CHAPTER 49

3.3K 135 2
                                    

CHAPTER 49

REED POV

Nandito kami sa labas ng venue para sa masquerade ball. Kanina ko pa hinihintay si Aqua 7 magsisimula ang ball. Kung pagmasdan mo lahat kami ay nakaformal wear. Mga babae hindi nagpapatalo sa mga gown nila, may mga iba kulang na lang mahuhubaran na sila sa damit nila.

Ang tagal nila dumating kinakabahan ako na ewan. Alam ko naman na gwapo pa din ako kahit kinakabahan ako pero basta ba, ngayon ko lang makita si Girlfriend na ayos ang itsura I mean nakaformal.

Kasama ko sina Chaser at Zephyr. Si Raven ba? Kasama si Ae, sumama kasi si Ae sa kanya. Siguro kung nandito ngayon si Aire mukhang may gulong magaganap lalo na si Ae na kung makadikit kay Raven parang sila pa.Ang tanong sila pa ba? Well hindi ko yan masasagot.

Dumaan ang kotse nila Eunice at alam kong magkakasama sila. Yung nga lang wala si Aire at alam ko yun. Si Chaser kagabi wala sa sarili buti na lang at okay na siya ngayon. Bumukas ang pintuan ng kotse at unang lumabas si Tierra, oo maganda si Tierra magandang maganda pero mas maganda sa para sa akin ang girlfriend ko.

Tinignan ko si Chaser kung ano ang reaction niya, ngumiti siya kay Tierra. Mabuti naman at mukhang okay na si Chaser. Pagkatapos kasi ng kaganapan kagabi hindi sila nagkikibuan at nagpapansinan dalawa ni Raven. Mukhang galit pa rin si Chaser.

Nang lumabas na si Fuego sa kotse. Grabe ang ngiti ni Zephyr inlove ang lolo ninyo kaya siniko ko siya kaya nawala ang ngiti sa labi niya.

"Tumigil ka nga bro. Sapakin kita diyan eh." Sabi niya.

"Kung makangiti parang wala ng bukas?" Bara ko sa kanya. Umiling naman siya sabay sabing

"Ewan ko sayo." Sabi niya at nilapitan si Fuego na nakangiti din sa kanya.

Lumabas na si Aqua mula sa kotse kaya nilapitan ko na siya. Napakunot ang noo ko ng nakita ko siya.

"Oh anong tingin yan Reed?" Tanong sa akin ni Aqua. Umiling iling na lang ako at tinignan siya ng makahulugan. Nag-usap na kami kagabi na huwag masyadong expose ang damit.

"Ano yang suot mo ha?" Sabi ko sa kanya ng makalapit ako. Ngumiti naman siya at tinignan ang kanyang sarili.Oo maganda siya sa suot niya, bagay na bagay sa kanya ang damit niya. Maganda ang katawan at pinagpala talaga. Masisisi niyo ba ako kung magagalit ako kung ganyan ang suot niya? Ayaw ko na may titingin sa kanya na mga lalaki na ganyan ang suot niya.

"Tss...okay naman ah." Sabi niya sa akin at hinawakan niya ang braso ko. Nauna na si Eunice sa amin dahil hindi ko na siya nakita dito. Sina Chasee at Tierra naman ay nagpaalam na sa amim na mauuna na sila. Si Tierra lang pala amg kailangan niya eh. De joke. Sumunod naman sa kanila sina Fuego at Zephyr.

"Okay ka diyan, tapos babastusin ka ng mga lalaki." Sabi ko sa kanya at naunang maglakad. Naiinis ako.

"Hala ka? Sorry naman Reed. Huwag mo nga ako iwan dito. Dahan dahan ka lang sa paglakad." Sigaw niya sa akin. Kaya lumingon ako sa likod. Hawak hawak niya ang damit niya, ang haba ba naman ng suot niya.

"Bilis na..." Sabi ko ng nakalapit na siya sa akin. Ngumiti naman siya, pero makikita ko sa mga mata niya na may bahid ng lungkot. Alam kong nag eexpect siyang makakadalo si Aire ngunit malabong mangyari iyon.

"Huwag kang umalis sa tabi ko Aqua." Dugtong ko sa sinabi ko. Oo mahal ko si Aqua at akin lang siya. Mambabae ako? Aaminin ko yan, pero dahil sa kanya tinuruan niya ang puso ko kung paano magmahal.

"Hahaha. Oo na po." Sabi niya. Naglakad na kaming dalawa papuntang grand entrance may mga camera man na hinire ang school namin. Mukhang mga artista nga ang mga estudyante dito dahil mukhang may conference na gaganapin.

"Ang daming ng mga tao." Sabi ni Aqua. Tumango naman ako. Marami talagang mga tao. Nang nasa grand entrance na kami na puno ng mga flash ng camera medyo sumakit ang mata ko. Lahat ng mga estudyante ay napatingin sa amin dalawa ni Aqua.

"Ghad...ang ganda ni Aqua dyosa talaga."

"Bagay sila dalawa ni Papa Reed."

"Ang ganda ng katawan ni Aqua, model ba siya?"

"Kyyahh...gwapo mo Reed."

"Oi kay Aqua na yan"

Yan ang mga naririnig ko. Kanya kanyang compliment, hindi ko tuloy maiwasan mapangiti sa narinig. Naglakad na kami at dumaan sa red carpet.

Panay ngiti naman si Aqua at tango sa mga school mate namin na tumatawag sa kanya. Kahit binubully sila noon hindi pa din siya nagbago, siya pa din si Aqua ang nakilala ko noon na nerd.

"Nga pala Reed. Hindi ko nakita si Raven." Sabi ni Aqua. Ako naman ay hinahanap ang table namin.

"May kasama si Raven, kababata namin. Basta long time love ni Raven noon, ewan ko lang kung ano ang status nila ngayon." Sabi ko at hindi man lang nilingunan si Aqua.

Akmang maglalakad na ako ng napatigil ako dahil hindi gumagalaw si Aqua at nakatingin lang sa akin tila nagtatanong.

"Darling, kahapon lang siya nakauwi and kahapon lang namin nalaman okay? Don't worry makikita mo siya mamaya." Sabi ko. Ngunit tila may iniisip si Aqua. Tahimik lang siya, hindi ko alam kung ano ang iniisip niya.

"Siya na ba ang tinutukoy sa amin ni Aire noon na may mahal si Raven dati?" Nanlaki ang mata ko sa narinig. Paano nalaman ni Aire?

"Paano---" di ko natapos ang sasabihin ko ng pinutol ni Aqua ang sasabihin ko.

"Walang impossible pagdating kay Aire. Siya ang pinakamatalino sa aming apat." Sabi niyasa akin. Oo nga pala, matalino ang isa sa mga prinsesa.

"Okay. Sige halika na doon tayo." Sabi ko at hinawakan siya sa kamay. Kanina pa kasi may tumitingin kay Aqua. Sorry sila sa akin ang babaeng ito.

Nandito kami ngayon sa isang table kung saan nandito din sina Zephyr, Fuego, Chaser at Tierra. Masayang silang nag-uusap usap. Pinaupo ko si Aqua sa upuan at umupo na din ako sa tabi niya.

"Sino ba ang tinutukoy ninyo ha?" Tanong ni Fuego. Okay? So sinabi na pala nila, mukhang alam na nila eh.

"Basta Apoy. Papunta na sila dito." Saad naman ni Reed. Si Tierra ay tahimik naman habang nag-uusap sila ni Chaser. Nasa center kami nakaupo sa dahil nasa center din ang table namin kung saan nasa gitna namin amg chandelier sa itaas.

Habang seryoso kaming nag-uusap usap biglang may dumating na nakaagaw sa amin ng attention. Nang tignan ko si Aqua blanko lang ang ekspresyon, Si Fuego naman ay ngumisi lang habang si Tierra naman ay mgumiti lamang as usual a genuine smile.

"Magandang gabi sa inyo." Saad ni Aaeizelle at tinignan ang mga kasama naming mga babae. Nang tignan ko si Fuego nakacross arm lang siya at bumalik sa pag inom ng wine tila na walang narinig.

"Magandang gabi din. Pagpasensyahan mo na si Fuego." Saad ni Tierra. Tumango naman si Aarizelle sabay hawak sa balikat ni Raven. Si Raven nan ay tila naiilang na ewan. Saan nga pala sila nanggaling ni Ae?

Ngayon, parang may nararamdman akong hindi maganda. Tama nga bang hinayaan namin si Ae na pumunta dito?

Elemental Princess [COMPLETED] Onde as histórias ganham vida. Descobre agora