CHAPTER 71

2.8K 101 8
                                    

CHAPTER 71

REED POV

Naglalakad kami patungo sa gym ng paaralan kung saan nandoon lahat ng mga estudyante. Hindi ko pa din maiwasan na hindi kabahan. Ibang iba ang araw na ito, ang panahon ay makulimlim tila may bagyo. Ang hangin ay tila galit dahil sa lakas nito.

"Ano ang pinag-usapan ninyo? Bakit umalis sila?" Tanong ni Aqua kay Eunice. Katabi ko si Aqua habang hawak ang kanyang kaliwang kamay.

"A-ah sinabihan ko lang na... sinabihan ko na huwag idamay ang mga inosenteng tao lalo na't mga normal na estudyante ang iba." Saad ni Eunice. Normal? Meron bang hindi normal na estudyante?

"May mga wizards din na estudyante sa paaralang ito. Mostly, sila yung lagi binubully ng mga estudyante. Di bale makikita ninyo sila." Saad ni Euria.

"Ipapakansela natin ang klase. Pupunta tayo sa elemental kingdom pagkatapos nito." Saad ni Eunice at seryosong tinignan ang daanan.

Sira-sira ang mga ibang gusali sa paaralan. Sira kadahilanan sa pagsabog. Habang naglalakad kami hindi ko maiwasan titigan si Fuego. Malakas siya, bagay na bagay sa kanya ang apoy na kapangyariham siguro na din dahil sa mainitin ang ulo. Natatakot ako para sa kanila, lalo na kay Aqua. Hindi ko siya kayang protektahan tulad ng pagproprotekta niya sa akin. Nahihiya ako, imbes na ako ang lalaki siya pa ang mas malakas sa akin.

"Boyfriend okay ka lang ba?Lumilipad isipan mo." Asar na tanong ni Aqua at nginitian ako. Kahit malaki ang problema nila still nakikita ko pa din siyang masayahin kahit may problema na sila sa kanilang kaharian tila hindi siya namomoblema.

"Wala naman. Basta ang akin lang ay mag-iingat ka." Sabi ko sa kanya. Hinigpitan niya lamang ang paghawak sa kamay ko sabay sabing

"Mag-iingat ako. Tayo. Lahat tayo." Sabi niya sa akin. Tumango lamang ako sa sinabi niya. Si Aqua ang babaeng nakilala ko na laging possitive kung mag-isip. Masayahin at malambot ang puso, ngunit katumbas nito ay ang madali siyang masaktan at mag-alala. Iba siya sa mga babaeng nakilala ko, kaya mahal ko ito.

EURIA POV

"Ms.Euria madaming estudyanteng may sugat. Ano ang gagawin natin? Tiyak na malalaman ito ng mga magulang nila." Bungad sa akin ng isang wizard na estudyante pagkadating namin sa gym. Mabuti na lang at nalagyan ko ng spell ang gym na ito at hindi ito nadamay sa pagsabog. Isang ritwal kung saan hindi makakapasok ang masasama ang mga budhi.

"Nasaan sila? Gagamutin ko sila." Prisinta ni Aqua at tumingin sa akin. Tumango na lamang ako.

"Ang daming nadamay. Bilisan na natin, bilang na lamang ang oras natin sa oras na ito." Saad ng kakambal ko.

"Sige, pagkatapos natin sila pagsabihan, kayo na bahala. Kayo na bahala kung ano ang gagawin ninyo sa kanila." Sabi ko at tumingin kina Fuego at Tierra. Tumango naman si Tierra tila naintindihan niya ako.

May mga nakasuot na puti na kapa kung saan tumutukoy na sila ay isang white wizards. Ang dark wizards ahy ang kaninang lumusob sa amin. Mabut na lamang at nadala ito sa pag-uusap nila ni Eunice.

Kilala ko kung sino ang lalaking nakausap niya. Kaya siguro naging ganoon ang reaction ni Eunice. Matagal na panahon na din sila hindi nagkikita, hindi ko inakala na magkikita pa sila muli ni Edward. Oo Edward ang pangalan sa lalaking bumihag ng puso ni Eunice na kakambal ko ngunit tinaksilan siya ng kanyang kaibigan. Wala ako sa lugar na sabihin sa inyo ang nangyari noon, si Eunice na ang bahala magsabi sa inyo.

Paakyat ako sa stage ng gym at lahat ng mga estudyante ay napatingin sa akin. May mga estudyanteng nabigl dahilan na din siguro sa suot kong damit. Kulay white na kapa na ibig sabihin na isa din akong wizards.

"Kumalma kayong lahat." Simula ko. Kaga lahat ng mga estudyante na nag-iingay kanina ay napatingin sa akin. Patuloy pa din ginagamot ni Aqua ang mga estudyante sugatan since siya lang ang may kakayahan makagamot sa mga estudyante.

"Lahat ng mga nangyari kanina ay ibaon niyo na lamang sa limot. Pagkatapos kayong gamutin ay maari na kayong umuwi. Ako na ang bahala sa mga magulang ninyo. Ipagpalaumanhin ninyo kung may lumusob sa paaralang ito." Saad ko. Ngunit may isang estudyanteng sumigaw

"Anong ibabaon namin sa limot? Ang mga kaganapan kanina? Anong klaseng paaralan ito? Bakit may mga kapangyarihan kayo? Wizards halos lahat ang mga nandito!" Sabi ng mga estudyante.

"Oo tama!"

"Niloko ninyo kami!"

"Isusumbong namin kayo sa police!"

"Okay everyone remain silent." Sabi ko na lang. Eto na, iba't ibang reaction ang mga naririnig ko mula sa kanina. Tumingin na lamang ako sa kakambal ko. Tumango naman siya at kinausap ang katabi niya na si Fuego na tila wala ito sa mood. Tumango naman siya at patungo siya sa gawi ko.

"Isang kayong manloloko!"

"May tinatago pala ang paaralang ito!" Sigaw ng mga estudyante.

"Lahat ng mga wizards isuot ang inyong mga white cloak at ang mga nakasuot na tumayo na lamang kayo." Saad ko. Nakita ko ang mga gulat na reaction ng mga estudyante dahil ang mga binubully pala nila noon ay isang wizard. Mabuti na lang at naturuan ang mga wizard na hindi pumatol sa mga normal na tao.

"Sila, sila ang mga wizards. Hindi kami masasama. Siguro ay napaniwala at naloko namin kayo ngunit para ito sa kapakanan ninyo." Saad ko.

"Kapakanan? Ano ito? Itong nangyari sa amin? May mga sugatan?!" Sigaw ng estudyante.

Bigla naman kinuha ni Fuego ang mic sa akin ng walang pasabi. Napasinghap naman ang estudyante sa ginawa ni Feugo. Walang kaso sa akin kung ganoon ang ginawa ni Feugo sanay na ako na may ganyan siyang ugali.

May mga estudyanteng namangha sa itsura ni Fuego may iba din na tila nagulat at hindi inaasahan ang maladyosang itsura ni Fuego dahil sa kulay pula nitong buhok at mata na mas itiningkad ng kanyang kulay puti na kulay.

"Ikaw..." Simula ni Fuego at itinuro ang babae. Tila nagulat naman ang babae sa ginawa ni Fuego.

"Wala kang karapatan na sigaw sigawan ang nagmamay-ari ng paaralang ito. Maganda naman ang treatment sa inyo ng mga wizards di ba? Kahit binubully ng ilan sa inyo ang mga wizards hindi naman nila kayo pinatulan kaya huwag mong sabihin na kapahamakan ang meron sila, at hindi namin inaasahan ang nangyari kanina." Saad ni Fuego.

"Eh ikaw ano ka? Bakit sumasabat ka diyan?!" Saad ng babae. Natawa na lang ako, napatingin naman si Tierra sa babae at tumingin kay Fuego.

Nang tignan ko si Fuego ngumisi lamang siya. Napailing na lamang si Zephyr sa ginawa ni Fuego at natampal ang noo.

"Ako? Ako sa iyo babae, mas nanaisin ko pang hindi mo na lang alamin kung sino ako at sino ang kinakausap mo." Sabi ni Fuego.

"Lahat kayo, walang uuwi at walang lalabas. Mananatili kayo dito hanggang sa matapos ang lahat gamutin." Saad ni Fuego.

"Walang lalabas at wala ng magtatanong. Keep your mouth shut." Saad ni Fuego. Tumingin naman sa akin si Fuego at kumindat habang nakangiti. Grabe kakaiba talaga ang babaeng ito. Natahimik na lamang ang mga estudyante

Si Fuego? Sino si Fuego para sa akin? Madali niyang napapasunod ang mga tao dahilan na din siguro sa kanyang kakayahan.

Pagod na ako, gusto ko na matapos ang labanan na ito kahit hindi pa nagsisimula.

Elemental Princess [COMPLETED] Where stories live. Discover now