Cosima Sanctuary is a one of a kind safe house for teenage survivors, but when they realize that one of them is a psychopath, all hell breaks loose. The hunt is on for the psycho next door.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
KLEYA
I crept out of the mirror and found myself coming out from a normal looking closet. Python was a genius to put trapdoors and secret passages here, it's a good thing Muerte and his monsters haven't figured this out yet.
I took a deep breath and stood with my head held high, trying to ignore the intensity of my heartbeat and the worry of what will go down from this moment onwards. This is gonna be a forking long night.
I walked and moved like I always do, like I didn't just learned that my Mother was a nun that got abducted and raped by a psychotic midget with a sick obsession with twins, like this entire place isn't invaded by brainwashed teenagers with metal blades for teeth.
I don't want to die, I still want to hug my Mom... I suddenly thought when I saw two teenage boys guarding a room. It's the room where they are kept, as what Ledory said.
My breathing hitched when one of them suddenly looked at my direction. He was alarmed. He was about to attack me so I smirked and tried hard not to show my fear.
"Ganyan niyo ba tratuhin ang anak ni Dr. Muerte?" Para akong nakahinga nang maluwag nang hindi ako nautal. Napangisi ako lalo at mas nagkaroon ng lakas ng loob.
"Ali?" Sambit nito kaya bigla akong nanlamig.
Lumitaw ang ngiti sa mukha nilang dalawa na para bang natutuwa silang makita ako kaya naman natagpuan ko ang sarili kong tumatango. Bakit nila ako tinawag na Ali? Kilala ba nila ako?
Imbes na magtanong, pilit kong itinuon ang atensyon ko sa totoo kong pakay.
"Kakausapin ko si Paula dahil may inuutos si Dr. M-- si Papa." Gusto kong kutusan ang sarili ko dahil sa sobrang pandidiri pero wala akong magagawa, kailangan kong magpanggap.
Nagkatinginan ang dalawa. Kinabahan ako bigla. Tumingin sila pabalik sa akin at sa pagkakataong ito'y kapwa sila tumango.
"Good," sabi ko at ako na mismo ang naunang lumapit sa pinto habang sila ay nakasuno sa amin.
"Masaya kaming makita ka ulit, Alicia. Sana hindi mo na kami iwan ulit," wika ng isa sa kanila habang nakatayo sa likod ko. Bago ko pa man magawang magtanong, nabuksan ko na ang pinto at nagtama ang mga tingin namin ni Paula, ang kakambal ni Lauren.
****
"THAT WAS FUN!"
That was not fun, but I have to admit, Nina deserved that from me after all she's the reason why we're trapped here again.
Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak padin ang kutsilyong may bahid ng dugo ni Nina, pero hindi ko maintindihan bakit ito nanginginig; adrenaline? galit? desperasyon? ewan. Basta ang alam ko, paraan ko 'to upang makuha ang kahit katiting na tiwala ni Paula. Pero mukhang dahil sa ginawa ko, nawala na ang tiwala nilang lahat sa akin.
They all looked at me with shock and anger. Tasha looked at me like i'm the worst person in the world, well mukhang ganito naman talaga ang tingin niya sa akin mula noon pa. Pero nang saglit na magtama ang mga tingin namin ni Miller, para akong nanghina nang makita ang panlulumo sa kanyang mga mata.
All of them looked at me furiously, except for Miller. He doesn't seem mad at me but there's something else in his expression... pain.
"Do you really think your stupid act will convince me, Ali?"
Parang napanting ang tenga ko nang marinig kong magsalita muli si Paula. Tumingin na lamang ako ulit sa kanya at ngumisi. "Nope, just wanted to get close to you so I could do this!" At sa pagkakataong iyon ay mabilis kong sinaksak sa sikmura niya ang kutsilyong ginamit ko rin kay Nina. "Hurts so bad huh?!" Sarcastic kong sigaw sabay hugot sa kutsilyo at kasunod nito ang pagsirit ng dugo niya. Wala sa sarili kong nabitawan ang kutsilyo.
Mabilis na napahawak si Paula sa sikmura niyang nagdurugo. Namula agad ang kanyang mukha at paulit-ulit siyang napasinghap habang nanlalaki ang mga mata.
"'Hindi! Wag niyo siyang sasaktan!"
Narinig kong may sumigaw kaya napalingon agad ako sa dalawang binata na naghatid sa akin dito sa silid. Akala ko aatakihin nila ako pero nakatingin sila sa mga upuan kung saan nakatali sina Shawn. Kanino ba sila nakatingin?
Sinamantala ko na lamang ang pagkakataon at mabilis kong kinuha ang baril na itinago ko sa gilid ng pantalon ko at mabilis iyong itinaas. Dahil sa adrenaline, namalayan ko na lamang na nakahandusay na ang dalawang binata sa harapan ko matapos ko silang barilin sa kanilang mga ulo.
Napatingin ako sa mga kamay kong nanginginig habang hawak ang baril. Para akong nabingi dahil sa putok ng baril, para akong naligaw sa sarili kong pag-iisip. Naging napakalabo nang isipan ko hanggang sa maulinigan ko ang mga boses nila.
"Kleya! Kleya!"
Their screams pulled me out of my daze. Napasinghap ako na para bang nakaahon ako mula sa pagkalunod sa sarili kong isipan. Napatingin ako sa kanila.
"Remote! Remote!" Sigawan nilang lahat habang nakatingin kay Paula kaya mabilis kong hinugot ang remote mula sa kanyang bulsa. Hindi ko alam kung paano ito inoperate pero nakita ko ang katagang open kaya pinindot ko na lamang ito at sa isang iglap ay narinig ko ang sunod-sunod na pagkalas ng mga posas.
Nakita kong nakatingin parin sa akin si Miller na para bang naguguluhan kaya napabuntong-hininga ako.
"Before you accuse me of anything! Nina was a traitor!" Paliwanag ko agad bago pa man nila ako akusahan ng kung ano-ano. "Now we have to go! Hurry up!"
Sa kanilang lahat, si Shawn ang unang nakatayo. Akala ko aalalayan niya ang iba sa pagtayo pero naguluhan ako nang nagtatakbo siyang lumapit sa hinang-hinang si Paula at kinaladkad ito patungo sa glass cage.
"What the hell?" bulalas ko pero hindi kumibo si Shawn. Matapos niyang maipasok si Paula sa loob ng glass cage, inagaw niya mula sa akin ang remote. Kung ano-ano ang pinindot ni Shawn, halatang hindi niya alam anong ginagawa.
"We have to hurry up!" Paalala ko.
"No, this bitch has to pay," walang kaemo-emosyong sambit ni Shawn.