CHAPTER 24

4.1K 192 0
                                    

CHAPTER 24

EURIA POV

Sa loob ng gymnasium makikita mo talaga na excited na ang mga estudyante sa opening ng festival. Eto na, eto na ang matagal nilang inaantay.

"Good morning Wardenians." Bati ko sa mga estudyante. Ang araw na ito ay ang araw na pinakahihintay ng lahat.

"Whoooooo!!!" Sigaw ng mga estudyante. Eto ang araw kung saan lahat ay magsasaya, at mageenjoy. Dahil ito ang araw na marefresh ang kanilang mga isip, dahil sa sunod ay magsisimula na ang kanilang midterm.

"So, tha day has come. Hanapin niyo lang ang section ninyo, and find your name na nasa loob ng envelop. Nandoon lahat ang mga games na sasalihan ninyo. Never miss one games, it is equivalent half of your grades." Sabi ko. O.A ba? hindi eh, patakaran ko iyon. Hindi madali magplano, kaya dapat sulitin nila ang linggong ito.

AIRE POV

Ingay, at dami ng estudyante. Grabe ganito ba mag-ingay ang mga tao? Sa bagay baka excited na sila.

"Hindi na ako makakapag antay pa." Saad ni Fuego. Kanina ko pa ito na oobserbahan, parang may gingawa na hindi ko alam.

"Ako din." sabi ni Aqua. Pagkatapos nito ay magpapahinga na lang muna ako, o di kaya magbabasa ng mga libro. Bumili kasi ako ng mga bagong libro nitong nakaraang araw

Pagkatapos openning remarks ng head ay nagsilabasan na ang mga ibang estudyante, tiyak na baka kukunin nila ang mga papers nila. Nandito kaming apat ngayon nakatayo sa gilid. Nang nakita kami ng pangkat nina Vanessa. Hay naku, eto na naman tayo.

TIERRA POV

Papalapit sina Vanessa sa amin. Ano na naman kaya ang kailangan nila. Sina Aqua at Fuego naman ay tumahimik at natigilan.

"See you later nerds. Galingan ninyo huh?" Sabi ni Vanessa at dumaan lang sa amin. Anong galingan? Hindi ko siya naintindihan. Nang tignan ko sina Aqua at Fuego nagkibit balikat lang. Si Aire naman ay tahimik at tinignan lang kami.

"Hayaan niyo na nga sila. Mabuti pa at pumunta na tayo sa sa room natin at kunin na natin ang mga papers natin. I can't wait." Sabi ni Fuego at ngumiti ng makahulugan sa amin ni Aire.

Nang tignan ko si Aire, naningkit naman ang kanyang mga dalawang mata, at tinignan ko din si Fuego na tila naguguluhan.

"No comment. Mabuti pa at pumunta na tayo doon." Sabi ni Aqua, at hinila niya ako at si Aire palabas ng gymnasium. Habang hila hila kami ni Aqua nagsalita naman si Aire. Si Fuego naman ay nakasunod sa amin

"Hindi naman kaya may ginawa na naman kayong kalolohan dalawa?" Saad ni Aire. Ngumuso lang si Aqua at itinuro si Fuego.

"Fuego..." Tawag ni Aire kay Fuego. Si Fuego naman ay hindi madrawing ang itsura, mukhang kinakabahan.

"Aire naman eh, ienjoy natin ang araw na ito. Ayaw mo iyon? Kapag makabalik na tayo sa atin ay hindi na natin ito maranasan pa muli." Sabi ni Fuego. Oo nga naman nu? Dapat sulitin na ang oras.

"Tssskk...mag-iingat lang kayo. Mukhang mag pinaplano sina Vanessa. No using of powers sa games." Sabi ni Aire.

Habang naglalakad kami patungo sa room namin, sakto naman at nandoon ang mga lalaki. Kung makikita mo, lahat ng mge studyante ngayon ay nakasports attire. Tapos kami lalo na ako, ay hindi man lang nagdala ng extrang damit.

Nang papalapit na kami sa direction nila. Akala ko babatiin ako ni Chaser. Nang biglang, niyakap niya si Ayesha na nakatalikod. Paano ko nalaman? Princesa kaya ako.

Hindi ko alam pero, parang tinusok tusok ang puso ko. Eto ba ang maaabutan namin? As if I care. Hindi nga pala maaaring magmahal ang isang prinsesa sa isang ordinaryong tao. Dinaanan ko lamag silang dalawa. Alam kong nakita din nila Fuego at Aqua ang pinaggagawan nila, Zephyr at Reed. Hindi ba nila alam na PDA sila?

"Hayaan mo na sila Aqua. Nilalaro lang nila kayo. Kaya huwag magpaapekto." Saad ni Aire kay Aqua. Si Aire lang ata ang walang problema sa amin, paano ba naman alam kong hinihintay niya pa si---

"Oh, nandito na pala kayo." Sabi ni Vanessa habang magkahawak sila ng kamay ni Raven. Tinignan lang ni Aire sina Raven, ng walang reaction, at dinaanan lang ang dalawa. Gusto kong matawa sa rection ni Vanessa. Rude talaga si Aire sa mga taong ayaw niya, at isa siya doon.

Si Aire ay nakapila para kunin ang mga papers namin. Habang kaming tatlo ay pinaglibutan ng mga demonyo at demonyinta. Si Chaser ay nakaakbay kay Ayesha, si Reed naman ay hawak ang kamay ni Natasha, si Zephyr naman ay yakap siya ni Claire. PDA silang walo sa harapan namin.

"Enjoy your day nerds. Nga pala, huwag niyo landiin ang mga boys namin. Pinahiram lang namin sila sa inyo." Sabi ni Natasha at nakatingin siya kay Aqua. Si Reed naman ay walang ekspresyon ang mukha.

"No need na hiramin namin sila. Inyong inyo sila." Sabi ni Fuego. Alam kong galit ito, dahil ramdam ko.

"Halina kayo. May gagawin pa tayo" Saad sa amin ni Aire at ngumisi naman siya sa gawi nilang pito.

"Kung laro ang basehan ninyo, sige maglalaro kami. Sasakyan namin kayo sa mga trip ninyo. Makes sure, kung ano ang sinimulan ninyo ay tatapusin ninyo." Sabi ni Aire. Naningkit naman ang mga mata ng mga lalaki sa sinabi ni Aire.

"Umalis na tayo. Magbibihis na tayo." Sabi ni Aire sa amin. Habang papaalis na kami.

"Sports wear ang susuotin nerds. Hindi yung mukha kayong manang." Sigaw ni Ayesha at napatawa naman silang apat.

"It is our pleasure to wear sports attire." Sabi ni Aire at ngumiti sa kanila. Mukhang napikon naman sila sa mga response ni Aire. Grabe tong isang to, kalma palagi.

Ngayon ko lang napansin na nakatingin pala sa amin ang mga estudyante. Hay naku as usual.

"Sa head daw tayo pupunta sabi ni Eunice sa akin." Sabi ni Aire. Ano ang meron? Habang naglalakad kami hindi  maiwasan na madaming tanong si Fuego.

"Seryoso ba ang sinabi mo na magsports attire tayo?" Tanong ni Fuego. Tumango naman si Aire sa tanong ni Feugo at napatigil.

"Ang galing nga nila, alam kong hindi kayo ang may gawa nito kundi sila." Sabi ni Aire at ibinigay sa amin ang mga papers,

"Ano? Swimming competetion?!" Gulat na sabi ni Aqua. Eto kasing dalawa hindi to mahilig maglaro kapag hindi kami ang makakasama kaya they are prefer to join games na by group.

"Ano? Magrarace tract ako?!" Natawa na lang ako sa mga reactions nila.

"Ikaw Tierra ano ang nasa saiyo?" Tanong ni Aqua. "Ahm, by group lahat ang akin." Sabi ko. Napatingin naman kami kay Aire na tahimik lang.

"Secret." Sabi niya at lumakad na. Ano ang sa kanya. Mukhang grabe ang tindi nanggalit sa amin ng mga babaeng iyon hays. Huwag na nga lang patulan.

Elemental Princess [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon