at Chaser. Hayst bahala na nga...

"Sorry saan?" Tanong niya at ibinaba ang libro niya at tinignan ako.

"Sa pagiging pakialamero at--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng nagsalita siya.

"Okay na. At least nag sorry ka na. Alam ko na naman talaga kung ano ang pakay ninyo noon." Sabi niya at ngumiti. Napatigil ako, eto ang unang beses na nakita ko siyang nakangiti dahil sa akin. Ano nalaman niya na? Paano?

"Let just say na hangin ang element ko at nararamdaman ko kung may masama o magagandang mangyayari." Sabi niya. So at first pa lang talaga ay alam niya na?

"A-ah...okay." Nasabi ko na lang. Tumayo naman siya dala dala ang libro. Nakakadisturbo ba ako?

"Mahilig ka din magbasa di ba? Halika samahan mo ako sa kwarto para maaliw ka din." Sabi niya. Tumango naman ako at tumayo sa kinauupuan ko. Nahuli ko si Chaser na nakangiti sa akin at nag thumbs up. Lol. Di ko siya pinansin at sinundan na lang si Aire sa kwarto niya.

ACER POV

Natawa ako kay Raven. Mabuti na lang at nakumbinsi ko siya. Mukhang nagkamabutihan na nga sila. Sana nga lang...

"Kanina ka pa nakangiti. Anong meron?" Tanong sa akin ni Tierra habang hawak ang sandok at nakabewang pang naka harap sa akin. She's cute. Naka apron pa siya ng kulay pink.

"Wala. Natatawa lang ako kay Raven. Trying hard kay Aire." Sabi ko na parang natatawa. Umiling naman siya at ngumiti na lang.

Sa kaso namin ni Tierra simula bata pa lang kami ay pinagkasundo na kami. Kaya hindi kami mahirapan, matagal na akong may gusto sa kanya since nang nawalay ako sa mundo namin hindi ko na siya muli nakita pa. Ang tanong lang, alam niya kayang ipinagkasundo kaming dalawa?

"Magaling ka pala sa pagluto." Saad ko na lang. Tumango lamang siya at ngumiti tinignan niya ako at

"Naman, eh sino magluluto sa amin ng pagkain? Alam mo naman ang mga kasamahan ko dito. May mga sariling mundo." Sabi niya. Perfect si Tierra, kung sa mundo pa ng tao perfect wife siya. Matalino, mabait at marunong sa lahat ng gawain at mapag-unawain. Ang pinagkaibahan lang dadating ang panahon na kapag magkatuluyan na kami ay dalawa kaming maghahawak sa kaharian kasama ang mga iba pang prinsesa at prinsepe.

Prinsipe? Kamusta na kaya sila? Namimiss ko din ang mga yun. Siguro binata na ang apat na iyon. Si Ina tiyak na maging masaya siya kapag malaman niyang buhay pa ang kanyang panganay na anak.

Elemental Princess [COMPLETED] Where stories live. Discover now