CHAPTER 31

4K 186 0
                                    

CHAPTER 31

SOMEONE POV

"Kanina hindi niyo nagawang tuluyan ang isa sa mga princessa. Sabihin niyo nga tama nga bang pinadala ko kayo diyan sa mundo ng mga tao ha?!" Sigaw ni Haring Velgamor sa amin.

"Hindi po kayo nagkakamali. Hayaan ninyo kami, mag-isip at magplano. Humahanap pa kami ng magandang tyempo haring Velgamor." Saad nang kasama ko.

"Umayos kayo. Kung hindi ako na ang pupunta diyan." Sabi ng hari at biglang nawala sa linya.

"Ano? Paano na ito? Mapapahamak tayo ng wala sa oras." Saad ko. Dapat sa loob ng madaling panahon ay maunahan na namin ang mga Princessa.

"Papatayin lang natin sila." Sabi ng isa sa kasamahan ko at ngumisi. Matagal na panahon na din, at kapag magawa namin ang mission namin ay wala na kaming utang kay Velgamor. Kukunin lang namin ang loob nila at tiyak hindi na kami mahihirapan.

AIRE POV

Urgghh! Sakit ng ulo ko, napabangon ako bigla ng nandito na naman ako sa kwartong ito? Hindi ba nasa labas ako kanina at----

"Gising ka na pala." Sabi ni Raven na nasa gilid ng kama habang naka upo sa upuan at may hawak na libro.

"Bakit ako nandito?" Tanong ko at tinignan siya. Tumayo naman siya at nilapitan ako.

" Nahimatay ka kanina, pagkatapos mong pigilan ang mga apoy." Sabi niya. Ano? Paano niya nalaman akala ko ba na hyponitize sila?

"Huwag ka mag-alala kami lang ang nakakaalam. Now care to explain?" Sabi niya at humarap sa akin habang nakaupo na sa kama.

"Wala akong dapat iexplain sayo." Sabi ko at umiwas ng tingin. Napatawa naman siya ng mahina.

"Mabuti pa at lumabas ka na muna. May nagaabang sa'yo." Sabi niya. Tinignan ko siya na tila naguguluhan kung ano ang sinabi niya.

"Basta Aire." Saad niya at ngumiti. Ngumiti? Tumawa? Ano nakain nito? Bakit ramdam ko parang nagbago ang trato sa akin ni Raven.

Tumayo na ako at inayos ang sarili ko, patingin tingin kung okay ba ang itsura ko.

"Maganda ka na." Sabi niya at hinila ako palabas. Paglabas ko nandito silang lahat. I mean nandito din sina Aqua, Fuego at Tierra. Nang nakita nila kami ni Raven napatayo naman si Chaser parang di ko maipinta ang mukha niya.

"Aire. Gising ka na." Sabi ni Aqua at hinawakan ako sa braso.

"Pahiram muna kay Aire, Raven ha?" Saad niya at ngumiti ng nakakaloko sa akin. Okay? Anong nangyari?

Hinila niya ako at pinaupo sa sofa. Saby sabay naman silang tumayo lahat, naguguluhan man ako pero nanatiling tikom ang akin bibig. Kaharap ko si Chaser at seryoso akong tinititigan.

"Lalabas muna kami Aire. Titingin sa laro." Sabi ni Tierra at tumango naman sila. Tinignan ko si Zephyr at ngumiti lang sa akin. Nakita ang kwintas na suot niya, ibig sabihin nito si Zephyr ang armor ni Feugo?

Dumaan naman sa likod ni Chaser si Raven at tinapik ang balikat. Okay? Anong meron? Lahat sila lumabas at kami lang ni Chaser ang naiwan dito sa loob. Kinakabahan ako na ewan, dahil yung tingin niya parang may kahawig.

"Aire." Panimula ni Chaser. Napatingin naman ako sa kanya dahil tila may gusto siyang sasabihin sa akin.

"May sasabihin ka ba?" Takang tanong ko. Naiinip ako, ayaw ko masayang ang oras ko sa wala. Ngunit nanatili lang siyang nakatitig sa akin. Ano bang meron?

"Tsskk...sige mauuna na ako." Saad ko at tumayo na mula sa kinauupuan ko. May sasabihin tapos hindi masabi? Ano yun? Tumayo din siya at parang hindi siya mapakali kung ano ang gagawin niya. Nagsimula na akong maglakad palapit sa  pinto ng bigla niya akong hinila at niyakap.

Nagulat ako sa ginawa niya, hindi ako makagalaw. Ramdam ko sa bawat yakap niya tila sabik na sabik siyang yakapin ako.

"Chaser pwede ba bitawan mo ak---" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng may sinabi siya na ikatigil ko.

"B-baby Ai." Saad niya. Tila biglang huminto ang mundo ko. Iisang tao lang ang tumatawag sa akin na ganyan. Pinipilit kong kumalas sa yakap niya ngunit hindi niya ako pinakawalan.

"Ako to si Acer." Saad niya. Acer? Dahil sa inis a galit ko napapwersa akong kumalas sa yakap niya at tinignan siya ng masama.

"Hindi ikaw si A-acer. Tigilan mo ko Chaser." Saad ko. Kita kong nasaktan siya sa sinabi ko, maskin ako parang may bumabagabag sa akin kung bakit ko iyon nasabi. Akmang aalis na ako ng hinawakan niya ang braso ko, kaya napatingin ako sa kanya at tinignan siya ng walang emosyon. Ang lakas ng loob niyang sambitin ang pangalan ng kuya ko.

"Pwede ba? Tumigil ka n---" Napahinto ako sa sasabihin ko ng tinaas niya ang damit niya banda sa rib bone at bigla na lamang tumulo ang luha ko. Siya? Siya si Kuya? Paano?

"A-acer. K-kuya." Saad ko at tinignan siya habang naghahabulan tumulo ang mga luha ko. Tumango naman siya at bigla ko siyang niyakap. Kung alam niya lang kung ano nangyari sa akin simula ng nawala siya.

"Baby Ai. Ako nga ito si Acer." Saad niya na mas hinigpitan niya ang pagkayakap sa akin.

"Kuya nandito ka lang pala. Dito lang pala kita makikita. Na miss kita, na miss ka namin ni Ina." Saad ko at patuloy pa din sa pagiyak. Hinawakan niya naman ang mukha ko at pilit na pinapahiran ang mga luha ko gamit ang kanyang hinlalaki.

"Pasensya na. Na miss ko din kayo." Sabi niya sa akin at umiiyak na din si Kuya. Tumango lang ako at patuloy pa din sa pag-iyak.

"Ano ba yan Baby Ai akala ko ba matapang ka na? Bakit parang bata ka pa din umiyak?" Birong sabi niya kaya tumawa na lang ako sa sinabi niya. Na miss ko si Kuya. Siya ang aking protector dati nung mga bata kami, ngayon na nandito na siya at nahanap na namin siya tiyak na magiging masaya si Ina.

"Kuya naman. Tumigil ka nga." Sabi ko at kumalas sa pagkayakap ko sa kanya. Pinahiran ko ang mga luha ko, at tinignan siya kasabay ng isang matamis na ngiti. Ngayon ko lang napansin na magkakulay pala kami ng mata ni Chaser.

Madami akong katanungan kung bakit napunta siya dito sa mundo ng mga tao? Kung bakit naging Chaser siya? Alam ba ng mga kasama niya ang totoong siya Bakit tanggap pa din siya ng mga kaibigan niya? Akala ko patay na si Kuya, ngunit nakaligtas siya sa kaganapan noon. Nung inatake ni Velgamor ang wizards kung kayat namatay si Ama, nawala si Kuya Acer sa oras na iyon dahil magkasama sila ni Ama. Buong akala namin ay wala na si Kuya dahil hindi na siya natagpuan pa yun pala ay nandito siya sa mundong ito.

Elemental Princess [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon