CHAPTER 55

3.3K 137 17
                                    

CHAPTER 55

AIRE POV

Nandito na naman ako sa silid kung saan dilim lang ang makikita ko. Kanina nakaramdam ako ng sakit sa aking katawan kaya naman pasimple kung tinignan ang katawan ko kung may mali ba. Okay naman ako.

Biglang may umilaw sa tabi ko kaya napatingin ako isa itong portal na nakabukas tila tinatawag ako. May ilaw din sa harapan ngunit ang pinagkaiba nito parang may halong dilaw ang pagkaputi nito. Kaya naman tinitigan ko itong maigi ngunit hindi ako nagtagumpay dahil hindi ko magawang tignan kung ano iyon.

Anong problema ko? Bakit hindi na ako nakakakita sa malayo?

"Aire, Aire. Hindi ka nagtagumpay." Rinig kong sabi sa babaeng nasa harapan ko kaya naman sumakit ang ulo ko sa sinabi niya. Naalala ko ang pagreject sa akin ni Raven, ang pag-iyak ko at ang sakit. Ang sakit na hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa ng nalaman kong sila pala ng girlfriend niya.

"Alam ko." Nasabi ko na lang. Alam ko naman kung ano ang kapalit nito, kundi buhay ko. Pero bakit ganun? Parang ayos lang sa akin.

"Alam mo naman kung ano ang kapalit. Hindi ko lubos akalain na inayawan ka ng taga lupa." Sabi ng diwata na nasa harapan ko. Umiwas na lamang ako ng tingin sa kanya at ngumiti ng mapait.

"May mahal siyang iba." Nasabi ko na lang. Tinignan ko ang diwata, buo na ang desisyon ko. Buhay laban sa pagkabigo ng misyon ko.

"Ihanda mo ang sarili mo. Dahil ilang segundo lamang ay papasok ka na diyan sa portal. Kaluluwa mo ang kailangan upang maging malakas. Alam mo ang tinutukoy ko Aire." Sabi sa akin ng diwata. Tumango na lamang ako at nag-aalala. Alam kong magiging malungkot sila ngunit para sa kanila din naman ito.

"Iisang tao lamang ang nasa isipan mo. Kilala mo din kung sino ang magiging armor mo. Isipin mo kung ano ang makakabuti sa kanya dahil simula ngayon wala ka na sa tabi niya. Sarili niya mismo ang aalagaan niya." Sabi sa akin ng diwata. Tumango na lamang ako.

Tama siya, iisang tao lang ang nasa isipan ko.

Ipinikit ko ang mata ko at nagkonsentrate. Bathala ikaw na bahala sa kanya, kalahati ng aking kapangyarihan ay mapapasakanya upang alagaan at ipagtanggol niya ang sarili niya dahil wala ako sa tabi niya. Naway hindi siya maging hadlang at makakatulong siya sa mangyayaring labanan. Protekahan niyo siya at sila. Mga taong nalalapit sa akin. Hindi ko nalagpasan ang pagsubok ngunit lahat ay may dahilan.

Pagkatapos ko isipin ang iyon sa mga isip ko ay nakaramdam ako ng hapdi sa leeg ko. Masakit ngunit nakakayanan ko lang ang hapdi. Pagkamulat ko ng aking mata wala na ang diwatang kasama ko kanina. Tanging ang portal na lamang sa aking gilid ang gumagawa ng ilaw dito sa silid.

Sa isang sandali inisip ko muli ang masasayang ala-alang kasama sila, ngumiti ako at naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko.

"Mamimiss ko kayo." Sabi ko at tuluyan na akong kinain ng liwanag.

RAVEN POV

"Babe? Ano ba? Kagabi mo pa ako hindi pinapansin." Sabi ni Ae sa akin at galif na makatingin sa akin. Hinilot ko lang ang sentido ko at tinignan siya pagkatapos. Kagabi, kagabi hindi ko man lang nagawang samahan sina Acer sa bahay nila Aire. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

"Babe! Ano ba?!" Sigaw sa akin ni Ae. Kaya napatingin ako sa kanya ng walang ekspresyon.

"Ano ba problema mo?" Tanong ko na lang sa kanya at itinutok muli ang sarili ko sa laptop. Hindi ako nakakasentrate ng maigi. Si Aire, kamusta na siya.

"Sino ba iniisip mo ha? Si Aire ba ha?!" Sabi ni Ae. Iba na siya, hindi na siya ang Ae na kilala ko dati. Ibang iba na siya.

"Oo. Ano naman ngayon?" Nasabi ko na lang. Napatigil naman siya at tila natauhan sa sinagot ko. Kahit ako nagulat pero bahala na.

"Ako girlfriend mo tapos siya iniisip mo? How ridiculous." Sabi niya at umirap sa akin. Nandito kami sa sala ngayon dalawa, kagabi pa din hindi umuuwi sina Reed. Gusto ko humabol sa kanila at tignan ang kalagayan ni Aire.

"How ridiculous?" Nasabi ko na lang at napasmirk ako sa kanya. Hindi ko alam, uminit ang ulo ko sa sinabi niya.

"Bakit? Masisisi mo ba ako kung si Aire ang iniisip ko? Nasaan ka nung panahon na kailangan kita? Nasaan ka? Iniwan mo ko di ba? Iniwan mo ko ng walang dahilan. Bakit? Sa tingin mo ba hindi ko alam ang lahat ng mga kagaguhan na ginawa mo sa akin noon? Sa tingin mo ganun ako katanga at nagpauto ako sayo? Oo naging tanga ako at hindi ako naniwala sa iba dahil minahal kita." Sabi ko at tinignan siya ng masama. Galit ako at oo. Ngayon ko lang ito naramdaman muli.

"Bab--" Di ko na siya pinatapos sa pagsalita ng inunahan ko siya.

"Forget about last night. Nalaman ko na, eto." Sabi ko at pinakita sa kanya ang laptop ko na puno ng mga files tungkol sa kanya. Yes, kumuha ako ng information kung ano ang nangyari sa kanya.

"No, hin--"

"Enough Ae. Enough ginawa mong tanga sarili mo. Siguro nga minahal kita noon ngunit hindi na ngayon." Sabi ko at tumayo mula sa pagkakaupo sa couch. Tumayo naman siya sabay lapit sa akin at hinawakan ang braso ko.

"No Raven, hindi kita niloko at lalong walang nangyari sa amin ni Razel. Please mahal kita." Sabi niya sa akin at umiyak na siya. Siguro kung hindi ko lang nalaman kanina ya baka naniwala na ako sa kanya. Si Razel ang kakompitensya ko noon kay Ae hindi ko lubos akalain na may nangyari sa kanya habang ako ay pilit ko siyang nirerespeto dahil mataas tingin ko sa kanya bilang babae.

"Go home Ae." Sabi ko at tumalikod sa kanya. Hinanap ko ang susi ng kotse ko hahabol ako, babawiin ko ang sinabi ko kay Aire. Babawiin ko.

"Saan ka pupunta Babe?" Tanong niya. Napatigil naman ako at lumingon sa kanya.

"Kay Aire. Quit calling me babe Ae. Umuwi ka na sa pamilya mo, your baby is waiting and dapat pagbalik ko wala ka na dito." Sabi ko at lumabas na ng bahay.

Kaba, takot, saya, lungkot. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon, hindi ko alam kung bakit basta ang importante ay pupunta ako kina Aire at aamin ako sa kanya kung ano ang nararamdaman ko. Hindi ko akalain na sa loon ng isang araw na pag stay ni Ae ay mabubulgar sikreto niya.

Ngayon aaminin kong mahal ko na si Aire. Mahal ko na siya simula nung nakita ko siya, sadyang matigas lang talaga ang puso ko dahil sa takot na masaktan at iwan muli. Siguro naman ay hindi ako iiwan ni Aire di ba?

Elemental Princess [COMPLETED] Where stories live. Discover now