CHAPTER 23

4.1K 187 0
                                    

CHAPTER 23

VANESSA POV

"Sure ka na ba dito girl? Baka mahuli tayo nila Raven." Sabi ni Claire. Like duh? I hate those nerds. They are getting in our nerves. Simula ng dumating sila dito, inagaw na nila yung mga prince charming naman, mas hamak naman na mas maganda kami kaysa sa mga nerds na iyo.

"Hindi nila tayo mahuli kung bibilisan mo ang pagsulat diyan." Sabi ko habang nakaupo. Tignan ninyo mga nerds kayo, sisiguraduhin naming mapapahiya kayo. Huwag na huwag silang umasta na kung sino.

"Bilisan mo na diyan Claire. Baka may papasok na dito at kukunin nila ang mga form for finalization." Sabi ni Ayesha, na nakatayo sa pinto upang tignan kung mag dadating ba o wala. Napangisi na lang ako sa iniisip ko. Kung hindi kayo mawala wala sa landas namin, mawawala din kayo.

REED POV

Nandito ako ngayon at nagbibilliard sa bahay namin, hindi pa din mawala ang mga ngiti ko sa labi ang nangyari kanina. She's cute.

"Aba, ano ang mga ngiting yan? Inlababo na ba ang cassanova?" Tanong ni Zephyr at tumawa tawa pa. In love? Ako na si Reed Ace Blue? No way. Tinignan ko si Zephyr sabay sabing

"I'm just doing ky job bro. I'm still me, nothing change." Sabi ko at ngumisi. Ngumisi naman siya, sakto naman at napadating si Raven at mukhang binagbasakan ng langit at lupa

"What happen bro?" Chaser ask. Umupo naman si Raven sa couch at hinilot ang sentido niya. Mukhang may problema nga

"Sabi ni Vel, kung hindi daw natin magagawa ang trabaho na pinagawa niya ay siya na daw ang gagawa." Sabi ni Raven. Sa totoo lang hindi namin kilala ang Vel na yan, basta bigla lang nila kami blinackmail na kesyo daw papatayin ang pamilya namin.

"Kung ganun naman pala eh, tigilan na natin ang mga nerds, diring diri na ako makisabay sa kanila lalo na yung Fuego na iyon walang ginawa kundi batukan ako." Sabi ni Zephyr.

"Talaga lang ha?" Sabi ni Raven at ngumisi. Si Chaser naman ay kumuha ng beer at ininom.

"Tama si Zephyr, Raven. Iba na din ang kutob ko sa mga nerds na iyon. Basta ramdam ko lang." Sabi ni Chaser.

"Bakit ko naman kayo pipigilan? Baka nga pati kayo ay nahulog na sa mga nerds na iyon." Sabi ni Raven at ngumiti ng makahulugan na tila nang aasar. Etong si Raven alam kong mahirap na itong magmahal mulo dahil sa nangyari sa una niyang relation kaya alam kong hindi to basta basta mahuhulog.

"Ikaw Reed? Mukhang enjoy na enjoy ka sa company ni Aqua." Sabi ni Zephyr.

"Eh ikaw nga din, may plano ka pang ilabas si Fuego sa loob ng Campus. Pinagbigyan lang kita." Sabi ko sa kanya.

"Wala naman siguro kasalanan ang mga nerds. At saka si Vel na mismo ang nagsabi na siya na ang gagawa nun kaya tigilan niyo na yan. Baka sa huli yang mga ginagawa ninyo dalawa ay pagsisihan ninyo." sabi ni Chaser.

Oo nga nu? Wala naman silang kasalanan. Mag fofour months pa lang naman sila sa paaralan namin. Wala nga silang kasalanan, pero matapang din sila, and I find them unique lalo na si Aqua dahil namamanage niya pa ding ngumiti.

"Sige mauuna na ako kailangan ko ng magpahinga." Sabi ni Raven at umalis na. Magpapahinga siya dahil sobrang busy niyang tao.

"Ako din." Saad ko sa dalawa. May gagawin pa ako.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Zephyr.

"Sa bar." Sabi ko at ngumisi.

"As usuall. Akala ko tuluyan ka ng nagbago dahil sa Aqua na iyon. Sige layas." Sabi ni Zephyr.

Ako magbabago? Para kay Aqua? Lol. Hindi kakayanin ko kakayanin sa gwapo kong ito, madaming iiyak na babae.

EURIA POV

"Anong plano mo sa mga princessa? Dadalo ka ba sa Masquerade ball?" Tanong ko kay Eunice, kakadating niya lang dito sa office ko.

"Basta. Ako na ang bahala sa kanila." Saad niya.

"Kamusta sila?" tanong niya at tinignan ako.

"Okay lang naman sila at mukhang nagiging close na sila. Nakakapanghinayang nga lang." Sabi ko. Nakakapanibago talaga ang pagiging mabait ng mga lalaking iyon sa mga nerds.

"Okay, mas mabuti na iyon." Sabi ni Eunice. Pagod talaga siya. Mabuti na lang ay likas na magaganda ang lahi namin kaya naman, kahit stress na siya ay maganda pa din.

Excited na ako sa Festival. Hays, gusto kong magenjoy sa linggong iyon, ang kaso nga lang para sa students lang iyon. Nakakamiss tuloy ang buhay namin noon yung okay pa lahat. Alam ko naman na mgiging maayos ang lahat, at dadating din kami doon.

THIRD POV

Sa kabilang mundo...

"Ano?! Ang kukupad kumilos ng mga iyon. Siguraduhin ninyong maging maayos ang lahat." Galit na sigaw ng Dark Prince habang nakaupo sa trono niya.

"Kami na bahala sa plano ninyo. Kami bahala sa mga princessa." Sabi ng tauhan ni Velgamor at ngumisi.

"Gusto ko iyan." Sabi ni Velgamor. Wala silang ibang hangad kundi pagsilibihan ang hari nila, ang hari nila na ubod ng sama.

"Mauuna na kami Dark Prince." Sabi ng kanyang mga alagad.

EUNICE POV

Kunting panahon na lang, alam kong kumikilos na si Velgamor. Ang problema. Wala pa ding hint ibinigay ang libro, blanko pa din ito simula sa unang mission na ibinigay nito kay Fuego.

Ano kaya ang masusunod. Sana naman at hindi pa magiging huli ang lahat. Pabalik balik na lang ako sa Elemental World upang maging updated kung ano ang possible maging ganap sa mission na meron sila. Ngunit tila kahit ang mga hari at reyna ay walang idea kung ano ang magiging sunod na hakbang ang gavawin ng mga princessa dahil hindi nila matukoy.

Sisiguraduhin ko, habang nasa puder ko ang mga princessa magiging ligtas sila. Hindi ko sila hahayaan. Ito lang ang kaya kong ibawi kay Haring Aero na ngayon ay matagal ng patay, patay ngunit hindi matagpuan ang kanyang katawan. Ako bahala sa kanilang apat, handa ko isakripisyo sarili ko para sa apat.

Sana naman, bago mahuli ang lahat ay nasa mga princessa na ang kanilang mga armor, upang hindi na sila mahihirapan at makakapag sanay pa sila sa dadating na sinasaad ng prophesiya ang digmaan laban sa Dark Prince.

Elemental Princess [COMPLETED] Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora