CHAPTER 72.3

2.5K 91 0
                                    

CHAPTER 72.3

NATASHA POV

"Anong nangyari sa kanila?" Takang tanong ko kay Jemz. Dahil bigla kinuha ng mga kasama niya ang mga kaibigan ko.

"Hindi ko alam. Upo ka muna dito." Sabi niya sa akin. Kaya umupo na lang din ako sa tabi niya.

"May itatanong ako sa 'yo." Sabi niya sa akin kaya tumingin ako sa kanya. Nakita ko namang napalunok siya kaya napatawa ako.

"Anong tinatawa tawa mo diyan?" Tanong niya sa akin. Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya at pinigilan ang pagtawa ko.

"Wala naman. Ano ba ang itatanong mo sa akin?" Tanong ko sa kanya at tumingin ako sa kalangitan. Hindi ko akalain na magiging magkaibigan kami ng lalaking ito. Nakakapeste din kasi paminsan minsan pero nagawa niyang kunin ang attention ko.

"Ah... oo nga pala. Mahal mo pa ba si Chaser?" Tanong niya sa akin. Napatingin naman ako sa kanya dahil sa tanong niya. Chaser? Tuwinh naaalala ko ang mga ginawa naming kalokohan ng mga kaibigan ko noon ay matatawa na lang ako, wala lang nakikisabay lang ako sa kanila until such time nagustuhan ko ang ugali ni Chaser.

"Nash? Hello? Tinatanong kita." Sabi ni Jemz sabay kuha ng attention ko.

"A-ah hindi ko pa alam." Sabi ko na lang at umiwas muli ng tingin. Ang lapit ng mukha niya sa akin, tssk. Minsan naiinin ako sa kanya dahil sa kakulitan niya ngunit nakakamiss din kapag hindi niya ako pinapansin o iniiwasan niya ako.

"Ah okay." Sabi niya at natahimik na lang.

"Bakit mo ba lagi tinatanong sa akin yan?" Tanong ko. Tahimik lang siya tila ba hindi niya ako naririnig.

"Wui." Sabi ko at niyugyog siya. Eto na naman po siya, ganyan siya lagi tuwing sinasagot ko ang tanong niya tungkol lay Chaser ay nagiging ganito siya.

"Wala." Sabi niya at inalis ang kamay ko sa braso niya. Napikon ako sa ginawa niya, ano ba ang kasalanan ko? Tumayo naman siya at nilagay sa bulsa ang kamay niya at nagsimulang lumakad.

"Hoy iwan mo ako dito?" Sabi ko ng nakailang hakbang pa lang siya.

Lumingon naman siya sa akin at galit ako kung tignan. Tila ba may nagawa akong kasalanan sa kanya. Kaya naman napalunok na lamang ako.

"Bakit ba?" Seryosong tanong niya sa akin. Umiling na lamang ako tila umatras ang dila ko. Eto ang unang beses na nakita ko siyang ganito.

"W-wala. S-sige umalis ka n-na." Sabi ko at umiwas na lang mg tingin. Lumakad naman siya papunta sa akin at misml sa harapan ko siya tumigil. Ano na naman bang trip nitong lalaking ito?

"Jemz ano na naman ba---" Hindi ko natapos ang sabihin ko ng paglingon ko ay kaharap ko na siya at napakalapit ng kanyang mukha sa akin,

"Bakit mahal mo pa ba siya?" Tanong niya sa akin. Tinignan ko ang kanyang mata at parang nasasaktan ito. Ewan hindi ko alam.

"Jem---"

"Pwede ako na lang mahalin mo? Huwag na siya. Nandito naman ako. Hindi mo ba ramdam?" Sabi niya sa akin. Tinignan ko lang siya na tila naguguluhan.Siya na lang? Akala ko ba si Claire ang gusto niya? Akala ko ba kaibigan ko ang gusto niya.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"Ako na lang ibigin mo. Ako na si Jemz. Ako na lang. Maaari ba?" Sabi niya. Siguro kung nagbibiro ito ay kanina pa ako tumatawa pero hindi seryoso siya. Hindi siya nagbibiro.

"Akala ko ba si Claire ang gusto mo?" Sabi ko. Akala ko talaga, kaya naman hindi ko siya pinapansin kapag bumabanat siya sa akin kasi alam ko si Claire gusto niya.

"Hindi ko siya gusto. Kaibigan ko lang siya. Ikaw ang gusto ko, sadyang manhid ka lang. Dinadaan mo sa tawa ang lahat ng mga ginagawa ko sa 'yo." Sabi niya at lumayo ng kunti sa akin kasabay ng kanyang pagtayo. Tumayo naman ako upang maging kalevel ko siya.

"Kasi naman akala ko si Claire ang gusto mo." Sabi ko ulit. Tinignan niya ako at hinawakan niya ang dalawang braso ko at pinaupo ako sa bench. Umupo naman ako at muli siyang umupo sa harapan ko upang maging magkalevel kami.

"Maraming nagkakamali sa maling akala Nash." Sabi niya at ngumisi sa akin. Eto na naman ang ngiti niya, kainis mas nagiging gwapo siya kapag ganyan siya.

"Ay! Ewan ko---" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla niyang nilapat ang labi niya sa labi ko. Napatigil ako, ano to?

Gumalaw ang kamay niya papunta sa ulo ko at hinalikan ako. Ghad... bakit parang may lumilipad sa tiyan ko. Lumayo siya sa akin at tinignan ako ng seryoso

"Mahal kita. Alam mo ba?" Sabi niya.

Hindi pa din nag sink in sa isip ko ang ginawa niya. Hinalikan niya ako? Mahal niya ako?

"Nash, mahal kita. Hoy." Sabi niya. Akmang hahalikan niya ako muli ng nilagay ko ang daliri ko sa labi niya. Aba sumusobra na siya.

"Oo na. Oo na. Mahal mo na ako." Sabi ko at tumayo. Alam kong namumula na itong mukha ko sa ginawa niya. Grabe bakit hinayaan ko lang siya? Mabuti na lang at walang estudyate dito.

Akmang lalakad na ako ng niyakap niya ako sa likod ko. Bakit ba kinikilig ako? Kanina pa ito ha? Mamatay na ako nito. Oo na oo na, surrender na ako.

"Sorry. Sige." Sabi niya. Aalisin niya na sana ang kamay niya sa pagkayakap sa akin ng hinakan ko iyon at lumingon sa kanya.

"Oo na. Ikaw na." Sabi ko at niyakap siya.

"Anong ako na?" Takang tanong niya sa akin at ngumisi. Hinigpitan niya naman ang pagkayakap sa akin upang hindi ako makawala.

"Ikaw na. Hindi na si Chaser. Matagal na." Sabi ko mukha na gets niya naman ang sinabi ko. Akmang hahalikan niya ako, ay tinakapan ko labi ko at naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang labi sa aking noo.

"Yay ka! Akala niya hahalikan ko siya?" Sabi niya at tumawa sa akin kaya naman kinurot ko siya.

"Ewan ko sa 'yo." Sabi ko at kumawala sa kanya.

"Hahaha... gusto mo no? Halika dito at ikikiss kita." Sabi niya. Tinulak ko naman siya at inirapan. Malalate pa ako nito.

"Baliw to." Sabi ko sa kanya at naunang lumakad.

"Pero mahal mo? Ano ka ngayon?" Sabi niya. Ghad... napatampal na lang ako sa noo. Ang feeling ng isang ito.

Elemental Princess [COMPLETED] Where stories live. Discover now