Unti-unti namang humarap si Aaron kay Ninang. Humigpit lalo ang hawak niya sa kanyang baril kasabay ng pag-igting ng kanyang panga. "Stop. The. Machine."

        "Watch your tone, young man. I'm still your boss." Nakangisi man, may pagbabanta sa boses ng babae.

         "STOP. THE. MACHINE." Mas lalo pang tumindi ang galit sa boses ni Aaron kasabay ng panlilisik ng mga mata nito.  

        Napasinghal si Ninang ngunit pagkuway sumeryoso ito. "Control your attitude, Aaron kung ayaw mong--"

       "Kung ayaw kong ano? Na patayin niyo ako?! Na pahirapan niyo ako ng paulit-ulit?! Naalala ko na ngayon kung bakit tiniis ko ang lahat ng kasamaan niyo! Nagsisisi ako kung bakit nagpadala ako sa lahat ng mga kabaliwan niyo!" sigaw ni Aaron pabalik.

       Agad na rumehistro ang gulat sa mukha ni Ninang. Pakiramdam niya'y nawawala na sa control niya si Aaron kaya naman nilapitan niya ito at pinakitaan ng isang malambot na ekspresyon. "Aaron, hijo... Did you drink your medicine? You seem off the edge? Hijo sana alalahanin mo  lagi kung para saan ang lahat ng ito. Kung bakit sinusuportahan natin si Dr. Muerte. Siya ang magiging daan para tayo naman ang mangibabaw sa lahat--

       Tumango-tango si Aaron at pumikit. "N-naalala ko..."

       "Good..." Napatingin si Ninang sa baril na hawak ni Aaron. Sa pagkakataong ito'y alam ni Ninang na tuluyan nang nawala sa kanyang kontrol ang binaba. "Aaron, gusto kong alalahanin mo na pinili ka ni Dr. Muerte na mamuno sa Children Milcom dahil nakitaan ka niya ng potensyal. Mula sa pagiging sundalo, ginawa ka niyang heneral sa kanyang sariling kaharian."

         Habang nagsasalita ng marahan, unti-unting inaabot ni Ninang ang baril ni Aaron. Ngunit bago pa man niya ito tuluyang makuha mula sa mga kamay ng binata, bigla itong dumilat.

         "Stop the machine," pagmamakaawa ni Aaron kasabay ng tuluyang pagpatak ng kanyang luha.

       "No." Umiling si Ninang at huminto sa pag-abot ng baril.

        Tumango-tango si Aaron at walang ano-ano'y kilabit ang gatilyo ng baril na naitutok na niya pala pataas, sa direksyon ng ulo ni Ninang.


        Umalingawngaw ang napakalakas na putok ng baril at nagtalsikan ang dugo ng babae sa kanyang mukha, ngunit hindi ito alintana ni Aaron. Bagkus, mabilis siyang lumapit sa control panel at pinatay ang boltahe ng kuryenteng nagpapahirap kay Kleya. Nakahanap si Aaron ng isang "open" button kaya mabilis din niya itong pinindot.

        Parang nakahinga si Aaron nang maluwag nang makita si Tasha na inaalo ang umiiyak na si Kleya.

       Napahawak siya sa magkabilang dulo ng mesa at napadungo habang mabibigat ang bawat paghinga. Nang muli siyang mag-angat ng tingin ay laking gulat niya nang bigla na lamang sumara ang pinto ng glass cage dahilan para makulong si Tasha sa loob kasama ni Kleya.

       "Shit." Napasinghap si Aaron at paulit-ulit niyang pinindot ang "open" button para mapakawalan ang kambal ngunit kahit ilang beses niya itong pindutin ay hindi na ito gumagana. Nawalan na siya ng control sa glass cage.

        "Aaron, keep yourself together. This is the time when we'll find out if Alicia is worthy to be one of us, if she's worthy of your love and protection, if she's capable to continue what  I started." Agad na napatingala si Aaron sa speaker na nasa kisame nang marinig ang boses ni Dr. Muerte.

         "Ngayon lumabas ka diyan at gamitin mo ang binatang si Miller para mapasunod ang mga anak ko sa gusto kong mangyari. At sa pagkakataong ito, 'wag ka nang papalpak kung ayaw mong isipin kong hindi ka na karapat-dapat sa posisyon mo." Dagdag pa ni Dr. Muerte kaya wala sa sariling sumunod si Aaron sa sinabi nito. 

Psycho next doorWhere stories live. Discover now