CHAPTER 11

4.8K 232 0
                                    

CHAPTER 11

AQUA POV

Maganda ang takbo ng araw namin ngayon sa paaralan na aming pinapasukan, walang nang-aaway. Pero hindi pa din maiwasan na chichismisan kami. Hay naku, ganito na talaga ang mga tao nu? mahilig talaga makipagchismis. Sa mundo namin, mapa elementalist o wizard ka man pantay pantay ang tingin namin. 

Pauwi na kami ngayon galing sa paaralan. Si Aire ang nagmamaneho ng kotse, ang galing niya nga. Bago lang siya tinuruan ni Eunice kung paano gamitin ang kotse alam niya na agad kung papano gamitin. Hindi namin nakita ang apat na lalaki kanina, balita ko sikat pala ang apat na iyon dito sa paaralang iyon. Paano ko nalaman? syempre naririnig ko araw-araw sa mga balita. Si Raven pala ang Student Supreme Government.

Habang nagmamaneho si Aire, seryoso tiyang tinitignan ang daan. Si Tierra naman nakasandal ang ulo sa windshield, si Fuego naman mukhang may sariling mundo. Kanina pa siya hindi mapakali, kesyo daw sumasakit ang ulo niya.

"Ayos na ba ang nararamdaman mo Fuego?" Tanong ko sa kanya. Ginamot ko na siya kanina gamit ang kapangyarihan ko pero hindi pa din umeepekto. Ngayon lang ako gumamot na hindi na gamot ang ginamutan ko. Nakakahiyang ako lang kasi ang may healing powers sa aming apat, ngunit may limitation dahil nanghihina ako pagkatapos, nakadepende kung malubha ang sakit o hindi yun nga lang hanggang physical lang ang kaya kong gawin, dahil may limitation.

"Wag mo muna akong kausapin Aqua." Sabi ni Fuego. Napatahimik ako sa sinabi niya. Eto ang unang beses na sinabihan niya ako ng ganito. Hindi siya ganito, may problema ba? Napatingin naman si Aire sa salamin upang silipin si Fuego, si Tierra namam ay napatingin dito sa amin, tila nagtatanong. Nagkibit balikat na lamang ako. Kanina pa to si Fuego, minsan umiinit bigla ang ulo at hawak niya ang kanyang ulo. Kaya hindi ko na lang siya sinabayan baka makakagawa pa siya ng gulo. Apoy pa naman siya, maiksi ang pasensya.

Nang malapit na kami makarating sa bahay, nabigla kami ng biglang

"Urgghhhh!!!! Ang s-sakit!" Sigaw ni Fuego. Nataranta naman si Tierra dahil sa sigaw ni Fuego nagulat ata, maskin ako at si Aire nagulat. Nang tignan ko si Fuego tagatak ang mga pawis sa mukha niya.

"Fuego ayos ka lang ba?" Tanong ni Tierra. Hindi sumagot si Fuego at nanatiling tahimik sa tanong ni Tierra. "Aire pakibilisan mo naman, at saka iinform Eunice tungkol sa kalagayan ni Fuego ngayon." Saad ni Tierra. Tumango lamang si Aire at binaba ang windshield para may hangin na pumasok. Kaya makipagcommunicate ni Aire gamit ang hangin parang mensahe ito. Nararamdaman niya kung may masamang mangyayari sa paligid o wala. Binilisan ni Aire ang pagmamaneho pagkatapos niya makipagcommunicate sa hangin.

Nang tignan ko si Fuego, tila namimilipit ito sa sakit. Dahil hindi ko kayang nakikita na nasasaktan kaibigan ko nilapitan ko siya at hinawakan ang balikat niya

"Ouch!." Sabi ko. Ang init ni Fuego. Napaso ako dahil sa kanya. Bakit ang sobrang init niya. "Anong nangyari Aqua?" Tanong ni Aire.

"Ang init ni Fuego, nakakapaso ang balat niya." Sabi ko at tinignan ang palad ko na umiba ang kulay, sa bahay ko na lang ito gagamutin.

"A-ano ba a-ang n-nanyayari s-sa a-kin?" Sabi ni Fuego at biglang hinimatay. Kahit ako nataranta ako, hindi ko siya maaaring hawakan dahil mainit siya. Ilang metro na lang at malapit na kami sa bahay.

"Aqua, dumaan kayo sa hidden passage." saad ni Eunice sa akin sa aking isipan. "Aire sa hidden passage daw tayo dumaan sabi ni Eunice." sabi ko.

Ano na ba ang nangyayari? Naguguluham na ako.

TIERRA POV

Hindi ko alm kung ano ang nangyari kay Fuego. Nandito na kami ngayon sa hidden passage sa likod ng bahay, wizard si Eunice kaya ano pa inaasahan mo? Malawak at maganda ang dinadaanan namin. Mabilis pinaharurot ni Aire ang sasakyan. Alam kong nag-aalala na din si Aire kay Fuego. Bumagal ang takbo ni Aire senyales na malapit na kami.

Lumabas na kami ng kotse at nandoon din si Eunice nakatayo.Ang bahay na tinutuluyan namin ay hindi bastang ordinaryong bahay, dahil may gamit na mahika ito. Kami lamang ang nakakakita nito.

"Nasaan si Fuego?" Bungad sa amin ni Eunice ng pagbaba namin. "Nasa likod siya Eunice." Saad ni Aire. Binuksan ni Eunice ang passengers seat at ng hawakan niya si Fuego napabitaw siya. "Ang init niya, mapapaso tayo sa kanya. Aire ikaw bahala kay Fuego." saad ni Eunice. Kayang magpagalaw ng mga bagay bagay ni Aire kaya niyang pigilan ang mga bagay gamit ang hangin, in short kaya niyang kumontrol ng bagay, at magpalutang gamitang hangin.

Pumosition si Aire at nagconcentrate sa kanyang ginagawa. "Dalhin mo siya sa kwarto niya. Hindi ko inaasahan na agad agad na mangyayari ito." saad ni Eunice kaya napatingin kami ni Aqua sa kanga tila nagtatanong.

"Sasabihin ko sa inyo mamaya." Sabi niya at naunang lumakad. Pinalipad ni Aire ang katawan ni Fuego hanggang sa umabot kami sa kwarto ni Fuego. Inilapag ni Aire ang katawan ni Fuego sa higaan niya at biglang lumiwanag ang kwintas ni Fuego. Napa ungol si Fuego dahil sa sakit.

"Lumabas na muna tayo mga Princessa." Saad ni Eunice. "Iiwan lang natin si Fuego dito?" tanong ni Aqua na parang naiiyak. "Magiging maayos din ang lahat Aqua, maniwala ka." Sabi ni Eunice. Hinawakan ni Aire ang balikat ni Eunice at lumabas na sila ng pintuan. Akmang maglalakad na ako ng sinulyalan ko muli si Fuego, na tila naguhuluhan.

Ano ba ang nangyayari? bakit nngyayari ito kay Fuego?

EUNICE POV

Nandito ako sa hidden passage upag gagawa sana ng bagong spell ng nakatanggap ako ng mensahe mula kay Aire sa hangin. Nang nakarating sila dito, hindi ko inaasahan na ngayon na agad mag uumpisa ang mission ni Fuego.

Nandito kami ngayon sa sala naka upo. Mula dito dinig na dinig namin ang sigaw at iyak ni Fuego, kahit gusto ko siyang tulungan hindi ko ito magawa, dahil  mission niya ito kailangan niyang tiisin ang bawat pagsubok.

"Eunice anong nangyari kay Fuego?" Tanong ni Tierra. Alam kong naguguluhan silang tatlo. "Nagsimula na ang mission ni Fuego." simula ko. "Anong mission? akala ko ba mission namin hanapin ang armor namin?" Saad ni Aire.

"Oo mission niyo iyon. May problema tayo. Nanggaling ako sa inyong mundo, at ang libro ng prophesiya ay tumigil lamang ang sulat hanggan sa inyong armor at guardian. Kanina ko lang nalaman ang mission ni Fuego. Hindi ko inakalang ngayon niya agad mahaharap ang mission niya." Sabi ko sa kanila, at nagtinginan lamang silang tatlo.

"Ibig bang sabihin nito, pagkatapos ni Fuego maaaring isa sa amin ang susunod?" Saad ni Aqua. Tumango lamang ako sa sagot niya "Ngunit hindi ko matukoy kung kailangan, dahil ang libro ng prophesiya ay blanko mag-isa nitong sinusulat ang mga mission ninyo, tila mapapaisip ka pa dahil puro clue lang ang ibinibigay ng libro." Sagot ko sa tanong ni Aqua.

"Paano kapag hindi niya malampasan ang mission niya?" Tanong ni Aire. Sa pagkakaalam ko, dahil nagparamdam sa akin si Reynang Airiana "Hindi magiging activate ang inyong kwintas at hindi ninyo matutukoh kung sinong ang inyong armor. Kailangan niyo munang harapin at kalabanin ang mission niyo upang maging activate ang kwintas ninyo. Sa oras na matalo kayo, hindi ninyo matukoy kung sino sa mga tao ang armor ninyo." Saad ko. Yan ang sabi sa akin ni Reynang Ariana.

Tumango tango lamang sila tatlo sa sinabi ko. "Kaya umilaw ang kwintas ni Fuego dahil sa mission niya kapag magiging puti na ang ilaw ng kwintad niha ibig sabihin activate na iyon, at matutukoy na ng kwintas kung sino ang armor niya." Sabi ko.

"Kailan matatapos ang mission ni Fuego?" Tanong ni Tierra. Tumingin lamang sa akin sina Aqua at Aire tila hinihintay nila ang sasabihin ko.

"Hindi ko alam. Naka depende." Saad ko. Hindi ko din alam. Hindi ko nga din matukoy kung ano klaseng mission ang meron si Fuego. Alam kong konek pa din ito sa clue na ibinigay ng libro.

Sana, sana makayanan ni Fuego ang kanyang mission. Dahil nag-aalala ako para sa kaniya, sa kanilang apat.

Elemental Princess [COMPLETED] Where stories live. Discover now