CHAPTER 57

3.3K 129 1
                                    

CHAPTER 57

FUEGO POV

Nandito kami ngayon sa sala at nag-uusap. Hinihintay na lumabas si Raven. Anong nangyari kay Raven? Bakit ganun ang itsura niya? Parang naging lalaking version ni Aire.

Masakit pa din sa akin, masakit pa din. Alam kong masakit din kina Tierra at Aqua, lalo na kay Chaser dahil magkapatid sila ni Aire.

Habang busy ang iba sa kanya-kanyang ginagawa katabi ko si Zephyr na kanina pa ako inaalo.

"Apoy, okay lang yan. Huwag ka ng malungkot." Saad niya sa akin. Iba kasi ang pakiramdam lalo na't isa sa aming mga prinsesa ay hindi natagumpay sa pagsubok. Malakas si Aire, ang ipinagtaka ko kung bakit nangyari ito kay Aire.

Nakita namin ang pagbaba ni Raven sa hagdan at makikita sa mukha niya na galing siya sa pag-iyak. Natawa na lang ako sa nangyari kanina, siguro kung hindi sa ganung sitwasyon si Aire baka nagwalk out na iyon dahil sa kahihiyan. Umamin lang naman si Raven na mahal niya si Aire sa harap namin, buti naman at natauhan ang lalaking iyon.

"Bro?" Tawag ni Reed kay Raven kaya napatingin siya sa gawi namin at seryosong seryoso ang mukha. Nasa mata pa din nila ang pagkagulat dahil umiba talaga ang itsura ni Raven ang kulay ng mata at tumingkad ang kulay niya.

Lumakad siya patungo dito sa sala at umupo sa couch kung saan may bakante.

"Hindi ko inakala na eto ang maabutan ko kay Aire." Simula niya habang naka bagsak balikat.

"Isa ba ito sa pagsubok niya?" Tanong niya sa amin at mapula pula ang kanyang mata.

"Raven hindi namin matukoy yan. Dahil ilang oras na lang ay maglalaho na ang katawan ni Aire." Saad ni Tierra at uniwas ng tingin.

"Anong meron dit--" Hindi natapos si Eunice sa kanyang gustong sabihin ng nakita niya si Raven.

"Impossible." Saad ni Eunice at nilapitan si Raven. "Paano ito napunta sa iyo?" Tanong niya habang hawak hawak ang kwintas na nasa leeg ni Raven.

"Kanina iyan ng patungo ako dito..." Saad ni Raven. Nagsimulang magkwento si Raven sa mga nangyari simula kay Ae na ex niya hanggang sa nangyari sa kanya. Lahat kamo ay seryosong nakikinig sa kanya. May pamilya na pala ang Ae na iyon? Ang kapal talaga ng mukha hindi nakuntento sa ginawa niya kay Raven tapos bumalik balik pa siya?

"Kung gayon mabuti naman at natauhan ka na? Natututo din pala ang puso ng isang tao." Saad ni Eunice. Patayo na siya ng may tinanong siya sa amin na ikinatahimik namin.

"Si Aire kamusta?" Tanong niya. Yumuko na lamang ako sa tanong niya. Si Aqua naman ay uniwas kaya si Tierra na ang sumagot.

"Siguro ihanda na muna natin ang sarili natin papunta sa Elemental world." Saad niya.

"Ano? Tierra sabihin mo na nga." Tanong ni Eunice na para bang may hinitay siyang gustong marinig.

"Patay na si Aire. Patay na." Sabi ni Tierra at pinahiran ang luha niya. At ngayon lahat kami ay natahimik maski si Eunice.

"Impossible." Saad niya. Akmang aakyat si Eunice ng hagdan na may narinig kaming pagbasag sa kwarto ni Aire. Nagsitinginan kaming lahat tila nagtatanong kung parehas ba kaming iniisip at mukhang tama nga dahil lahat kami ay tumayo.

"Anong nangyari?" Tanong ni Zephyr sa akin. Nagkibit bakikat lang ako at tumungo na sa hagdan habang si Eunice naman ay nauna na sa amin sa kwarto ni Aire.

"Bakit iba ang pakiramdam ko?" Sabi ni Aqua. Kaya napatingin na lang ako sa kanya at umiling iling.

Nang nasa harapan na kami ng kwarto ni Aire naka awang ang pinto kaya pumasok ako sa loob at kita ko si Eunice nakahawak sa bunganga niya at may tinitignan sa harapan. Kaya napatingin ako, tila naputol ang dila ko sa nakikita ko.

Basag ang bintana ni Aire at nakakalat ang mga bubog. Sa kama ni Aire may isang lalaking nakaitim at nakatalikod sa amin. Mahaba ang suot niyang kapa at ramdam ko ang masamang elemento na nakabalot sa lalaking ito. Napatigil naman sina Tierra at Aqua sa nakita. Hinawakan ko ang braso ni Zephyr at pinapunta ko siya sa likod ko kasabay noon ang pag-apoy ng dalawang kamay ko.

"Sino ka?" Tanong ko. Dahil si Eunice mukhang napaurong sa nakita. Tumalikod naman ang lalaki at tumingin sa gawi namin, doble ang kaba sa akin dibdib ng tumingin siya sa gawi namin at may hawak na kutsilyo.

Tulad ng ginawa ko nilagay din ni Aqua sa likod si Reed. Atleast kung may gagawin man ang lalaking ito ay hindi masasaktan ang armor namin. Sina Chaser at Raven naman ay mukhang papatay na dahil sa nakita nila.

"Ahahaha hindi niyo ako kilala?" Tanong ng lalaki sa amin at lumapit sa amin. Kaya naman

"Diyan ka lang. Anong kailangan mo?" Tanong ko. Uminit ang ulo ko sa lalaking ito, naramdaman ko naman ang paghawak ni Zephyr sa bewang ko tila pinapakalma ako.

"Sabihin na lang natin na isa sa mga prinsesa ay tinapos ko na?" Sabi niya kaya napatingin ako sa gawini Aire dahil nakaharang sa akin ang lalaking ito hindi ko makikita ang gaw ni Aire.

"Hindi." Saad ni Tierra at umiyak. Kaya naman inalo siya ni Chaser kasabay noon ang pagtakbo ni Raven kay Aire.

"Mga walang binatbat ang mga tauhan kong pinadala dito upang tapusin kayo." Sabi niya. Masama naman siyang tinignan ni Aqua sabay tanong.

"Sinong tauhan?" Tanong ni Aqua. Oo nga sinong tauhan?

"Malalaman niyo din kung sino. Hmmm..." Sabi niya at ngumisi ng napakademonyo.

"Magkikita tayo muli mga prinsesa siguraduhin ninyong may sapat na lakas kayong kalabanan ako." Sabi niya at bigla siyang nawala sa harapan namin.

"Aire!" Sigaw ni Aqua at umiyak papalapit kay Aire. Si Raven naman ay hawak ang katawan ni Aire na napuno ng dugo ang katawan. Patay na nga ang tao mas pinabilis ni Velgamor ang pagkawala ni Aire.

"Hindi, hindi maaari." Sabi ni Raven at umiiyak.

"Gising Aire, gising. Napakawalang silbi kong guardian kung mawawala ka. Gising." Sabi ni Eunice at umiiyak. Nasa puso ang saksak dahil doon lumalabas ang dugo.

Tahimik ko na lamang sila pinagmasdan tila umitim ang paningin ko at gusto ko magwala sa nangyari. Gusto kong umiyak at sumigaw, sumigaw at isi isi kay Bathala kung bakit kami pa ang itinakda, mukhang hindi ko na makakayanan ang nangyayari. Isa sa amin ay nawala na. Sino pa ang susunod?

Nilapitan ako ni Zephyr at kita ko ang lungkot sa mata niya kaya naman nilapitan ko siya at niyakapa kasabay noon ang pagtulo ng aking mga luha. Hindi ko inaakala na dito kami aabot.

Nataranta sila lahat maski si Chaser ay nataranta dahil nagsisimula ng maglaho ang katawan ni Aire. Umiyak na lang ako maski si Aqua na may kapangyarihang magpagaling ay hindi niya magawa. Wala na kaming magagawa. Ano na ang sasabihin namin kay Reynang Arianna? Na nasawi ang ang kanyang anak na babae? Ayaw ko, ayaw ko bumalik sa elemental kingdom na ganung balita ang sasabibin namin sa kanila.

Elemental Princess [COMPLETED] Où les histoires vivent. Découvrez maintenant