CHAPTER 29

4.1K 195 2
                                    

CHAPTER 29

FUEGO POV

Ingay at sigaw ng mga estudyante ang mga maririnig ko dito, mula sa mga bench. Usok na nanggaling sa mga bike na gagamitin namin. Kanya kanyang cheering mula sa mga iba't ibang estudyante. Mainit na panahon, since apoy ako, hindi ako apektado sa init ng klima.

Nasa loob ako ngayon ng race track. Ang galing lang ng paaralang ito dahil pinapayagan nila ang ganito klaseng laro. Napangisi na lang ako sa iniisip ko, tagal tagal din hindi ko to nagawa. Noon kasi sa mundo namin ginagawa namin ito ng kaibigan ko, since may mission kaming ginagampanan ngayon ay naiwan siya sa mundo ng mga tao.

"Bikers, prepare and position yourself in your big bike." Saad ng announcer. Hindi alam ng mga ibang estudyante na sasali ako sa larong ito. Pumunta na ako sa bike ko at pina ingay. Chineck ko kung maayos ba ang bike, baka mamaya kapalpakan ang labas ko dito.

"Whhhoooo! Go Fuego!" Napatingin ako kung sino ang sumigaw, napangiti na lang ako ng makita ko si Aqua na nagchicheer sa akin. Yung mga katabi niya namang estudyante ay na amaze kay Aqua siguro dahil sa nagagandahan. Maganda naman si Aqua mahaban ang buhok, at mukhang anghel, subalit huwag kayo, pag bumalik si Aqua sa totoong siya, siya ang totoong Aqua na tuso sa paningin ng iba, mapanlinlang, kung kayat madaming lalaki ang nagkakagusto sa kanya.

Tumingin na ako sa race tract at hinhintay ang signal. Hindi ako magpapatalo, katabi ko si Ayesha, hindi ko alam na lalaruin niya ang larong ito. Nakita ko si Zephyr sa crowd na nag-alala, hindi ko alam kung kanino siya nakatingin. Hay naku Fuego syempre kay Ayesha, bahala na nga sila.

"Kkkyyyaaahhh! Go Fuego ang astig mo!" Sabi ng isang estudyante.

"Galingan mo Fuego."

"Manalo, matalo maganda ka pa din." Napailing na lang ako sa mga naririnig ko. Hindi ko alam na ganito din pala mag wala ang mga tao sa mundo. Madami naman kasi magaganda sa mundo namin, kaya sanay na ako hindi ko nga magawang matukoy kung maganda ang isang tao.

AQUA POV

Walo sila lahat na nasa race track, si Fuego ay ika 7. Nakita ko si Ayesha na kasali din pala sa larong ito, sa totoo lang may nararamdaman akong hindi maganda sa larong ito. Kanina ko pa hinahanap sina Aire at Tierra. Si Aire ay hindi sumasagot habang si Tierra na sa clinic daw, kasama si Chaser. Doon na lang daw nila tignan sa tv ang laro Fuego. Ang galing no? Ang yaman ng paaralang ito.

"1, 2, 3" Sabi ng emcee sabay

*BANG*

Tunong ng baril. Paunahan nagsitakbuhan ang mga big bikes, habang si Fuego naman ay nasa panghulihan. Napakunot ang noo ko sa nakita ko, anong plano ni Fuego? Nagpapahuli siya. Napasinghap ang mga estudyante na may natumba isang manlalaro sa loob ng race track. Tama nga ako, may maduga na naglalaro.

Ang galing talaga ni Fuego. Meron silang 5 laps at mahaba pa amg tatakbuhin ng bike nila. Hanggang sa umabot na sila ng laps 3, bumawi naman si Fuego at naunahan niya ang iba. Kaya kanya nagsitayuan at sigawan ang mga estudyante upang icheer si Fuego.

Nakakapanghinayan dahil mukhang may mali sa mga bike ng manalalaro, parang may inalis na tornilyo sa bike, kaya parang yun ang unang rason kung bakit ang iba ay naaksidente. May consent naman, at may sariling isip na ang mga sumali sa laro, kaya hands up ang paaralan kung may mangyari sa kanila.

Hanggang sa umabot na nga 1 lap ay si Fuego at si Ayesha na lamang ang naiwan. Pilit na idikit ni Ayesha ang kanyang bike sa bike ni Fuego, nakita naman iyon ni Fuego tiyak nakangisi si Fuego ngayon sa nakikita niya. Nang may nakita si Fuego kung saan pwedeng tumalon ang bike ay doon siya dumaan kaya napasinghap ang lahat sa ginawa ni Fuego, dahil sa bilis at taas ng kanyang dinaanan, ay nagbigay itong dahilan upang maging malayo ang agwat nila ni Ayesha. Napahiyaw ang estudyante at kanya kanyang komplemento ang mga naririnig ko sa kanila mula kay Fuego. Napatawa na lang, una ayaw nila kay Fuego dahil sa pangit na nerd na nga ay palaban na, ngayon ay puros kay Fuego lahat ang cheering.

At nagwagi nga si Fuego dahil siya ang unang nakatapos sa 8 laps. Baba sana ako upang yakapin siya ng biglang inalis ni Fuego ang kanyang helmet sabay sabing " Huwag kang lumapit!" Kaya kahit naguguluhan man ako ay nanatiling dito na lamang ako nakatayo. Bigla namang inagaw ni Fuego ang microphone ng emcee sabay sabing "Huwag kayo pumasok dito may sasabog." Sabi ni Fuego na mas ikinaingay ng mga estudyante. Bomba? Paano't? sabi ko na nga ba. Nakita kong napatigil si Ayesha sa malayo at ngumisi dahil inalis niya ang helmet.

Pumasok naman si Zephyr sa loob ng race track at kinausap si Fuego. Mukhang nagtatalo pa ang dalawa. Nanatiling nandito amg mga estudyante, hindi ba nila narinig ang sinabi ni Fuego?

ZEPHYR POV

Anong sasabog? Linapitan ko si Fuego at hinila papalabas sa race track. Oo napahanga niya ako dahil sa ginawa niya kanina, dahil bilang lang ng sampung kamay ko ang magagaling maglaro ng ganitong laro at isa siya doon.

"Ano ang sasabog?" Tanong ko. Madaming estudyante ang naririto kaya madaming madadamay.

"Anong ginagawa mo dito? Alis." Saad niya na galit. May hinahanap si Fuego sa bike niya at tama nga siya may bomba. Napatingin ako sa gawi ni Ayesha at wala na siya. Maduga.

30 seconds left. Nang tinignan ko ang crowd nandoon na sina Aire at Tierra. Kasama sina Chaser at Raven. Hinila ako ni Fuego, at binitawan niya ang bomba. Parang nagslow motion ang lahat,

"Hindi tayo aabot Zephyr." Saad niya at rinig ko iyon.

Nang biglang

*BOOOMMM*

Sumabog ang bomba at napapikit na lang ako, etona ba ang katapusan ko? Hindi pa ako gumawa ng mabuting gawain, mapupunta ako nito sa impyerno. Sabi ko at kita ko kung paano kinain ng apoy ang race track.

Tila nabingi ako dahil sa kaganapan, ng may naramdaman akong may yumakapak sa akin, ano ginagawa niya? Mamamatay na kami chachansingan niya pa ako? Sana noon sinabi niya na.

Gusto kong pumikit dahil sa takot na naramamdaman ko ngunit hindi ko magawa dahil nakatingin lamang ako sa babaeng yumayakap sa akin, tila ginawa niyang shield ang katawan niya laban sa apoy at nakaik kami ng apoy, imbes na hapdi at sakit ang maramdaman ko ay hindi ko iyon nagawang ramdamin.

Kita ko ang pag apoy ng mata ni Fuego at paggiging kulay apoy ng buhok niya, hindi ako natakot, dahil mas gumanda siya. Sino siya? Hindi siya normal na tao. Isa ba siyang diwata?

"Zephyr, may dapat kang malaman tungkol sa akin. Kailangan kita. Sana hindi mag-iiba ang paningin at pagtrato mo sa akin." Nang narinig ko ang katagang iyon, tila bumilis ang tibok ng puso ko. Sabay sabing

"Di ba nga sabi ko sa'yo tanggap kita kung sino ka man?" Saad ko at niyakap siya. Nang bigla siyang nawalan ng malay at biglang naging kulay itim ang buhok.

Nawala na din ang apoy sa paligid. Tila parang walang nangyari sa akin, dahil kay Feugo. Apoy. Madami akong gustong malaman at tanungin tungkol sa kanya. Tinatanong niyo ba kung takot ako? Hind. Bakit naman ako matatakot? Kung ang babaeng ito ang unang pumukaw ng attention ko.

Elemental Princess [COMPLETED] Where stories live. Discover now