CHAPTER 21

4.2K 197 0
                                    

CHAPTER 21

AQUA POV

Nandito kami ngayon dalawa ni Fuego sa isang silid, kung saan nandito ang mga papers na ifill up at listahan kung ano ang activites na sasalihan namin. Hindi namin kasabay ang dalawa, hindi namin alam. Kumuha ng apat na papers si Fuego at ngumiti ng wagi, kaloka mukhang may pinaplano ang lola ninyo. Kanina ko pa siya napapansin.

"Wui, ano plano mo diyan sa dalawa? Dalawa lang tayo." Sabi ko kay Fuego. Madaming estudyante ang nandito, bale 10 na rooms ang ginamit para sa mga forms, madaming estudyante dito sa Warden University, mga anak mayaman.

"Basta, doon tayo." Sabi ni Fuego at pumunta kamo sa isang table at umupo kami. Kinuha ko ang isang paper upang mag fill up na, gusto kong sumali at maexperience ang mga activities nila. Hmmm ano kaya ang magandang salihan.

ACTIVITIES:

Beauty and Brain
Pageant for Mr. and Ms. Warden
Hard Drinks and Eating Contest
Running Marathon
Volleyball
Basketball
Swimming
Car Racing and Motorbikes
Amazing Race
Singing
Masquerade Ball

BOOTH:
Wedding Booth
Photo Booth
Horror Booth

(AN: Pagpasensyaha niyo na, ang games, kapagod mag-isip xD)

Grabe ang dami naman nito. Ano ba ang magandang salihan? Kanina ko pa binabasa ang bawat meachanics ng laro, okay naman pero hindi ko alam kung ano ang sasalihan ko, ayst bahala na nga.

FUEGO POV

Mwahahaha, akala ni Aire makakatakas siya? Hindi pwede. Dapat ienjoy namin ang pagtitira sa mundong ito, si Tierra din ako na ang pumili ng laro para sa kanga.

Okay na yan, tatlong laro ang sasalihan nila. Secret hindi ko sasabihin sa inyo, malalaman niyo din kung anong laro ang sasalihan ni Aire, sa Masquerade ball, required na lahat sumali.

"Tapos ka na ba Aqua?" tanong ko pagktapos ko ifill up kay Tierra at Aire. Tumango lamang si Aqua, ng tignan ko ang kanya, pwede na. Mabuti na lang parehas kami mag-isip hahaha.

"Hoy Fuego, para kang baliw." Sabi ni Aqua sa akin. Ngayon papatungo na kami sa isang babae kung saan sa kanya ibibigay ang form.

"Ipopost lang namin ang mga names niyo sa mga games na sinalihan ninyo. Thank you for participating." Sabi ng babae. Tumango lamang ako at ngumiti si Aqua. Umalis kami ng matiwasay sa silid na iyon. Mabuti na lang at hindi namin nakasalubong ang grupo nina Vanessa.

Habang naglalalad kami sinisiko ako ni Aqua kanina pa to ah. Ano ba problema nito? Parang kanina pa ito hindi mapakali. Nang tignan ko si Aqua ngumuso lang siya kaya tumingin ako kung ano ang tinutukoy niya.

*gulp*

Siya na naman?! Diretso silang naglalakad patungo sa amin kasama ang kaibigan niya. At hinila ng kaibigan niya si Aqua

"Hiramin ko muna si Aqua, Fuego ha? Take your time kasama si Zephyr" Sabi sa akin ni Reed at kinindatan pa ako. Si Aqua naman ay hindi na nakalingon pa sa akin, dahil hila hila siya ni Reed sa braso.

"Halika." Sabi sa akin ni Zephyr, at lumakad lang siya. May mga estudyanteng napapatingin sa amin. Nanatili lang akong nakatayo sa aking kinatayuan. Ano kailangan niya?

"Hoy apoy, sabi ko halika." sabi niya at humarap siya sa akin. Nakita kong nainis siya dahil hindi ko siya pinansin. Tumalikod ako at lumakad na. Fishte, ano na namang pakulo gusto niya. Habang naglalakad ako, may humila sa akin at kinaladkad ako palapas ng room.

"Aba't hoy! Bitiwan mo nga ako Zephyr!" Sabi ko sa kanya. Walang sino mang lapastangan ang maaaring gumawa nito sa akin, napakalaki niyang hanggal. Ano daw sabi ko? xD

"Sabi ko sa'yo samahan mo ako." Sabi niya sa akin at ipinasok ako sa kotse niya. Anong samahan? Pumasok din siya sa kotse sa bandang driver seat.

"Hoy kapal mo din noh? May sinabi ka bang "Fuego samahan mo nga ako" wala kang sinabi, loko to." Sabi ko sa kanya. Nakita ko siyang napatampal siya sa noo niya.

"Tssk, slow ka din eh no?" Sabi niya sa akin at nakakunot ang noo nakatingin sa akin. Tinignan ko lang siya, gwapo pala ang Zephyr na ito? maputi, makapal ang kilay, mapupulang labi, matangos na ilong at walang tigidig sa mukha. Wow, teka nga? Ano ba itong pinagsasabi ko?

Dahan dahan siyang lumapit sa akin at, ano tong ginagawa niya? nakatingin lang siya sa akin.

*Lubdub*Lubdub*

Inatras ko ang ulo ko, baka mahalikan ako nito. Pero hindi eh, naiilang ako, nakatingin siya sa akin. Konti na lang, konti na lang talaga at

*click*

Huh? Ano iyon?

"Pfft~ ahahahaha. Whooo!!! Your face, is so priceless. Akala mo hahalikan kita? ahaha no way." Sabi niya at tumawa ng malakas. Binatukan ko nga.

"Aray ko naman Apoy. Malay ko ba gusto mong halikan ka." Sabi niya sa akin habang hinihimas ang pagkabatok ko, na mas ikina pikon ko dahil sa sinabi niya.

"Ano sabi mo?!" Sabi ko sa kanya, akmang babatukan ko na siya ng nahuli niya ang kamay ko.

"Ang sabi ko magseatbelt ka." Sabi niya at nakangiti sa akin. Kanina pa to pangiti ngiti ah. Tssskk...mabuti na lang at gwapo ito kundi baka tustado na ito. Eyytt, teka wala akong sinabi.

"Napakamainitin ng ulo mo." Sabi niya at nagsimula ng magmaneho. Wala nga pala kaming klase ngayon kasi kinansel dahil sa upcoming activities.

"Pasensya ka na. Ganito ako, kung hindi mo ako tanggap na ganito ako, bahala ka na." Sabi ko at tumingin sa labas. Napatahimik na siya. Saan ba niya ako dadalhin? Mga ilang minuto na ang katahimikan, kaya pumikit na lang ako at susubukan kong matulog, subukan niya kang gumawa ng kalokohan tutustahin ko ito, kahit gwapo pa ito.

"Tanggap naman kita kung sino ka man." Sabi niya sa akin. Akala niya siguro tulog na ako. Tanggap niya kung sino ako? Tatanggapin niya pa rin ba ako kung malalaman niya kung sino talaga ako? Armor ko siya, kaya dadating ang tamang panahon na magpalakilala ako bilang totoong Fuego. Sa ngayon ienjoy ko na muna ang pagiging Fuego na kilala nila at niya. Siguro matatakot siya sa akin sa oras na makilala niya ako, sana matutunan niya ding tanggapin ang totoong ako ang totoong buhay ko bilang Prinsesa ng Apoy.

Elemental Princess [COMPLETED] Kde žijí příběhy. Začni objevovat