CHAPTER 78

2.6K 89 1
                                    

CHAPTER 78

THIRD POV

Habang umaapoy ang kamay ni Fuego, bigla niya itong tinapon kay Velgamor ngunit nagawa nitong umilag kaya gumawa ito ng isang pagsabog, napalingon naman si Tierra kay Fuego at napailing. Alam niyang hindi niya na magawa pang kontrolahin si Fuego dahil alam niya na galit ito.

"Ang lakas ng loob mong kalabanin ako!" Sigaw ni Velgamor at gumawa din siya ng bolang itim at itinapon kay Fuego. Mabuti na lang at mabilis si Fuego at nagawa niya itong ilagan, kasabay noon ay ang pagsira ng wall ng kaharian.

Sa pagkataong iyon naman, ay nakuha naman agad ni Reed ang baston ng kamatayan kahit sa totoo lang ay kinakabahan siya sa nangyari kanina. Lumapit siya sa gawi nila Tierra at nakita naman siya ni Tierra.

"Nakuha mo. Hawakan mo iyan at alagaan. Huwag gamitin, dahil sa oras na gamitin iyan kusa iyang kukuha ng lakas." Saad sa kanya ni Tierra at iniwan na sila ni Tierra upang tulungan si Fuego sa pakikipaglaban kay Velgamor.

"Bro ayos ka lang ba?" Tanong ni Reed kay Zephyr. Kahit namimilipit sa sakit si Zephyr at tumango siya dahil kaya niya pa naman. Hindi nila inakala na eto ang kanilang mararanasan sa mundo ng mga prinsesa, magulo at hindi maintindihan.

Akmang matatamaan sana sina Reed dahil sa dark wizards ng bigla silang tumilapon. Napatingin naman sila dalawa kung sino ang gumawa noon at malaking pasasalamat nila na si Andre pala ang tumulong sa kanila.

"Ingatan ninyo sarili ninyo. Upang hindi maiwasan ang mga prinsesa." Saad ni Andra at pumunta sa gawi nila Raven at Chaser na kanina pa sila hindi makagalaw dahil napailalim sila ng isang spell. Napamangha na lamang sina Reed at Zephyr sa ginawa ni Andra, hindi nila lubos asahan na makikita nila ito sa personal dahil akala nila magic only exist in movie tulad ng Harry Potter.

Laking papasalamat naman nila Raven at Chaser dahil tinulungan sila ni Andra. Nahihirapan din silang kalabanin ang mga dark wizards dahil hindi ito nauubos mukhang mas dumadami ito. Kaya naman ang ginawa nila ay

"Raven alam kong kaya mo ng gamitin ang kapangyarihan mo, subukan mong pakiramdaman kung ano ng nangyayari." Sabi sa kanya ni Andra. Tumango naman si Raven at sinunod ang utos ni Andra.

Habang si Chaser naman ay pinuntahan si Aqua na kanina pa hindi mabuksan ang selda. Nang nakita ni Chaser ang kanyang ina na walang malay biglang nanlambot ang kanyang puso, matagal na din. Matagal na din niyang hindi nakita at nayakap ang kanyang ina simula ng nasa mundo na siya ng mga tao.

"Anong gawin natin?" Tanong ni Chaser kay Aqua. Kaya naman napatingin si Aqua kay Chaser at napakibit balikat dahil maski si Aqua hindi alam kung paano buksan.

"Anong meron dito?" Tanong ni Andra at napatigil siya ng nakita niya ang mga reyna at hari na walang malay.

"Hindi namin magawang buksa. Mukhang malakas na mahika ang kanilang ginamit dito, kahit ano pa ang gawin ko hindi ko magawang buksan ang selda." Paliwanag naman ni Aqua.

"Susubukan ko. Lumayo kayo." Sabi naman sa kanila ni Andra. Lumayo naman sila dalawa ni Chaser at pumwesto sa likod ni Andra.

May kung anong binulong si Andra sa kanyang magic wand at muli, lumabas na naman ang puting liwanag at tinamaan ang selda kung kaya't gumawa ito ng tunog. Napangiti na lamang si Andra sa ginawa niya dahil tagumpay niya iyon nabuksan. Nagpasalamat naman sina Chaser at Aqua sa ginawa ni Andra. Nang nasira ang mahika ay sakto din ang pagkagising ng mga Hari at Reyna.

"Ina! Ama!" Sigaw ni Aqua sa kanyang magulang at niyakap ito. Niyakap naman nila Haring Tridon at Reyna Agua ang kanilang prinsesa.

"Mabuti naman at ligtas ang aming prinsesa." Yakap sa kanya ng kanyang ina. Saya, ang nararamdaman nila ngayon dahil nakita nila ang kanilang anak na babae.

Elemental Princess [COMPLETED] Where stories live. Discover now