CHAPTER 42

3.5K 163 0
                                    

CHAPTER 42

REED POV

Tssk...badtrip pa din ako. Nandito kami ngayon sa leisure room namin. Sina Chaser at Raven may sariling mundo din, kanina pang busy si Raven sa laptop niya si Chaser naman ay nakahiga sa couch at nakaearphone.

Kainis, sino ba ang mga bagong saltang mga iyon? Kung makatawa si Aqua doon ang laki ng ngisi.

"I can't find any information about them." Sabi ni Raven at nagkasalubong lang ang mga kilay niya. Wala din ito sa mood, kilala ko siya. Kahit di man niyang aminin na may gusto siya kay Aire makikita mo naman sa ugali.

"Kilala mo ba sila Chaser?" Tanong ni Raven. Inalis naman ni Chaser ang earphone at nagkibit balikat. So hindi niya kilala?

"Hindi ko sila makilala. Bakit ba hindi natin sila nilapitan kanina? Baka sila yung kababata nila Aire." Sabi niya. Kababata? Ang close naman nila sobra.

"Malamang Reed. Kababata nga eh, simula bata magkakaibigan na sila." Napailing na lang ako ng sinagot ni Chaser ang tanong ko sa isip. Nakakabasa nga pala ito ng isip.

"Sabi ko nga." Sabi ko at nagcross arm. Nagsmirk naman si Raven at hawak niya ang phone niya. Anong meron?

Nga pala, hindi ko nakita si Zephyr kanina pa. Sabi niya magpapalamiglang daw muna siya, dahil baka sasabog daw siya sa nakita niya.

"Here." Sabi ni Raven at nilapag ang cellphone niya sa glaas table na nasa gitna namin. Tumayo naman siya at mukhang may pupuntahan.

"Ano to?" Sabi ko at hawak ang cellphone niya. Si Chaser naman ay nakaupo na mukhang interesado kung ano ang laman ng message.

"Read the message galing kay Zephyr. Sige mauuna na ako. May pupuntahan lang ako." Saad niya at ngumisi at lumabas na ng leisure room.

"Akin na nga Reed." Hila sa akin ni Chaser at binasa ang message.

-Mga kababata pala nila iyon. Lol, kasabay ko ngayon si Fuego nasa puntod kami ni mama. Unahan niyo na ang mga iyon.-

Yun? Kababata? Nagtiniginan kami ni Chaser at paunahan lumabas ng pinto. Kababata lang pala. As if papayag ako na kukunin nila ang aking Prinsesa.

Nasa puntod pala sila? Ngayon ko lang nalaman na may dinala ng babae si Zephyr sa puntod ni Tita. Ever since never siya nagdala ng babae, si Fuego pa lang ang nadala niya. Sabi niya pa noon, dadalhin niya ang babaeng mahal niya at papakasalan habang buhay sa puntod ng Mommy niya, and I guess si Fuego nga iyon.

Dala ko ang cellphone ni Raven at may nagvibrate tinignan ko and is a message galing sa ibang lugar. Hindi ko na lang binuksan, privacy din kasi.

"Saan natin sila makikita Chaser?" Tanong ko. Siya lang naman kasi ang nakakaalam may super power kasi siya.

"Cafeteria." Sabi niya at umakto ng kalmado.

Tumango naman ako. Bukas na ang ball, hindi ako papayag na hindi ko maging kapartner si Aqua, bahala na.

TIERRA POV

Nandito kami sa Cafeteria ngayon at tumatambay lang. Wala naman kasi kaming gagawin, hindi naman kami maglalaro dahil kinansel ni Raven ang games namin apat.

Kanina lang dumating si Raven at hinila si Aire. Si Lyndon naman ay nagulat ata dahil hindi man lang tumutol si Aire sa paghila sa kanya ni Raven. Napatingin ang mga estudyante sa ginawa ni Raven, kahit kami nga din nagulat. Si Aire kaai ang pinakaayaw sa lahat ay ang hinihila lang siya na parang papel. Nakakagulat lang, kapag hindi ako nagkamali, gusto na ba siya ni Aire? Baka may hindi sinasabi sa akin si Aire.

Si Lyndon naman ay nagpaalam na mauuna na daw siya kaya kami na lang apat ang natira sa table. Si Fuego hindi namin alam kung saang lupalop sila pumunta ni Spencer, bigla kasing nawala kanina habang naglalakad kami.

Seryoso kaming nag-uusap ng biglang nagtilian ang mga babae sa entrance, kaya agaw pansin sila at napatingin kaming apat. Si Chaser pala at seryosong nakatingin sa akin kasama si Reed na messy ang buhok. Anong nangyari sa kanila? Tinignan ko si Aqua at nagulat din ng nakita niya ang itsura ni Reed.

Nakatayo sila sa harap namin at nakipagtitigan lang sa akin si Chaser, kinakabahan ako. Nakakatakot ang titig niya parang si Aire lang,

"A-ah upo muna kayong dalawa." Sabi ni Aqua. Tumabi naman sa akin si Chaser sa right side since may bakante at si Reed naman ay tumabi kay Aqua.

"Nga pala, Jemz and Reward si Chaser and Reed pala. Chaser and Reed si Jemz at Reward." Pakilala ko. Nakakunot naman ang mga noo nila pareho, walang sinong gusto magsalita sa kanilang apat.

"Kapatid ni Aire si Chaser." Dagdag ni Aqua. Umaliwas naman ang mukha ni Jemz at ngumiti ng makahulugan

"Akala ko ba patay ka na?" saad ni Reward. Anong tanong ba naman ang tinanong ni Reward?

"Obviously buhay, buhay na buhay." Sabi ni Chaser at nakatitig lang kay Reward.

"Hiramin ko muna asawa ko." Sabi ni Reed at tumayo hawak ang kamay ni Aqua, si Aqua naman kahit di niya sabihin sa akin kinikilig na ito, namumula kasi.

"Asawa?" Tanong ni Reed at nagtataka. Nakayuko lang si Aqua, mukhang nahihiya.

"Oo, tayo ka na ASAWA KO. May pupuntahan pa tayo." Naagaw na namin ang attention ng mga estudyante dahil sa sinabi ni Reed. Si Chaser naman ay ngumisi.

"Ayaw mo? Oo kakargahin kita diyan---" Di na natuloy ni Reed ang sasabihin niya ng biglang tumayo si Aqua at hinila siya palayo.

Nagkibit balikat na lang ako at ngumiti. Nakatingin kasi sa akin si Reward tila nagtatanong.

"Di ko inakala na may asawa na si Aqua di ba--" Di natapos ang sasabihin ni Jemz ng sumabat si Chaser.

"Oo asawa niya, at siya..." Sabi ni Chaser sabat turo sa akin

"Girlfriend ko sa ngayon at magiging asawa ko sa susunod." Sabi ni Chaser. Tila nabingi ako sa sinabi niya.

Ano daw? Ang lakas at bilis ng tibok ng puso ko. Taksil kang puso.

"Lahat ba kayo?" Tanong ni Reward. Di sinagot ni Chaser ang tanong niya. Tumayo si Chaser at nag stretch.

"Tayo." Sabi niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero napatayo na lang ako sa kinauupuan ko. Hinawakan niya kamay ko and interwind our finger. Ano to?

Bakit parang ang bastos ni Chaser sa kanila? Eto ang unang beses na nakita ko siya na ganito umasta sa isang tao.

At hinila niya na ako palayo sa table namin, sabay sabi sa akin na

"Huwag ka na doon. Sa akin ka lang." Sabi niya at ewan, bakit kinikilig ako?

Elemental Princess [COMPLETED] Onde as histórias ganham vida. Descobre agora