CHAPTER 54

3.3K 131 4
                                    

CHAPTER 54

RAVEN POV

Tama ba ang sinabi ko? Bakit parang nasasaktan ako sa sinabi ko kay Aire. Anong sinasabi niyang tapos na ang mission niya? Naguguluha ako.

Tinignan ko lang siya habang papalayo sa akin kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan. Bakit ganun?

Masakit, na tinalikuran niya ako. Hindi pa siya nakadating sa hall ng biglang may sumigaw na estudyante kaya naman na gulat ako ng biglang natumba si Aire sa lupa.

Dali dali akong lumapit sa kanya ngunit may nakauna na sa akin. Si Lyndon. Nang nakita ko si Aire tila wala siyang dugo kadahilan ng kulay puti niyang balat kasabay ba ng malakas na ulan.

"Anong nangyari?!" Sigaw ni Tierra at napatakbo papalapit sa kumpulan. Kasuno naman niya sina Eunice, Euria, Chaser, Zephyr, Reed, Aqua at Fuego. Nang pagdating nila tumila ang ulan, alam kong kagagawan iyon ni Aqua.

"Nahimatay siya kanina. Nakita ko." Sabi ng babaeng estudyante. Napatingin naman sa akin si Chaser.

"Sige na Miss. Pumunta ka na sa hall. Maraming salamat." Sabi ni Euria. Tumango naman ang babae at tumungo sa venue namin.

"Umuwi na tayo. Raven anong nangyari, basa ka din kagagawan ng ulan. May alam ka ba?" Tanong sa akin ni Euria. Nakatingin naman sa sila sa akin.

"Nag-usap lang kami tapos nauna na siya." Sabi ko na lang.

"Hindi. Hindi. Walang pulso si Aire." Sabi ni Fuego. Ngayon ko lang nakita si Fuego na ganito. Nagpapanik na silang lahat.

"Sige na dali na. Sa bahay." Sabi ni Eunice. Pumunta naman sila sa parking lot habang karga ni Lyndon si Aire. Sasama pa ba ako?

"Bro. Halika na." Sabi ni Reed sa akin.

"Huwag ka mag-alala malaki na si Ae. Alam niya na ang daan pauwi." Sabi ni Reed sa akin. Hindi, hindi ko maaaring iwan girlfriend ko.

"Sige na bro. Kayo na lang." Saad ko kay Reed at tumalikod na. Bawat salitang binibitawan ko hindi ko alam pero nasasaktan ako.

EUNICE POV

Anong nangyayari? Hindi ko maintindihan. Akala ko ba tapos na ang mission ni Aire. Naaawa ako sa kalagayan ni Aire ngayon, putla tila wala ng dugo sa katawan.

"Pakibilisan ang pagmamaneho." Sabi ni Chaser kay Zephyr na mas binilisan pa ang takbo ng Van.

"Anong nangyayari kay Aire? Ang lamig niya. Patay na siya." Sabi ni Reed na nag-aalala din.

"No, hindi pa. Hindi pa naglalaho ang katawan ni Aire. Buhay pa siya, baka babalik lang ang tibok ng puso niya." Sabi ni Tierra na pinipigil na huwag ma iyak.

"May alam ka ba nito Eunice?" Tanong ni Fuego sa akin. Hindi ko nagawang sagutin ang tanong ni Fuego dahil kahit ako hindi ko din alam. Ano ba talaga ang nangyari? Si Raven? May alam ba siya?

Pagdating namin sa bahay, dali dali nilang hiniga si Aire sa kanyang higaan. Ang lakas ng kutob ko, imposible naman  hindi maaaring mamatay ang isa sa prinsesa.

CHASER POV

May alam ba si Raven dito? Magkasama ba sila kanina? Pareho silang basa sa ulan kanina. Bakit ganoon na lang ang nangyari sa kapatid ko? Hindi pa ba tapos ang mission niya? Eto na ba ang sinasabi ng libro ng prophesiya na buhay ang kapalit kapag hindi natagumpayan ni Aire ang pagsubok?

Sari-saring tanong ang nasa isipan ko. Nandito ako ngayon nakaupo sa tabi ng kapatid ko, habang ang iba naman ay nasa labas ng kwarto ni Aire.

"Baby Ai matatag ka di ba? Huwag ka papayag na mawalay ka sa amin. Maraming malulungkot." Sabi ko habang hinahaplos ang buhok ng tulog kong kapatid. 

"Si Ina tiyak na malulungkot iyon kapag malaman niya ang kalagayan mo." Nakakalungkot lang. Hindi ko lubos akalain na aabot sa ganito ang misyon ni Aire.

*tok*tok*tok

Bumukas naman ang pinto at iniluwa si Tierra na may dalang pagkain sa tray. Tinignan niya ako at ngumit sa akin. Alam kong nalulungkot din si Tierra sa kaganapan ngayon. Lumapit siya sa akin at sumenyas na kumain na muna ako.

"Kumain ka na, magiging okay din anv lahat." Sabi niya. Si Tierra alam kong matatag siya, pero alam kong mahina din siya sa loob loob niya.

Ngumiti na lamang ako sa kanya ng pilit at kinuha ang tray.

"Hindi ko na alam ang gagawin. Paano namin kakalabanin ang dark prince. Hindi maaaring kulang kami ng isa dahil hindi na kami balanse." Sabi ni Tierra at umupo sa tabi ni Aire.

Tinignan ko lang siya habang kumakain ako. "Nakakahinayang nga lang, dahil hanggang ngayon nandito pa ang katawan ni Aire. Hindi pa naglalaho. Possible kayang buhay pa siya at parte lang ito ng pagsubok niya?" Sabi ni Tierra at tinignan ako.

Nagkibit balikat na lamang ako sabay sabing " Sana nga Tierra. Sana nga, hindi ko na alam kung papaano. May kakausapin pa ako pagkatapos dito." Nasabi ko na lang.

Si Raven. Si Raven lang ang nakakaalam sa nangyari kanina. Baka may alam siya. Oo hindi pa kami nag-uusap simula nung sinuntok ko siya. Alam kong mahal niya si Aire at may nararamdaman siya sadyang manhid lang siya. Hindi sa ayaw ko kay Aerizelle ngunit sana maisip man lang ni Raven na iniwan siya noon ni Aerizelle ng walang pasabi.

"Sino?" Tanong sa akin ni Tierra. Nilunok ko muna ang kinain ko at tinignan siya ng diretcho.

"Si Raven." Nasabi ko na lang.

"Oo nga pala. Sino ang babaeng iyon. Aerizelle? Pamilyar siya sa akin. Siya na ata ang tinutukoy ni Aire sa amin noon na ex ni Raven." Sabi ni Tierra.

Sa isang saglit napaisip ako at napangiti habang napailing. Napakatalino talaga ni Aire, hindi ko talaga siya kayang lamangin. Oo matalino ako ngunit tamad ako sa pagdating ng mga ganyang bagay. Nagmana talaga si Aire kay Ina.

"Oo siya si Aerizelle. Ex ni Raven. Na ininwan siya noon ng walang pasabi." Sabi ko kay Tierra at ngumiti ng mapait. Kapatid na din kasi ang turing ko kay Raven since sabay na kaming lumaki at tinatrato ako ng mga magulang niya bilang totoong anak.

"Kaya pala." Sabi ni Tierra at tumayo na sa kama. Lumapit siya sa pintuan, bago niya pinihit ang pinto may sinabi siya na ikinangiti ko.

"Tanga yang si Raven. Alam kong mahal na siya ni Aire. Parehas sila dalawang insensitive mga manhid. Pakisabi nga kay Raven na nasa huli ang pagsisisi." Sabi ni Tierra bago lumabas ng pintuan.

Si Aire tama nga ako. Parehas nga sila ng may nararamdaman. Buti pa si Tierra nakapagconclude habang ako kapatid niya hindi ko man lang alam.

Sa oras na magising ka Baby Ai sisiguraduhin kong malalaman ko lahat ng mga tinatago mo sa akin. Sabi ko na lang sa sarili ko. Matagal din kami pinaghiwalay ng tadhana kaya sa oras na magiging maayos ang lahag sisiguraduhin kong updated ako sa nangyayari sa nag-iisang kapatid ko.

Elemental Princess [COMPLETED] Where stories live. Discover now