CHAPTER 33

4K 184 2
                                    

CHAPTER 33

CHASER POV

Nandito kami ngayon sa tinutukoy na lake ni Baby Ai. Mission? Anong mission ba ang tinutukoy nila?

"Huwag kayong lumapit. Huwag hawakan ang tubig kung ayaw ninyo makaramdam ng matinding sakit. Isang tao, isang tao lamang ang makakatulong sa Princessa sa loob ng tubig." Sabi ng isang tinig na hindi namin matukoy kung saan nangaling.

"Paano?" Sabi ni Fuego na ngayon ay naguguluhan. Tiyak hindi nila alam ang gagawin ngayon.

"Isang taong malapit sa puso ng princessa ang makakatulong sa kanya." Sabi ng tinig.

"Sino?" Tanong ni Baby Ai ngunit hindi na sumagot ang tinig nanarinignamin kanina. Isang tao na malapit sa puso ni Aqua? Lahat kami ay nagkatinginan tila hinihintay kung ano ang magandang gawin upang matulungan si Aqua.

"Ang mission ni Aqua ay dapat matulungan siya ng taong malapit sa kanyang puso. Hindi tulad kay Fuego na ilang araw ang mission, limitado ang oras ni Aqua sa ilalim ng tubig. Dahil normal siyang tao ngayon, kapag hindi siya makuha sa loob ng 30 minutes maari niya itong ikamatay." Napatingin kami kung sino ang dumating si Eunice na guardian nila at ang Head ng paaralan na naming pinapasukan ni si Euria.

"30 minutes? Hindi ba ang iksi naman ng oras na ibinigay nila kay Aqua." Saad ni Tierra. Alam ko na nag-aalala din siya sa kanyang kaibigan.

"Sobra na ang 30 minutes dahil magtatatlong oras na siya sa loob. Kanina ko lang nalaman ng pumunta ako sa elemental kingdom. Kanina lang din lumitaw ang sulat na si Aqua na ang sunod." Saad ni Eunice. Nakatingin lang kami sa kanila tila hinihintay kung may sasabihin pa ba.

"Paano namin matutulungan si Aqua kung sa gayon hindi kami makakalapit sa tubig. Bakit?" Tanong ni Fuego.

"Dahil may nakabalot na spell. Electric spell, may kuryente ang tubig. Ang tanging makakalapit sa tubig ay ang taong malapit sa puso ni Aqua." Sabi ni Baby Ai. Kahit baliktarin ang mundo ubod talaga ng talino itong kapatid ko, nagmana kay Ina ako naman ay kay Ama. Kamusta na kaya si Ama ngayon? Sana babantayan niya kami at hindi niya kami pababayaan.

"Si Fuego." Sabi ni Tierra. Napatingin naman kami kay Fuego kahit siya ay naguguluhan.

"Subukan mo, para kay Aqua. Malapit kayo sa isa't isa kahit lagi kayong nag-aasaran alam kong mahal niyo ang isa't isa." Saad ni Aire.

Napabuntong hininga naman si Fuego, si Zephyr naman ay hinintay kung ano ang gagawin ni Fuego. Tumingin naman si Fuego sa tubig at dahang dahang lumapit.

"Subukan mo lang, kung nakaramdam ka ng sakit alisin mo agad ang kamay mo." Saad ni Tierra. Si Reed naman ay parang nasa state of shock dahil kanina pang tahimik habang si Raven naman ay nasa malayo tila may katawag.

"Sige. Para kay Aqua." Saad ni Fuego. Umupo si Fuego sa tabi ng tubig at dahan dahan ibinaba ang kamay, makikita mo ang kuryente na umiilaw senyales na meron talagang kuryenteng nakabalot.

"20 minutes left." Saad ni Reed. 20 minutes? Ibinaba ni Fuego ang kamay niya at

"Aahhh!" Sigaw niya at napahiyaw sa sakit, kita naming nasaktan siya at napahawak sa kanyang kanang kamay, tinulungan naman siya ni Zephyr na tumayo at tinignan ang kamay kung okay ba.

"Hindi si Fuego, sino?" Sabi ni Eunice tila di alam kung ano ang dapar gawin. Alaga niya ang mga princessa syempre responsibilidad niya ito. Napatingin ako kay Reed at nakatingin din siya sa akin, nahuli ni Baby Ai na nakatingin ako kay Reed kaya naman

"Reed subukan mo." Sabi ni Baby Ai. Si Reed naman ay parang hindi alam ang gagawin.

"Ikalawa ka sa mga lalaking kaibigan ni Aqua na ikinagaanan niya ng loob. Kailangan niya ng tulong mo ngayon, alam kong takot ka sa nalaman mo tungkol sa amin ngunit isantabi mo muna yang takot mo dahil wala kang mapapala niyan." Sabi ni Tierra. Ngayon ko lang nakitang seryoso si Tierra. Ibang iba siya sa Tierrang palaging nakangiti kesa ngayon na seryoso.

REED POV

Ako ang ikalawang lalaking naging kaibigan ni Aqua na ikinagaan ng loob niya. Ikalawa? Sino ang una? Tanong ko sa sarili ko.

"Sige na Reed tumatakbo ang oras. Ayaw mo naman mamatay ang kaibigan mo di ba?" Sabi ni Fuego at ngumisi. Nagawa niya pa akong asarin kahit may sugat kamay niya, iba din tong babaeng ito.

"10 minutes left." Saad ni Eunice napatingin ako sa kanya, at kina Raven at Chaser tumango naman sila. Sina Fuego, Tierra at Aire naman ay hinintay kung ano ang gagawin ko. Lumapit ako sa tubig at kita ko ang mga kuryente na umiilaw, masakit to at alam ko iyon, mababaog ako nito, baka hindi na ako masinagan ng araw. Bahala na para kay Aqua.

Hinubad ko ang damit ko sa itaas at nakita ko pang tinakpan ni Zephyr ang mata ni Fuego. Kinabahan man ako ay dahan dahan kong ibinaba ang paa ko sa tubig nang wala akong maramdaman na sakit tinignan ko sina Aire, nakangiti sila at tumango. Humakbang pa ako ng isa ng biglang nahulog ako sa ilalim ng tubig.

Madilim, madilim ngunit kita ko kung ano ang nasa loob. Hinanap ko si Aqua, dahil malawak ang tubig nahirapan akong hanapin siya.

"May 8 minutes kang hanapin ang Princessa kung hindi mo siya mahanap maaring ikamatay niya ito." Sabi ng isnag tinig hinanap ko kung nasaan ang nagsasalita ngunit hindi ko mahanap dahil na din siguro sa blurd ang nakikita ko. Mabuti na lang at nakakahinga ako dito sa ilalim ng tubig, kaya lumangoy ako, lumangoy at hanapin si Aqua. May nakita akong liwanag kung kaya'y sinundan ko, parang sinasabi sa akin na sundin ko ang liwanag ng sinunod ko iyon bigla itong nawala.

Napatigil ako sa nakita ko, ang daming Aqua na nasa loob ng bubbles, paano ko siya mahahanap dito, kung lahat sila ay pareparehas ang pagmumukha.

"Follow your heart not your mind." Sabi ng tinig. Ano daw? Nagsasalitaba ang puso? Pambihira mauubos na ang oras ko,

"Tulong Reed." Napalingon ako kung saan at sino ang tumatawag sa akin, may animna Aqua ang nakapalibot ngayon sa akin at mahimbing na natutulog, dapat makilala ko kung sino ang totoo.

Paano ko siya makilala? Lahat sinusuri ko ang mga Aqua, paano? Halos magkaparehas sila at gaya gaya si Aqua.

Habang sinusuri ko kung sino si Aqua may nakita akong tatoo sa wrist ng isang Aqua, siya lang ang naiiba dahil ang iba ay walang tatoo, ang ganda ng disenyo dahil tubig na tubig ang dating. Sana hindi ako magkakamali, ipinasok ko ang kamay ko sa loob at hinila si Aqua palabas sa bubbles. Bigla namang pumutok ang ibang bubbles at

"4 minutes left." Sabi ng tinig kaya dali dali ako lumangoy para iahon sa Aqua sa tubig dahil hindi pa din siya nagigising. Kunti na lang, malapit na Reed nandiyan na ang liwanag,

"Tagumpay niyong nalagpasana ang pagsubok." Sabi ng tinig. Napatingin naman sa amin sina Aire at Tierra. Dali dali akong umahon sa tubig, ngayon ko lang napansin na kulay blue ang kulay ng buhok ni Aqua. Biglang umilaw ang kwintas niya kaya napatingin kami sa kwintas,

"Activate na ang kwintas ni Aqua." Sabi ni Fuego. Anong activate ang tinutukoy niya? Tumango tango naman si Aire.

"Mukhang kilala na namin kung sino ang armor ni Aqua. Hihintayin na lang natin siyang gumising." Sabi ni Euria.

May alam ba si Euria dito?

"Pag-uusapan natin yan kapag gising na si Aqua. Alam kong nagugukuhan kayo kung bakit may mission at bakit nandito si Euria. Kakambal ko siya." Saad ni Eunie.

Magkakambal sila? Bakit hindi ko iyon napansin. Nilapitan ako ni Zephyr sabay sabing

"Magsuot ka na nga ng damit, dinudumihan mo ang mata ni Apoy." Sabi niya, napangisi na lang ako habang kinuha ang damit na inabot niya. Inlababo na ata ang mainitin kung kaibigan sa isang apoy.

Tinignan ko lang si Aqua na hanggang ngayon ay tulog. Hindi pa ba siya babangon at aawayin ako? Magsosorry pa ako sa kanya.

Aqua gising na, magsosorry na ako. May sasabihin din ako sayo kaya bilisan mo ng mag sleeping beauty diyan, dahil walang hahalik sayo para magising ka.

Elemental Princess [COMPLETED] Where stories live. Discover now