CHAPTER 35

3.9K 185 5
                                    

CHAPTER 35

CHASER A.K.A ACER POV

Nakaupo lang kaming lahat ngayon tila hinihintay kung ano ang sasabihin sa amin ni Eunice. Bumaba naman si Reed galing sa kwarto ni Aqua at umupo na rin.

"Nandito ang mga princessa dahil sa kaisa isang mission. Yun ay ang paghahanap ng mga armor nila at magpapalakas." Simula ni Eunice habang si Raven naman ay seryosong nakatitig kay Eunice.

"Princessa? Anong princessa ang tinutukoy mo?" Tanong ni Reed. Ako wala akong itatanong dahil normal naman na ganito ang mangyayari hindi ko lang alam na nag iba na pala ang libro ng prophesiya kaya any time maaaring mag iba ang prophecy, wala kaming alam dahil nanatiling blanko ang libro ng prophesiya kaya hindi namin matukoy kung ano ang susunod na hakbang ang gawin.

"Princessa ng mga elemento. Kung sa mundo natin eto ay ang lupa, langit, hangin at apoy. Eto ang rason upang mananatiling balanse ang mundo natin. Sa mundo nila..." sabay tingin kay Fuego nakalumbaba halatang bored na bored kung pakinggan si Eunice.

"Sila ay Princessa ng mga elemento. Si Fuego ay princessa ng apoy. Si Aqua naman ay sa tubig, si Tierra ay sa lupa at si Aire naman ay sa hangin. Ang mga nakita ninyo kanina ay hindi pa ang totoong sila." saad naman ni Eunice. Nahuli kong napatingin si Raven kay Aire, habang si Aire naman ay nanatiling nakatingin kay Eunice.

"Paano nila mahahanap ang armor nila? " Tanong ni Raven. Mabuti naman at nagsalita ang isang ito, halatang interesado ang isang ito.

"Malalaman nila kapag umilaw ang kwintas senyales na ang armor na tinutukoy ay ikaw na mismo, pero bago maging activate ang kwintas kailangan pa nilang dumaas sa isang mission.Tulad kanina, nung kay Aqua. Yun ang mission niya." Napatango naman si Zephyr at hinawakan ang braso ni Feugo at inalis sa table, nang tignan siya ni Fuego umiling naman si Zephyr na huwag gawin iyon sa harap ng tao. Napangiti na lang ako. Sila ba?

"Dalawa na lang ang natitirang sa kanila si Aire at Tierra. Hindi namin matukoy kung ano klaseng mission ang meron sila." Sabi ni Eunice.

"Tama na itong usapan natin malalaman niyo lang naman sa kalaunan ng pagsasama ninyo sa kanila." Saad ni Eunice parang may iniiwasan siyang sabihin.

"Ano ang maitutulong ng isang armor sa princessa?" Tanong ni Zephyr at hawa pa din ang kamay ni Fuego. Si Fuego naman ay nakayuko, nahuli kong tumawa ng mahina si Tierra. Napatingin naman ako sa kanya, si Tierra? Alam niyo bang...wala wala soon malalaman ninyo.

"Madagdagan ang lakas ng mga princessa at doble iyon sa dati nilang lakas. Sa oras na malaman nila kung sink ang armor nila dapat proprotektahan nila ito. Kung masaktan o magkasakit armor nila mararamdaman iyon ng mga princessa kaya mas mabuting updated ang isa't isa sa nangyayari. Tulad sa inyo Fuego at Zephyr." Tumango naman si Reed at ngumiti ng makahulugan. Aba may pinaplano itong isang to ha?

"Maari ba namin makita ang kanilang kakayahan?" Saad ni Raven at tumingin kay Aire. Tumango naman si Eunice. Since malaki ang table kung nasaan kami ngayon hindi kami mahihirapan. Tinatanong niyo ba kung ako din ba may kapangyarihan? Malamang magkapatid kami ni Aire hangin ang akin pero limitado lamang iyon hindi tulad kay Aire na may natutunan siyang mga bagong bagay gamit ang kanyang kapangyarihan.

"Mauna ka Tierra." Saad ni Eunice. May halaman sa gitna ng table at isa itong rose na kulay pula. Tumayo si Tierra sa kanyang inupuan at hinawakan ang rosas ng bigla itong nanlanta. Napalaki naman ang mata ni Reed, minsan natatawa na lang ako sa reaction ni Reed ang o.a masyado. Pero siguro dahil sa normal silang tao siguro namamangha sila sa kakayahan ng mga princessa.

"Kaya kong gawin ito, at kaya kong makipag communicate sa mga hayop since earth princess ako." Saad niya nakatingin lamang sa kanya si Zephyr at Raven. Bigla namang hinawakan ni Tierra ang rosas at binalik muli ito sa dating itsura. Maganda naman si Tierra, kaya nga....wala wala.

"Fuego ikaw na." Saad ni Eunice. Boring na inisnap ni Fuego ang kamay niya at biglang lumabas ang apoy sa kanyang kamay. Napaatras naman si Zephyr, natawa na lang si Feugo sa reaction ni Zephyr at bigla siya muli nag snap bigla naman nawala.

"Lahat ng apoy ay kontrolado ko ngunit may limitation din." Saad niya. Malakas ang apoy, malakas, kumakain ng tao kapag hindi gamitin sa tamang paraan.

Tumayo naman si Aire at walang buhay na itinaas ang kamay sa isang bagay at pinalutang ito. Hindi ko kayang gawin ang bagay na iyan si Aire lamang. Hindi na sila nagsalita ng biglang nagsalita si Aire

"Kaya kong pigilan ang hininga ng isang tao." Sabi niya at tinignan si Raven at ngumisi

"Since hindi ako umaabuso sa kapangyarihan ko hinahayaan ko lang ang mga taong umaapi sa amin." Saad niya. Napalunok naman si Raven. Hahaha nakakatawa ang itsura ni Raven mukhang siya ang pinapakinggan ni Aire.

"Ikaw Eunice ano ang kapangyarihan mo?" Tanong ni Reed.

"Isa akong wizard. Magic and spells. Kaya ko iyon. Pero hindi ako mangkukulam. Si Euria na kambal ko katulad ko din siya, sa paaralan ninyo may mga estudyante din wizards kaya huwag kayo basta basta umapi ng mga estudyante dahil baka ang akala ninyong mahina na estudyante ay isa palang wizard." Sabi niya. Wizard? Napakunot ang noo ko sa narinig. May wizard pala sa paaralan namin?

"White wizards ang tawag sa amin. May mga dark wizard din sila ay ang masasama kaya as much as possible beware. Ikaw Raven since president ka, take in charge sa mga estudyante." saad ni Eunice at tumayo na. Gabi na din, kaya napagdesisiyunan na naming umuwi sa bahay.

Sa bahay nila ako nakatira ng mga kaibigan ko. Kilala nila kung sino talaga ako ngunit nanatili itong sikreto sa aming apat. Totoo silang kaibigan dahil kahit kailan hindi nila akong magawang ilaglag sa ibang tao. Lalo na ai Raven na mahirap basahin, parang si Aire lang. Pero alam kong totoong kaibigan ang turing nila sa akin, and nagpapasalamat ako kay bathala na nandito ako napadpad sa mga mabubuting tao.

Elemental Princess [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon