CHAPTER 18

4.4K 200 0
                                    

CHAPTER 18

REED POV

Napamangha ako sa ganda ng bahay ng mga nerds. Kung tignan mo sa labas ay simple lang ngunit kung pumasok ka sa loob, malaki at malawak. Ang weird nga lang dahil kanina nung pumunta kami sa kwarto ni Fuego may mga iba't ibang kulay ang pinto at nakaukit doon ang mga pangalan nila. Maganda dahil sa pintuan ni Fuego disenyong apoy ang nakasulat sa pangalan niya. May mga iba't ibang kulay din kaming nakita may blue, green at gray. Ang ganda nakakamangha, sa tanang buhay ko ngayon lang ako namangha at sa mga nerds pa. Simple lang sila.

"Ano lulutuin natin Tierra?" tanong ni Aqua habang nakabuntot kay Tierra na busy sa pagkuha ng ingredients. Mukhang si Tierra ang lumuluto sa kanilang ng pagkain, halata sa kanya na matured siya mag-isip.

"Hindi ko pa alam." Saad niya. Mukhang iniisip pa niya kung ano ang dapat lutuin. Tumango naman si Aqua at mukhang pupunta sa taas kaya bago pa siya makaalis

"Saan ka pupunta?" tanong ko. Napatingin naman siya sa akin at ngumiti. "Ah, magpapalit lang ng damit. Babalik lang ako upang tulungan si Tierra." saad niya at umalis na.

Nakita kong lumapit si Chaser kay Tierra, mukhang may pinag-uusapan ang dalawa dahil tumatango lang si Tierra. Si Aire at Raven naman malapit sila sa piano, mukhang seryoso silang nag-uusap. Nandito ako sa couch naka upo, dahil mukhang mag-iisa lang ako dito, lumabas muna ako ng bahay at pumunta sa garden nila. May garden sila at kitang kita ko kanina pagpasok namin.

RAVEN POV

Simple kung pinag-mamasdan ang tatlong nerds ng pumasok kami dito sa bahay nila. May mga pictures kaming nadadaanan, mamaya babalikan ko iyon. Pumasok kami sa kwarto ni Fuego at aaminin ko napamangha ako sa disenyo ng kwarto niya. Mukhang apoy ang theme ng kwarto niya. Nakakapagtaka. Nang lumabas kami, nagpaiwan si Zephyr sa kwarto ni Fuego, ano na naman kaya ang trip nun? bahala na nga siya.

Ng lumabas kami kanya kanyang direction kami pumunta. Sila pumunta sila sa kusina habang ako nandito ako sa may grad piano, may picture. Nilapitan ko ito at tinignan ko ang picture, apat na babae. Magaganda, masaya sila, ngunit ang kinaibahan lang ay ang mga kulay ng mga buhok. Ang gaganda nila, hindi kaya ang mga nerds ito? Ngunit bakit?

May humila sa picture kaya napabalik ako sa pag-iisip. Si Aire na seryoso akong tinignan. "Don't touch anything." Saad niya. Naiinis ako sa kanya, mukhang walang respeto. "Bakit?" tanong ko sa kanya. "None of your business Supremo." Saad niya, at saka umalis at pumanik sa second floor.

"Supremo?" napabigkas ako ng walang oras. Siya lang ang tumatawag sa akin noon ng Supremo. Ang babaeng mahal ko. Ngayon ko na lang muli marinig iyon, pagkatapos niya akong iwan. Ngayon ko na lang muli narinig iyon, at galing mismo kay Aire.

"Raven, nakita mo ba si Reed?" tanong ni Aqua. Umiling na lamang ako at tumango. Mukhang nagiging close ang dalawa. Hindi maaari. Hindi maaari, dahil masisira ang plano namin, ngunit kung plano ni Zephyr at Reed mapalapit sa apat na nerds mapapadali ang plano namin.

"Okay sige." Sabi niya at umalis.

*Kkkrrriinnggg* kkkrrriiinnggg* kkkrrriinngg*

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya napatingin sa gawi ko sina Chaser at Tierra. Pinakita ko lang ang phone at tumango naman si Tierra at ipinagpatuloy ang ginawa niya. Kumunot naman ang noo ni Chaser at umiling. Nagtataka ba kayo? Soon malalaman niyo din.

Lumabas ako ng bahay at

"Yes hello?" Saad ko.

"Kamusta?" sabi ng nasa kabilang linya.

"Ayos naman." Sabi ko.

"Pagbutihan ninyo. Kung gusto ninyo maging ligtas ang mga pamilya ninyo." Sabi ng nasa kabilang linya. Napakumo na lang ako ng kamao ko.

May rivalry daw sa bussiness, si Eunice na nag-aalaga sa mga nerds at si Mr.Vel malaki ang galit kay Eunice. Hindi ko alam kung bakit.

"Sige." Sabi ko at pinatay ang linya ko.

Napabuntong hininga na lamang ako at akmang papasok na ako sa loob ng biglang may nagsalita sa likod ko.

"Sino iyon?" tanong ni Aire. Hindi ko man lang naramdaman na nandito siya.

"Wala ka na dun." sabi ko sa kanamya at dinaanan siya. Napangiti na lang ako, nakabawi din. Akala niya siya lang ang marunong.

"Oy nandito pala kayo." Sabi ng babae. Si Eunice, kilala ko siya dahil nasa picture siya nung pinadala ang picture niya.

"Ah opo, wag kayong mag-alala excuse po kami sa paaralan" saad ko. Remember presiden ako kaya responsebilidad ko sila. Ngumiti naman siya at tumango, wala namang masama sa kanya. Mukhang mabait, pumanik na siya sa taas.

Hay naku, ang hirap gawin ang plano. Paano kami magsisimula? Huwag lang sana mahulog ang kanilang mga loob sa mga nerds dahil mukhang hindi malabo mangyari iyon.

EUNICE POV

Umalis ako sa mundo ng mga tao, upang magreport nanaman na hindi pa nagigising si Fuego, kita sa mga mata na nagaalala ang mga magulang ni Fuego. Mataas naman tiwala ko kay Fuego, dahil nalampasan niya na ang pagsubok.

"May hint na po ba kung sino ang masusunod?" tanong ko kay Reyna Arianna. Tumingin naman sa kanya ang mga ibang hari at reyna.

"Wala, walang bakas kung sino ang sunod. Basta ang gagawin mo muna ngayon at bantayan ang Princessa. Nalaman ko nitong huli may pinadala si Velgamor sa mundo ng mga tao. Huwag mo silang hayaan." Saad ni Reyna Airanna.

Pagkatapos namin mag-usap ay umalis na ako. Madami pa akong mga dapat gawin, mabuti na lang at nandiyan si Euria at tinutulungan niya ako. Pagdating ko sa bahay, syempre sa shortcut ako dumaan. Nabigla ako sa nakita ko dahil nandito ang apat na lalaki, anong nangyari? mukhang nagkakamabutihan sila.

Napangiti na lang ako sa nagyayari. Kilala ng mga kwintas ang mga armor ng princessa. Sana hindi sila pababayaan ng kanilang bathala. Si Velgamor, dapat maunahan namin siya, upang maganda at malakas ang depensa namin laban sa kanya.

Kayo na bahala sa kanila, alam kong matagal na kayong wala ngunit sana lagi mo silang babantayan lalo na ang sarili mong anak.

Elemental Princess [COMPLETED] Where stories live. Discover now