CHAPTER 50

3.3K 140 0
                                    

CHAPTER 50

RAVEN POV

Gabi na at makikita mo ang excitement sa mga mata ng estudyante. Nandito ako ngayon sa leisure room namin dahil may hinahanap ako. Simula kagabi ay hindi pa din kami nagkikibuan ni Chaser, sinuntok ba naman ako ng walang dahilan. Hindi niya man lang sinabi sa akin kung ano ang ikinagagalit niya aside sa nangyari sa kapatid niya. Si Aire, hindi ko pa siya nabibisitahan. Kamusta na kaya siya?

"Babe tapos ka na ba diyan?" Sabi ni Ae kaya napatingin ako sa likod. Si Ae na nakaformal dress din, hindi ko alam na pumunta ito, malay ko ba.

"Ah oo." Sabi ko at may kinopya lang akong picture sa phone ko.

"Let's go babe." Sabi niya at hinook niya ang kamay niya sa braso ko. Hindi ko alam na sumunod siya sa akin.

"Ae, don't call me in that way." Sabi ko na lang. Hindi ko alam pero lumabas lang ito bigla sa bibig ko. Napatingin naman sa akin ni Aarizelle kaya umiwas ako ng tingin at nauna ng lumakad.

"We used to call each other like that before Raven." Sabi niya sa akin. Napahawak na lang ako sa sentido ko ng wala sa oras. Hindi ko alam pero mahal ko naman si Ae pero iba eh parang may nagsasabi sa akin at naiirita ako kapag tinatawa niya akong babe. Naninibago ako.

"That was before, but you left me." Sabi ko. Napatigil naman siya patuloy pa din ako sa paglakad ng biglang may yumakap sa akin sa likod kaya napatigil ako.

"Sorry Raven, kinakailangan kong umalis sa oras na yun." Sabi niya. Dapat magalit ako dahil iniwan niya ako noon, pero eto ako ngayon hinayaan siya. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat.

"Huwag ka mag-alala babawi ako sa pagkukulang ko saiyo. Bumalik na nga ako di ba? Para magawa kong magpaliwanag sayo." Sabi niya at umiiyak siya. Inalis ko ang kamay niya na nakayakap sa akin at tinignan siya. Tinignan siya ng seryoso, ayaw kong makita siyang umiiyak dahil hindi ako sanay, hinawakan ko ang mukha niya at pinahiran ang luha niya.

"Huwag ka ng umiyak Ae." Sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya at tumango tango.

"Babawi ako sayo Raven. Babawi." Sabi niya sa akin. Ngumiti na lang ako sa kanya at tumango

"Sige babe. Pinapatawad na kita." Sabi ko. Pero may parte sa akin na ayaw, hindi ko alam parang may nagsasabing tama na ang naranasan ko sa kanya.

"Salamat." Saad niya at niyakap ako. Kaya niyakap ko siya pabalik. Mahal ko pa si Ae, mahal ko pa ba? Oo mahal ko pa.

"Halika na. Baka nandoon na sila, makikilala mo na ang mga girlfriend nila Zephyr at Reed." Saad ko at lumakad na kami papuntang venue

Dadalo ba si Aire? Makakapunta ba siya? Siya ang kapartner ko. Pero ayst ewan.

"Oo nga pala babe, ano ba yung pinag awayan ninyo ni Chaser kagabi? Nagyon ko lang nakita si Chaser na ganoon magalit." Tanong ni Ae. Ayaw kong pag-usapan kaya pinalitan ko ang topic niya.

"Ang ganda mo ngayon." Sabi ko na lang.

"Salamat. Alam ko na yun no." Sabi niya at tumawa.

Nang nakarating kami sa table hindi ko alam pero naiilang ako, lalo na't kaharap ko sina Fuego, Aqua at Tierra. Ramdam ko kung paano ang pakikitungo nila Fuego at Aqua kay Ae. Si Tierra lang ang pumansin kay Ae.

"Nga pala, may pupuntahan lang ako. Excuse me." Paalam ni Fuego. Napatingin naman sa kanya si Zephyr sa inasta.

"Sino siya Raven?" Tanong ni Aqua sa akin ng mahima since katabi ko siya.

"A-aahhmm---" Di ko natapos ang sasabihin ko ng biglang sumabat si Ae.

"Girlfriend ako ni Raven." Sabi ni Ae kay Aqua. Ngumiti naman ng mapait si Aqua sa akin sabay sabing

"Talaga lang ha?" Sabi ni Fuego na nakabalik na. Nawala naman ang ngiti ni Ae ng ngumiti ng nakakaasar si Fuego. War freak din si Ae mahilig sa gulo spoiled brat kasi since nag-iisang anak.

"Bakit? May problema ba?" Tanong ni Ae kay Fuego na nakataas ang kilay. Hinawkan ko naman ang kamay ni Ae kaya napatingin siya sa akin.

"Enough Ae." Sabi ko na lang. Baka may magawa pa si Fuego kay Ae.

Si Zephyr naman ay pinaupo si Fuego sa upuan tila may sinabi kaya tumahimik na lang.

"Good evening ladies and gentleman. We are here gather today to celebrate our Warden Masquerade ball. So students, visitors enjoy this night." Sabi ng emcee sa harapan.

"Oi Spencer dito!" Sigaw ni Fuego kaya naagaw niya ang attention ng ibang estudyante. Nabigla ako kung sino ang kapares ng tatlo niyang kaibigan. Tatlo? Nasaan ang isa?

"Ikaa pala yan Fuego. Hindi kita naalala ah." Sabi ni Spencer. Ngumisi naman si Fuego sa kapares ni Spencer, it's Ayesha na nakayuko. Anong nangyari?

"Naman. Kamusta ka Ayesha? Okay ba si Spencer?" Asar na sabi ni Fuego. Tinignan naman siya ni Ayesha at umirap.

"Mauuna na kami." Sabi naman ni Natasha at hindi makatingin sa amin. Tumango naman si Tierra sabay sabing

"Naman Jemz, umayos ka." Sabi niya. Kumindat lang kay Tierra si Jemz at umalis na.

Busya ang lahat ng mga estudyante, nag-uusap at nagpapagandahan sa kanilang mga sinusuot. May mga bisita kami mula sa ibang paaralan na galing sa mga mayayaman na angkan.

Napaisip ako, ang ganda ng mga kasama ni Aire. Naka base ang kulay ng mga damit nila sa kanilang mga kakayahan, ngayon ko lang napansin na ang gaganda ng mga kulay ng mga mata nila lalo na kapag malapitan. Siguro kapag nandito din si Aire maganda din siguro siya.

Mula sa grand entrance na nasa labas nagkasitinginan kaming walo na may narinig kaming sigawan at hiyawan mula sa labas. May mga ibang estudyante pang nagsitakbuhan para makita kung ano ang nangyari sa grand entrace.

Napatingin ako kay Aqua at nakatingin lamang siya kay Eunice na nasa stage kasama ang kakambal niya na si Euria. Sabay sabing

"Sa wakas sabi ko ng makakahabol siya." Sabi niya. Napatingin naman sa kanya si Fuego at Tierra tila nagtatanong.

"Anong sabi mo?" Tanong ni Fuego.

"Impossible." Saad ni Tierra kay Aqua. Lumawak lang ang ngiti ni Aqua.

"Walang impossible sa kapatid ni Acer." Sabi niya kaya parang lumiwanag ang mukha ni Chaser sa narinig.

"She's here." Sabi ni Chaser at napatingin kami sa entrance.

"Kkyyyaahh...Aire hindi nagpatalo. Ang ganda ng gown!!"

"Bro papicture tayo!"

"Bagay na bagay kay Aire ang damit." Manghang sabi ng mga iba.

Kahit na ang ibang mga tao ay namangha sa kagandahan ni Aire. Ang ganda niya, bagay na bagay sa kanya ang   suot niya. Akala ko ba? Hindi siya makakadalo.

"Hey babe. Tulala ka ah." Sabi ni Ae kaya inalis ko ang tingin ko kay Aire.

"No I'm not." Nasabi ko na lang.

Maganda siya, magandang maganda.

Elemental Princess [COMPLETED] Where stories live. Discover now