CHAPTER 79

2.6K 82 3
                                    

CHAPTER 79

LYNDON POV

Masaya ako dahil pinatawad na kami ng aming mga kababata. Buong akala namin ay habang buhay na kaming iiwasan nila Fuego mabuti na lang at kinausap nila kami. Malaki din ang pagsasalamat namin kay Andra dahil tinulungan niya kami laban sa mga dark wizards ng sinugod ang paaralan.

Madami ng nangyari, at mahirap man tanggapin ngunit ito ang dapat gawin. Mga babaeng mahal namin ay hindi na namin makita. Malaki ang possiblidad na maaaring hindi na kami makakabalik sa mundo ng mga tao, ngunit may tiwala pa din ako na may chansa na makakabalik kami muli sa mundo ng mga tao.

Nandito kami ngayon apat nila Spencer sa harap ng malaking puno upang humingi ng tulong. Hindi lang ito basta ordinaryong puno kundi may nakatira dito. Mga diwata. Kinakailangan namin ang tulong nila laban kag Velgamor dahil alam ko may gingawa si Velgamor kung bakit siya naging malakas.

"Sigurado ba kayo na dito iyon?" Tanong ni Jemz at hinawakan ang puno.

"Oo dito iyon. Natandaan niyo pa? Noong mga bata tayo, kasama ang mga prinsesa? Tinulungan nila tayo makalabas sa gubat na ito dahil nawala tayo?" Saad ni Reward at tinignan ang napakalaking puno.

Malaki pa ito kumpara sa kaharian. Ang lawak at ang taas.

"Eto na iyon, may mga nakaukit pa nga na mga kakaibang disenyo." Saad ni Spencer at tumingin sa disenyo.

Nandito kami ngayon dahil hinihingaan kami ng pabor ni Andra na puntahan ang lugar na ito at humingi ng tulong. Kunti lang ang mga white wizards kaya mahirap at malabo na manalo sila laban sa pangkat nila Velgamor.

"Kausapin mo Jemz. Bilisan na natin." Saad ko. Si Jemz lang naman kasi ang may kakayahan kas nature niya iyon bilang earth elementalist.

Tumango naman si Jemz at dinama muna ang puno.

Magkatulad sila ng kapangyarihan ni Tierra ang pinagkaiba nga lang malakas si Tierra kaysa kay Jemz.

Ginala ko ang paningin ko sa lugar kung nasaan kami ngayon. Nasa gitna kami ng kagubatan. Nakakatakot, madilim, may mga naririnig kaming kakaibang tunog. Tanging ang puno lamang ito ang maganda kung tignan dito, dahil tila may mga alitaptap ang kumikinang sa taas ng mga dahon.

JEMZ POV

Dinama ko muna ang punong hinahawakan ko. Ramdam kong may malakas na enerhiya ang nasa loob nito. Madami sila.

"Sino ka? Bakit mo kami ginambala?" Rinig kong tanong sa isang babae.

"K-kailangan namin ang tulong ninyo diwata." Saad ko. Nakapikit ako upang ramdam ko ang pakikipag-usap sa punong ito.

"Tulong? At bakit?" Tanong niya na tila mapapautal ka na lang dahil tila siya ang pinakataas at dahil na din sa lakas ng enerhiya niya.

"Nilusob kami ni Velgamor. Ang kaharian namin, madaming nasawa at namatay. Kinakailangan namin ang pwersa ninyo." Saad ko naman. Natahimik naman ang babaeng diwata, tila hindi ko alam kung nandiyan pa ba siya o wala na.

Hindi ko nakikita mukha niya dahil itim lamang ang nakikita ko. Senyales na wala siyang planong magpakita sa akin.

"Sino ang nagpapunta sa inyo dito?Apat kayo? Mga kasamahan mo sino sila?" Ani niya sa akin.

"Pinapunta kami ni Andra. Dahil makakatulong kayo sa amin, at kilala ninyo siya. Ang mga lalaking kasama ko ay ang mga kababata ko. Kami yung mga bata na naligaw noon kasama ang mga prinsesa ng kaharian namin." Paliwanag ko.

"Sige. Bumalik na kayo sa kaharian ninyo. Mag-ingat kayo, dahil habang nasa daan kayo may masasagupa kayong masasamang elemento." Saad niya.

"Ano?" Tanong ko, ngunit wala na akong boses na narinig.

Elemental Princess [COMPLETED] Where stories live. Discover now