CHAPTER 9

4.9K 242 0
                                    

CHAPTER 9

CHASER POV

Wtf? Ang bilis niyang sumagot. Sinilip ko kung ano ang reaction ni Raven, gulat na gulat siya. Si Raven lang ang kilala ko magaling sa ganito, mukhang may nakabreak na ng record kay Raven. Ang galing niya. Ano nga ba uli ang pangalan ng nerd na iyo? Air? Ira? Aero? Ay basta yun na yun.

Sina Zephyr at Reed naman napanganga sa ginawang pagsagot ng babaeng nerd. Si Tierra ng tinignan ko nakangisi lang siya, sa kanilang apat na nerd siya lang ang palaging kalma sa kanilang apat.

"Omg Ma'am aalis na ba kayo?" Tanong ng isa sa mga kaklase namin. Oo nga pala, may binitawan na salita si Ma'am kanina. Napangisi ako sa naisip ko, mabuti kung ganun mataas na ang grado ko sa kanya.

"H-hindi maaari hindi ko pa iyon natutu--" naputol ni Ma'am ang sasabihin niya ng nagsalita si Fuego. "Hindi ka makapaniwala? Walang impossible pagdating kay Aire." Sabi niya at lumabas kasama ang dalawa pa na si Aqua at Tierra.

Aire? Aire White Diamond? She's interesting.

REED POV

Ang galing niya. Ang angas ng dating ni Aire. Kilala ko siya, kasi nabasa ko ang background nila nung pinatawag kamo sa office. Hindi ko inakala na ganun pala si Aire, pagtignan mo kasi siya akala mo walang alam. Tama nga naman sila don't judge the book by it's cover, nerd nga naman.

Iniligpit ng guro namin ang kanyang gamit at dali-daling lumabas ng room. Ang saya ng mga kaklase namin, dahil wala na kaming calculus na subject.

"Reed let's go out?" Tanong ni Natasha. Alam ko na kung ano ang tumatakbo sa kanyang isip. Whore. Ganito siya lagi, siya ang unang nagyayaya sa akin. Lalaki lang ako at may kailangan din ako, kaya hindi ko na to aayawin.

"Sure sweetie." Sabi ko at ikinandong siya sa paanan ko.

"Bro saan ka pupunta?" Tanong ni Zephyr kay Raven. Mukhang may makatalo na kay Raven sa katalinuhan.

"Hahanapin ko lang si--" Hindi natapos ni Raven ang sasabihin niya ng nagsalita si Vanessa "Babe, tumigil ka nga. Ano ka nila bodyguard para bantayan sila?" Sabi ni Vanessa. Si Vanessa alam ko matagal na tong may gusto kay Raven pero mukhang manhid si Raven, busy masyado at alam kong masakit pa din sa kanya ang nangyari sa nakaraan niya.

"Bro, ako na ang hahanap sa kanila." Saad ni Chaser kay Raven at na una ng lumakad. Si Chaser mukhang interesado kay Aire. Hindi ako manhid dahil kita ko sa mukha ni Raven ang pagtigas ng panga niya.

"Fine." Sabi ni Raven at inalis ang kamay ni Vanessa sa braso niya. Nainis naman si Vanessa sa ginawa ni Raven. Umalis na si Chaser sa room at kami na lamang ang naiwan, mukhang magiging maganda ito.

AQUA POV

Nandito kami ngayon sa Cafeteria ng paaralan. Grabe ang idol ni Aire kanina ang galing niya mukhang napanganga ang guro namin. Hihihi. Umorder sina Fuego at Tierra ng makakain namin, si Aqua naman nakayuko sa table. Pagod ba siya?Ay oo nga pala, hindi pala siya makakabasa dahil ang ingay dito. Baka natutulog lang.

Habang hinhintay sina Tierra sa pagdating may lalaking umupo sa gilid ni Aire kaya napa-angat ang ulo ni Aire at tinignanang lalaki. Teka kasama to ng maaangas na lalaki ah? Anong ginagawa niya dito?

AIRE POV

Inaantok ako. Natutulog ako kanina may sumipa ng upuan ko. Kaya dito na lang ako matutulog, isisirado ko na lang muna ang pandinig ko. Matutulog na sana ako ng may naramdaman akong may umupo sa tabi kong upuan ng tigna ko kung sino

"Hi." Sabi sa akin ni Chaser. Oo, memorize ko na lahat ng pangalan nila. Ewan ko ba ang bilis ko nakakamemorize ng bagay bagay. Inilahad niya ang kamay niya sa akin, tinitigan ko lang ito. Kaya binaba niya na ang kamay niya.

"Pasensya na nga pala sa una nating meeting last time." Sabi niya. Tinignan ko na lamang siya, may pangiti ngiti pa siyang nalalaman. Yung mga ibang estuyante napapatingin sa gawi namim dahil sa kanya. Ayaw ko ng gulo.

Dahil ramdam ni Aqua na hindi ako sasagot sa tanong niya siya na lamang ang sumagot. " A-ah ayos lang." Sabi ni Aqua kaya sinubsob ko na lang muli ang ulo ko sa upuan ko.

Nag-usap lang sila ni Aqua. Hindi na ako makakatulog nito. Urrgghh...

CHASER POV

"Anong ginagawa mo dito?" Sabi sa akin ni Fuego habang nakakunot ang ulo niya at kasama niya si Tierra na nakangiti lang.

*Lubdub*Lubdub*

Anong nangyari sa puso ko? Weird. "Wala lang gusto ko lang dito, para na din makahingi ng paumanhin sa ginawa namin sa inyo last time." Sabi ko. Seryoso naman ako sa sinabi ko. Tinignan ko lang si Tierra at tumango.

"Ayos lang iyon, sanay na kami." Saad niya. Ang bait naman niya, akala ko susumbatin ako tulad ng ginawa ni Fuego sa akin. Umupo lamang sina dalawa at ibinigay ang makakain nila.

Pinagmasdan ko lamang sila. Tila ayos lang sa kanila na nandito ako. "Oh eto juice inumin mo." bigay sa akin ni Fuego na ikinabigla ko. Kaya tinanggap ko na lamang nakakahiya naman. Nakakapagtaka naman, bakit heavy food ang kinakain ni Fuego, at spicy food. Habang si Aire gatas lang, si Tierra naman salad ang kinakain, si Aqua naman water lang. Ang weird nila.

"Salamat." Sabi ko. Kay Fuego tumango na lamang ako. Mababait naman pala ang nerd na ito, bastos lang nga kung bastos din ang pagtrato sa kanila.

"Bro nandito ka lang pala at saka hindi mo man lang sinabi sa akin na sasabay ka sa mga nerd." Sabi ni Zephyr at tinignan lamang si Fuego na lumalamon sa kanyang kinakain.

"Hindi ka pwede dito. Hindi pwede ang maangas." Sabi ni Fuego habang ngumunguya ng pagkain. Napatingin naman sina Tierra at Aqua sa dumating, buti na lang at wala sina Vanessa ngayon, paminsan minsna nawawala paminsa minsan sumusulpot lang.

"Bakit paaralan mo ito?" Sabi ni Zephyr at tumabi sa tabi ni Fuego at inagaw ang kinain nito. "Aba't, hoy! Felling close ka? Bumili ka ng iyo." Sabi ni Fuego na ikinangiti ni Zeph mukhang may target na siya.

Si Raven naman ay tumabi sa tabi ni Aire, kaya bale nasa gitna namin si Aire. Tahimik lang siya at no comment. Pansin ko lang bakit wala si Reed? Baka nambabae nanaman iyon.

Pinagtitinginan kami ng mga estudyante ngayon dito sa Cafeteria habang ang apat na nerd wala man lang pakialam kung pinagchichismisan sila. Pang waluhan ang upuan na ito, kaya kasya kami dito.

Hindi ko alam kung bakit pero magaan ang loob ko sa mga nerds na ito, lalo na kay Aire.

Elemental Princess [COMPLETED] Where stories live. Discover now