CHAPTER 43

3.6K 162 3
                                    

CHAPTER 43

AIRE POV

Hila-hila ako ni Raven sa kamay ko, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya at nagawang akong hilahin kanina sa cafeteria kita niya naman na kausap ko ang kababata ko. Ang bastos talaga kahit kailan. Napatigil kami sa isang room, sa kanilang leisure room. Pinasok niya ako at nilock ang pinto.

"Ano ba Raven?" Tanong ko. Mukang galit siya na ewan kung makatingin sa akin.

"Ay ewan ko sa'yo." Sabi ko at akmang dadaan na ako sa harapan niya ng bigla niya akong harangan. Dumaan naman ako sa gilid hinarangan niya naman ako, ano to? Naglalaro lang kami?

"Isa. Padaan." Sabi ko at tinignan siya ng masama. Wala pa din siyang imik. Ano ba trip nito?

"Pwede ba?" Sabi ko muli. Nagkibit balikat lang siya at bored akong tinignan.

"Dalawa. Kung ayaw mong malagutan ng hininga padaanan mo ako." Sabi ko. Baka papakawalan niya na ako kapag sinabi ko yun.

"Go, as if kaya mo." Sabi niya at ngumisi sa akin ng makahulugan. Aba, kompyansa tong presidenteng to.

"Huwag kang umalis." Sabi niya at umalis sa daanan ko at pumunta sa likod ko.

"Ano ba problema mo Raven?" Sabi ko. Oo aaminin kong maganda na ang trato niya sa amin especially sa akin, di ko alam kung bakit. Sa katunayan parang nakasanayan ko nang close kami. Simula nung humingi siya ng sorry sa akin.

"Wala." Wala daw. Ang tino ng sagot niya di ba? Tssskk...

"Okay bahala ka." Sabi ko at nagsimulang lumakad, akmang bubuksan ko na ang pinto ng bigla niya itong isinarado kaya nagulat ako dahil nakagawa kami ng tunog dahil sa pagbagsak ng pinto. Dahan dahan ko siyang tinignan at

*lubdub*lubdub*

"Di ba sabi ko huwag kang umalis." Sabi niya ng seryoso.

"O-okay?" Sabi ko. Paano ba naman kasi, yung kamay niya nasa wall at nilock ako tapos ang sobrang lapit niya, trip niya bang magpalitan kami ng mukha?

"Huwag mo akong iwan, tulad ng ginawa niya." Sabi niya. Ano daw? Oo alam kong may ex ito si Raven pero hindi ko kilala kung sino.

"Ano bang pinag---" Di ko natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong hinalikan sa labi. Hindi ako makagalaw. Yung puso ko, ang bilis ng tibok tila naghahabulan.

Ang lambot ng labi niya, dahan-dahan niyang ginalaw ang labi niya kasabay ng paggalaw ng mga kamay niya sa aking likod papunta sa aking bewang. Bakit parang nalulunod na ako sa halik niya. Ano to? Bakit hinahayaan ko lang siya? Sabi ng isip ko mali itong ginagawa namin, pero yung puso ko naman---ayst ewan.

Bahala na nga. Hinalikan niya lang ako ng dahan-dahan tila nilalamlam ang labi ko. Tumigil naman siya at ipinagtapat niya ang noo namin sabay titig sa akin habang nanatili ang mga kamay niya sa bewang ko.

"Sorry." Sabi niya. Bakit siya nagsosorry?

"Sorry." Sabi niya at lumayo sa akin. Ako naman ay walang imik, di ko alam kung paano.

"Sige maaari ka ng umalis." Sabi niya at humiga sa couch. Tumango naman ako at umalis na.

Aire? Ano ka ba naman. Bakit hinyaan mo lang na halikan ka ni Raven? Ghad...ewan ko sa sarili ko. Gusto ko na ba siya? Kung kaya't hinayaan ko siyang halikan ako?

RAVEN POV

Di ko sinadyang halikan siya. Trip ko lang siyang dalhin dito, nainis kasiako ng makita ko siyang kausap ang lalaking iyon. Kaya hinila ko siya, akala ko nga papalag si Aire ngunit hinayaan niya lang ako.

Buti na lang at wala na sila dito sa lesure room. Bakit ko ba siya hinalikan? Ang lambot ng labi niya at----Ano ba naman tong pinagsasabi ko. Nababaliw na ba ako?

Hindi, iisang babae lang ang mamahalin ko. Siya lang. Walang makakapalit sa kanya sa puso ko.

Matagal na panahon na din, simulang nagkalayo kami. Bigla na lang siyang umalis papuntang ibang lugar, umalis siya ng walang pasabi. Galit ako sa kanya, pero mahal ko pa din siya.

Bumukas naman ang pinto balik at pumasok si Aire na pikon na pikon. Kaya napabangon ako bigla. Anyare dito?

"Dito na muna ako." Sabi niya at dinaanan ako. Anong problema nito?Mapagtripan nga.

"Aire, anyare sayo?" Tanong ko ngunit di man lang ako sinagot.

"Tsss...ewan ko sa inyong lahat." Sabi niya ako naman ay nanatiling nakaupo sa couch at tinignan siya kung ano gagawin niya. Binuksan niya ang kwarto ko at pabagsak humiga sa kama ko.

"Aba, hoy kwarto ko yan. Doon ka sa kwarto ni Chaser." Sabi ko. Hindi niya ako pinansin.

"Shudup, magnanakaw ka ng halik." Sabi niya at tinakpan niya ang mukha niya ng unan ko.

"Gusto mo din naman." Sabi ko at pinuntahan siya. Ano problema nito?

"Di ko ginusto yun." Sabi niya. Tila nainis ako sa sinabi niya. Binuksan ko ang ilaw, at inayos ang higaan ko, di ko to naayos.

"Alis diyan, matutulog ako." Sabi ko. Si niya ako pinansin sa halip ay

"Lumabas ka. Gawin mo trabaho mo bilang presidente ng paaralang ito." Sabi niya.

"Kailangan ko din magpahinga. Alis." Sabi ko. Tumayo naman siya at tinignan ako, magulo ang buhok niya. Ang ganda niya pa din tignan kahit wala siyang pake sa itsura niya.

Umiwas naman ako ng tingin, feeling ko any moment mapapatay ako nito. Naglakad naman siya at pumwesto sa gilid ng kama at humiga.

"Dito ako, diya ka. Huwag ka mag-alala di ako malikot matulog." Sabi niya. Matulog? Ano?

"Magpatulog ka, kasalanan mo kung bakit di ko makita ang mga kaibigan ko. Saan lupalopba sila ng mundo dinala ng mga kaibigan mo?" Sabi niya. Humiga naman ako at tumalikod sa kanya.

"Ewan." Sabi ko. Hindi na siya nagsalita pa. Gumalaw siya. Ilang minuto ang lumipas gumilid ako para matignan siya. Natutulog na siya? Tinitgan ko siya...ang ganda niya pa din. Tama nga ako na hindi sila nerd. May mga tinatago nga sila at hindi nga ako nagkamali. Worse is, isa silang mga prinsesa at may mga mission silang dapat matapos, I wonder ano kaya ang buhay nilang apat sa mundo nila? Mataas ba ang tingin sa kanila?

Elemental Princess [COMPLETED] Where stories live. Discover now