8 : The Task

76.2K 4K 843
                                    

8

The task


"So, you're saying that someone is killing you off, one by one?" kaswal at kalmadong sambit ni Python habang pinagmamasdan ang hawak na baso na may lamang alak. Sinabi namin sa kanya ni Miller ang tungkol sa silid na natuklasan namin pero parang wala lang ito sa kanya.


"Hindi ka naniniwala?" tanong ni miller na sa pagkakataong ito'y nakakuyom na ang kamao at nakatiim na ang bagang, bakas ang galit sa mukha nito. "Kung ayaw mong maniwala, pwes dadalhin ka namin mismo sa silid—"


Ngumisi si Python at umiling. "Apple killed herself after attacking you. Harold murdered Baldwin and then killed himself. Afterwards, Cara stuck her head out the window knowing it will kill her, thus committing suicide. I've noticed the uncanny events and just like you, I'm looking for a more logical reason why all of these are happening," kalmadong giit ni Python at saka siya inilapag sa mesa ang kanyang baso. "This isn't the first time a mole got inside Cosima. A few years ago, Baldwin found out that someone was sent here to spy on our activities and perhaps hurt a survivor, but Baldwin was able to discover who it was before anyone was harmed."


"But that's the problem," giit ko naman saka inilabas ang pahina ng mga classified ads na napunit ko. "We're not just dealing with a spy, we're dealing with a psycho! I don't know what's really going on but one thing's for sure, everything is not what it seems. Yes, Harold killed Baldwin but the crime doesn't end there. Harold could've just been a puppet and someone was just pulling his strings." Padabog kong binagsak ang mga classified ads sa mesang nasa harapan mismo ni Python, di alintana ang mga aso niyang tumatahol na sa akin.


Pinulot ni Python ang mga classified ads at pinagmasdan ang mga ito.


'The vulture strikes the Kangaroo, the bowling pin, snitch of amspec, and the bald guy—Assuming na kung assuming pero sa tingin ko si Baldwin ang tinutukoy sa huling mensahe. What if the vulture is a psychopathic assassin living here and he's communicating with someone on the outside? What if someone is giving him orders on who to kill through these messages?! There are hundreds of newspapers in that room so odds are, the vulture has been receiving orders from someone from the outside all this time," Pagbabahagi ko sa ideyang kanina pa nabuo at gumugulo sa isipan ko. All of these can't be a coincidence.


"Kangaroo..." sambit ni Miller kaya agad akong napalingon sa kanya. Namimilog ang kanyang mata na tila ba mayroong bumabagabag sa kanya. "Si Cara, biktima siya ng isang Australian prostitution syndicate. Kinidnap siya noon habang nagbabakasyon sa Australia pero kabilang siya sa mga nailigtas at ayon sa kanya, Kangaroo ang tawag sa kanila ng mga bumihag at bumugaw sa kanila."


Kinilabutan ako sa narinig dahil kinukumpirma lang nito ang teyorya ko.


"And who's the bowling pin?" tanong ko.


"Si Harold," sabi naman ni Python sabay himas sa ulo ng kanyang aso. "He survived from a serial killer who kills his victims by hitting them with a bowling ball. Samantalang si Apple naman ang nag-iisang testigo sa naging pagpatay ng isang mayor sa kanyang asawa sa bayan ng Amspec."


Lalo pa akong kinilabutan nang mapagtagpi-tagpi namin ang lahat. Tama nga ako!


"Pero paano nangyari 'yon? Paano niya nagawang ma-control sina Apple at Harold para pumatay? At si Cara, bakit niya ginawa 'yon sa sarili niya?" Tanong naman ni Miller bagay na maging ako ayy nababagabag rin dito.


"We didn't find traces of any chemical or drugs in Apple's system in her autopsy and until now, Baldwin and Harold's bodies are still trapped inside the glass cage. I watched the CCTV footage of Cara's death and she seemed distraught when she stuck out her head in the window." Ipinatong ni Python ang magkabilang braso sa armrest ng upuan at ipinagbigkis ang kanyang mga daliri. "And that's what I want both of you to find out—find out what's happening and figure out who the vulture is."


"Dude! Eh kung palagyan mo nalang ng CCTV ang buong Cosima—tapos ang problema!" Giit ko. May cctv sa ground floor, edi palagyan nalang din sa taas.


"Young lady, you don't understand." Napabuntong-hininga si Python at biglang naging seryoso ang ekspresyon sa kanyang mukha. "Tinayo ko ang cosima para walang sino man ang makaramdam ng takot mula sa mga halimaw na nasa labas. Nangako ako sa inyong lahat ng isang normal na buhay habang nasa puder ko. Hindi tayo magpapadala sa kahit na anong halimaw. Mabubuhay ng normal ang mga narito at hahanapin ninyong dalawa ang gumagawa nito."


Agad kaming nagkatinginan ni Miller dahil sa gulat.


"teka anong ibig mong sabihin?" naguguluhang sambit ni miller kay python.


"Since you both believe that there's a psycho inside this sanctuary, I am giving you the task of finding that psycho, discreetly. Walang ibang makakaalam, walang ibang makakaramdam ng takot. Hahanapin ninyo sino ang traydor at oras na malaman niyo kung sino, ako mismo ang magbibigay sa kanya ng kaparusahan," maotoridad na sambit ni python dahilan para agad akong mapapadyak at mapakuyom sa kamao ko. parang napanting ang tenga ko sa sinabi niya.


"Now that's just unfair!" bulyaw ko.


Napabuntong-hininga si python at muling kinuha ang baso ng alak. "I know the task of finding the vulture is overwhelming considering we don't even—"


"No! I mean, ikaw ang magpaparusa sa kanya?! Our Baldwin was killed right in front of us and we couldn't even do anything to save him! If the vulture really is the reason why they're dead, we should be the one to punish him! Not you, not Lauren, but US!" Giit ko habang nanlilisik ang mga mata. Ngayon alam ko na anong ibig sabihin ni Sister Marge sa tuwing sinasabi niyang naha-highblood siya sa akin. Naha-highblood ako kay Python eh. Andugas.


Imbes na uminom mula sa baso, ibinalik na lamang ito ni Python sa mesang nasa kanyang harapan. Ngumisi siya sabay tingin kay Miller. "Siguraduhin mong hindi basta-bastang mambibintang at mambubugbog si Kleya.


"Dude! Stop talking about me, I'm literally standing right in front of you!" bulyaw kong muli.


"Hanapin niyo ang Vulture, dalhin niyo siya rito nang buhay, at papayagan ko kayong umalis ng Cosima dahil alam kong ito ang matagal niyo nang gusto." Sabi pa ni Python kaya muli kaming nagkatinginan ni Miller.



END OF CHAPTER 8!

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Psycho next doorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon