CHAPTER 72.4

2.5K 92 0
                                    

CHAPTER 72.4

CLAIRE POV

Naglalakad kami ni Reward papuntang fountain, dito niya kasi ako dinala. Madaming nagbago simula nakilala namin ang mga kaibigan ni Reward. Mukhang may katunggali na kami sa aming mga ugali. Natatawa na lang ako kung paano ang reaction namin apat ng kaibigan ko noong inaya nila kami noon sa Ball.

At ngayon eto kami, naging malapit sa isa't isa. Mabait naman sila, parang lalaking version lang ng mga prinsesa. Nagtataka kayo kung bakit alam ko? Kinwento sa akin ni Reward. Magkakabata sila ng mga prinsesa na sina Aqua, hindi ko nga inaasahan na isa pala silang prinsesa. Kilala ko na kung sino si Reward dahil wala siyang sikreto na tinatago sa akin, hindi naman ako chismosa. Oo alam kong may kapangyarihan silang apat, at ang mga prinsesa. Nakakahiya nga dahil sa mga pinanggagawa namin noon sa kanila.

"Anong plano ninyo pagkatapos ninyo dito?" Tanong ko kay Reward na seryoso lamang at umupo na sa fountain.

"Syempre babalik ako dito..." Sabi niya at tumingin sa akin habang ngumiti. Umupo naman ako sa tabi niya. Ang gwapo talaga ni Reward lagi siyang calm at ang cool kung tignan.

"Babalik ako dito para balikan ang babaeng mahal ko." Sabi niya. Napaiwas na lang ako ng tingin. Nasasaktan ako sa tuwing sinasabi niya ang ganyan, kung tatanungin ko naman siya hindi niya sinasabi sa akin.

"Ah... okay." Sabi ko na lang. Hindi niya man din sasabihin kung magtatanong ako kung sino.

"Pangako Claire. Babalikan ko siya." Sabi niya. Ni rest niya naman ang balikat niya sa ulo ko at pumikit. Bakit ba ang manhid niya? Hindi niya ba alam na nasasaktan ako sa ginagawa niya? Oo mahal ko ang isang ito, hindi ko alam kung paano. Basta nagising na lang ako na gusto ko siya makita, binago niya ako.  Simula sa estado ng aking pananamit at sa ugali ko.

"Ikaw Claire. Sino ba ang mahal mo?" Tanong niya sa akin. Ngumiti na lang ako ng mapait kahit hindi niya ako nakikita.

"Eh? Hindi ako mahal noon." Sabi ko na lang. Inalis niya naman ang ulo niya sa balikat ko at tumingin sa akin ng seryoso.

"Bakit mo nasabi na hindi ka mahal noon?" Tanong niya sa akin. Tinignan ko din siya at nagkibit balikat. Natawa ako sa itsura niya.

"Aba malay ko. May mahal na kasi iyon." Sabi ko sa kanya at tumingin sa harapan.

"Mamimiss mo ba ako kung babalik kami sa mundo namin?" Tanong niya. Naman mamimiss ko siya.

"Hindi eh. Bakit mo natanong?" Tanong ko at pinigilan na huwag matawa. Paano ba naman kasi ngumuso pa sa harapan ko.

"Wala. Oh eto." Sabi niya na parang nairita. Tinignan ko naman kung ano ang ibibigay niya, namangha ako sa ginawa niya. Isa itong rose na gawa sa ice. Kinuha ko naman iyon.

"Bakit ice? Natutunaw ito." Sabi ko at tinignan ang disenyo. Ang ganda.

"Walang rose dito." Sabi niya at tinignan ako ng boredly. Nginitian ko na lamang siya. Tumayo naman ako at nilagay sa tubig ang rose daw kunu.

"Bakit mo binalik?" Tanong niya.

"Wala lang. Bigyan mo ako yung hindi natutunaw ha? Salamat na din sa rose mong ice." Sabi ko at tumawa. Kanina pa ako tawa ng tawa habang siya seryoso lang. Kinuha niya naman ang kamay ko at hinila papunta sa harapan niya.

Nakaupo siya habang ako naman ay nakatayo. Hindi ko inaasahan ang ginawa niua dahil bigla niya akong hinila at niyakap. Hinayaan ko na lamang siya. Baka nagdradrama na naman.

"Mamimiss kita Claire. Kahit ang slow mo, mamimiss pa din kita." Sabi niya. Okay na sana eh, bakit may slow pa? Kaya nabatukan ko tuloy.

"Slow? Yan ang sa 'yo." Sabi ko. Pilit kong umalis ngunit sadyang malakas siya at hinigpitan ang paghawak sa bewang ko.

"Hintayin mo ako ha? Babalikan pa kita. Babalikan ko pa ang babaeng mahal ko. Dapat single ka pa, ayaw ko ng may kahati." Sabi niya at siniksik ang sarili niya sa akin. Ano daw? Babalikan niya ako?

"Akala ko ba? Bakit ako?" Tanong ko. Tumingin naman siya sa akin at inirapan ako. Aba? Daig pa ako?

"Ang slow mo. Ikaw lang naman ang babaeng kilala ko dito aside kay Aqua. Manhid ka kasi." Sabi niya. Manhid?

"Hoy! Hindi ako manhid. Ikaw kasi tinatanong ko hindi mo sinasagot." Sabi ko.

"Eh ikaw sino ba ang mahal mo?" Tanong niya. Uminit naman bigla ang mukha ko. Ang awkward naman ng position namin.

"Ahm... pakawalan mo muna ako." Sabi ko. Ngunit sadyang matigas ang ulo niya kaya napabuntong hininga na lamang ako.

"Fine." Sabi ko na lang.

"Sino?" Tanong niya muli.

"Siya." Sabi ko at niyakap ang ulo niya. Ang gulo ng buhok, sabi pa niya para daw hot siya tignan kapag messy ang buhok feeling gwapo din kasi ito kahit gwapo naman talaga.

"Sinong siya?" Sabi niya.

"Slow ka din pala, ikaw. Tanga." Sabi ko. Tumawa naman siya.

"Makatanga ka wagas." Saad niya.

"Mamimiss kita. Oo, hihintayin kita. Kahit ilang years pa ang dumaan basta hihintayin kita. Kasalanan mo kapag maging tandang dalaga ako." Sabi ko.

"Hahaha oo na. Babalik ako. Pangako iyan. Babalik ako." Saad niya.

May mga bagay talaga na akala natin porket mahal natin siya ay kay din nila tayong mahalin pabalik. Hindi mo maaasahan o mawari'y kung kailan dadating ang para sa 'yo.

Kaya habang nahahawakan at nakakasama ko pa ang lalaking mahal ko ay susulitin ko na ang oras dahil alam ko lahat ng mga bagay ay natatapos din. Natatapos din ito na hindi mo namamamalayan.

Elemental Princess [COMPLETED] Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu