Chapter Theme:
Scars - Papa Roach
"Kleya's just next door. Wala ka bang balak na puntahan siya? Pinabigyan ko siya ng painkiller, tiyak ngayon ang pinaka-normal at kalmado niyang estado." Inikot-ikot ni Python ang hawak na wine glass habang pinagmamasdan ang malalim na kulay pulang inumin sa loob. Hindi iniinda ang mga sugat at benda sa kanyang katawan.
"I'll let her rest first," walang kaemo-emosyong tugon ni Sister Marge habang iniinom ang kanyang tsaa. Dahan-dahan niyang ibinaba ang tasa sa mesa at malamlam na napatitig sa kawalan. "That kid has been through enough... She almost died two days ago, Python. I almost lost her again."
Bigla na lamang bumukas ang pinto dahilan para mabilis silang mapalingon dito.
Bumungad sa kanila ang humahangos na nars. "Sir, there's been a breach of security! The children of Milcom are here again!"
"Not again." Walang kaemo-emosyong sambit ni Python. Mabilis itong bumaling sa intercom na nakapatong na nasa mesa. Pinindot niya ito buong otoridad na nagsalita sa micropono. "This is a message from Python. We are under attack. I repeat, we are under attack. Leave this hideout as fast as you can. You know the drill."
****
"This is a message from Python. We are under attack. I repeat, we are under attack. Leave this hideout as fast as you can. Protect each other."
Malabo man ang paningin at pandinig, nauulinigan ni Kleya ang boses ni Python sa paligid. Sinasabayan ang ito ng napakalakas na tunog kasabay ng paglitaw ng mga kulay pulang ilaw sa kisame. Madaling araw at nagkakagulo ang lahat.
Kinurapkurap ni Kleya ang mga mata. Namamanhid man ang kanyang katawan dahil sa painkiller na itinurok sa kanya bago matulog, pakiramdam niya ay gumagalaw siya. Pilit niyang kinampay ang mga kamay na nakalupaypay.
"Miller?" napasinghap si Kleya at nag-angat ng tingin. Nag-aagaw ang kanyang antok at kamalayan pero sigurado siyang si Miller ang nakikita niya at karga-karga siya nito sa kanyang mga bisig.
"It's okay, it's okay, just go to sleep," mahinahon man ang pananalita ni Miller, taliwas ito sa galaw ng kanyang katawan. Mabibilis ang hakbang ng binata habang karga si Kleya.
Umaalingawngaw sa buong hotel ang naglalakasang putok ng baril pati sigawan ng mga tao. Nagkakagulo na ang lahat; ang iba ay sinusubukang lumaban, ngunit ang iba naman ay sinusubukang tumakas. At ito ang ginagawa ng grupo nila. Imbes na lumaban, mas pinipili nilang umalis dahil sa labis na pagod. Dalawang araw pa lang mula nang marating nila ang kanlungang ito pero heto at nagkakagulo na naman dahil sa pagsugod ng mga kabataang dati nang bumiktima sa kanila.
BINABASA MO ANG
Psycho next door
Mystery / ThrillerCosima Sanctuary is a one of a kind safe house for teenage survivors, but when they realize that one of them is a psychopath, all hell breaks loose. The hunt is on for the psycho next door.