CHAPTER 76

2.7K 90 0
                                    

CHAPTER 76

TIERRA POV

Sa pagtahak namin sa daan may mga dark wizards ang sumusugod sa amin, mabuti na lang at kasama namin sina Andra at si Eunice. Nag-aalala pa din ako kay Euria na nagpaiwan sa itaas sana naman ay ligtas siya.

Ang palasyo kasi ay binubuo ng labing isang palapag kaya masyadong malayo pa ang aming tatahakan. Kinakailangan namin iligtas ang aming magulang hindi ako papayag na may mangyaring masama sa kanila.

Akmang kakaliwa na kami upang tunguin ang ika isang palapag na hagdan ng may humarang sa aming malaking tao. Napatigil kami lahat at nawindang sa kanyang itsura. Malaki siya at matangkad. Halimaw kumbaga ngunit ang may bunganga ito kung saan may matutulis na pangil at mahahabang kuko.

"Hindi kayo makalagpas sa akin!" Sigaw niya at sumugod sa amin. Dahil tila hindi pa bumalik sa wisyo ang kasama ko dali dali kong ginamit ang puno sa labas at hinarang sa halimaw upang hindi niya kami agad masugod.

"Siya iyon, ang boses na narinig natin sa itaas kanina. Siya ang halimaw na tinutukoy ni Euria." Saad ni Eunice. Nang tignan ko siya nahuli ko silang nag-uusap ni Andra at tumango na lamang si Andra.

Tinignan ko ang mga kasamahan ko, alam kong pagod na din sila dahil tinahak lamang namin ang mga hagdan upang makarating kami sa unang palapag upang iligtas ang aming mga magulang.

"Sige na, mauna na kayo mga prinsesa. Sa unang palapag..." Saad ni Andra a napatigil sabay tingin kay Eunice "Nandoon si Edward kasama sina Velgamor at ang iba pang mga dark wizards." Saad ni Andra.

"Nandoon din ang mga white wizards, tulungan niyo sila dahil malalakas ang mga kalaban natin. Mag-iingat kayo sa baston ng kamatayan at lumayo kayo doon." Saad ni Andra. Tumango naman si Eunice. Naagaw ang pansin namin ng malapit ng masira ang malaking kahoy na iniharang ko sa halimaw bago kamk umalis

"Andra mag-iingat ka." Saad ni Fuego kay Andra. Ngumiti naman si Andra kay Fuego.

"Sige, umalis na kayo." Saad ni Andra at inihanda ang kanyan magic wand. Tinignan ko siya dahil kanina ko pa pinipigilan ang pagsira ng puno.

"Bibilang ako ng tatlo, Aqua doon kayo dumaan sa gilid. Fuego gumawa ka ng malaking bolang apoy upang mapaghandaan ni Andra ang kanyang sunod na gagawin." Saad ko tumango naman si Fuego at pumwesto sa likuran ko.

"Isa... dalawa...tatlo." Bilang ko at nagawa naman ni Fuego ang pinagawa ko sa kanya. Isang malaking bolang apoy ang ginawa niya at

"Eto para sa 'yo! Yyyaaahhh!!!" Sigaw ni Fuego kasabay ng pagsira ng puno ay ang pagtapon niya ng bolang apoy na sakto namang tumama sa mukha ng halimaw. Dali dali namang tumakbo sina Eunice sa gilid kasama ang mga armor.

Sumunod naman si Fuego, tinignan ko naman ang halimaw at saktong mukhang nahihirapan siyang patayin ang apoy na ginawa ni Fuego. Tumango naman si Andra sa akin senyales na handa na siya. Kaya walang atubili akong sumunod kina Fuego.

"Bilisan na natin. May nararamdaman akong hindi maganda." Saad ni Aqua. Kahit ako kinakabahan ako, hindi ko din matukoy kung bakit.

Nang makarating kami sa unang palapag kung saan ang trono ng mga reyna at hari ay natagpuan na lamang namin ang kalat at wasak na gamit ng kaharian. Sa gilid nandoon sila at walang malay. May mga namatay din na kawal dahil sa pakikipaglaban.

"Huwag basta bastang umatake. Kita niyo iyon?" Sabi ni Eunice sa amin sabay turo sa kulungan kung saan kinulong ang aming mga magulang.

"Bakit?" Tanong ni Reed. Maski ako nagtataka kung bakit.

"Kuryente ang nakaharang diyan. Maaaring ikamatay ninyo ito. Kaya dahan dahan lamang." Saad ni Eunice sa amin.

"Mga walang hiya sila. Ginawa nila ganyan ang mga hari at reyna." Saad ni Fuego at ng tignan ko siya kita ang galit sa kanyang mata. Kaya naman

"Fuego kumalma ka." Sabi ni Zephyr sa kanya.

"Tama kumalma ka Fuego. Zephyr at Reed, kayo ang bahala sa baston ng kamatayan since wala kayong kapangyarihan walang mahihigop mula sa inyo ang baston ng kamatayan." Saad ni Eunice sa kanilang dalawa.

"Kayo na bahala dumiskarte upang makuha ninyo ang baston ng kamatayan. Ako ang bahala sa dark wizards." Saad ni Eunice.

"Aqua, Fuego at Tierra. Kayona bahala mag-isip kung paano ninyo mailigtas ang mga reyna at hari. Bilisan ninyo habang wala pa si Velgamor. Swerte tayo dahil hindi niya dala ang baston ng kamatayan. Bantayan ninyo ang isa't isa." Paliwanag sa amin ni Eunice. Tinignan ko naman ang palibot lahay ay dark wizards lang. Nandito kami ngayon nakatago sa gilid ng daanan.

"Chaser at Raven, tulungan niyo ako labanan ang iba pang dark wizards ngunit sa akin si Edward, kilala niyo naman siya di ba?" Tanong ni Eunice. Tumango naman sila dalawa bilang sagot.

"Mag-iingat kayo. Sige mauuna na kami." Sabi naman nila Reed at Zephyr.

"Hoy teka!" Sabi sa kanila ni Fuego at hinila si Zephyr at Reed pabalik.

"Eto gamitin ninyo. Alagaan niyo sarili ninyo." Saad ni Fuego, binigay naman ni Aqua at Fuego ang kanilang elemental sword sa kanila.

"Gamitin niyo iyan upang iligtas niyo ang sarili ninyo laban sa kalaban." Saad ni Aqua. Walang alinlangan naman nila iyon kinuha at umalis na sila. Nasa harapan ang baston ng kamatayan kaya maagaw nila ang pansin ng mga dark wizard kaya naman sumunod na sina Chaser at Reed kay Eunice.

Nang may nakakita sa kanila,

"Nandito na ang mga prinsesa. Ikalat ang balita." Sigaw ng isang wizard ng nakita nila sina Eunice kaya naman

"Bilisan na natin bago pa dumating sina Velgamor." Saad ni Aqua at dali daling lumapit sa selda ng mga Hari at Reyna. Sumunod naman ako sa kanila sa likod upang siguraduhing maging ligtas sila.

"Paano natin masisira ang nilagay nila dito?" Tanong ni Fuego. Hindi ko muna pinansin kung ano ang pinag-usapan nila ni Aqua sa halip ay inilibot ko ang paningin ko sa kabuohan ng kaharian.

Sira, wasak, mga katawang nagkalat, mga dugo, may mga buhay ngunit may mga duguan pa din. Ang masasabi ko lang nagiging mahina na ang pwersa namin. Ang mga wizards na kasama namin kanina ay dahan dahan ng naubos. Sana naman may himalang mangyari, dahil sa totoo lang ayaw ko man aminin mas malakas ang panig nila Velgamor.

Kita ko ang pakikipaglaban nila Raven at Chaser gamit ang kanilang mga kapangyarihan, hindi ginagamit ni Raven ang sandata ni Aire. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya ngayon. Si Eunice naman ay pinapatamaan niya ang kanyang kalaban na lalaki, tila nag-uusap silang dalawa ngunit hindi ko iyon magawang pakinggan dahil sa ingay na naririnig ko. Tunog ng espada at mga pagsabog.

Nabigla kami ng biglang may sumabog sa bandang harapan at tumilapon si Zephyr palayo kay Reed. Eto na, hindi ko inaasahan nandito na siya, ang taong ikinasusuklaman ko habang buhay. Ang taong lapastanggang pumatay sa ama ni Aire at ang dahilan kung bakit kami ngayon nakaranas ng ganito, si Velgamor na kung umakto sa sarili tila siya ang pinakamalas sa lahat.

Elemental Princess [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon