16
Salvo
Kleya
This feels new—to see the crowned and wretched not beating each other up. I mean Punk and the others almost beat the life out of Shawn last month but now they seem civil enough to walk on the same path without throwing shades or glare. Not like Tasha and I who keeps on exchanging deadly glances every time we make eye-contact.
"Nadiskubre ko 'to ilang buwan na ang nakakaraan pagkatapos kong makipag-kwentuhan sa isa sa mga kusinera. Dito sila raw sila dumadaan papasok sa Cosima," paliwanag ni Botyok habang bumababa kami sa isang mahaba at paikot-ikot na hagdan. Akala ko noon nakakalito ang Cosima pero mas nakakalito ito ngayon lalo't dalawa lang ang dala naming flashlight.
"Matagal na namin 'tong binabalak. Naghahanap lang kami ng tyempo," sabi pa ni Punk.
Hindi nagtagal, nakarating kami sa isang maliit na silid at nagulat kaming lahat nang madanatnan ang tatlong sasakyan—isang limousine at dalawang kulay pulang van. I guess this place is like Cosima's secret underground parking room?
"Tara na, habang hindi pa bumabalik ang kuryente," giit ni Punk na para bang excited na excited na. Hinila niya ang kamay ni Eva at tumakbo patungo sa direksyon ng limousine. Punk kept on smiling like a complete idiot as eva giggled. Lovers, ughh.
"Botyok, alam mo ba kung saan didiretso ang daang 'yan?" Maotoridad na sambit ni Shawn sabay tutok ng hawak na flashlight patungo sa direksyon ng tila ba isang napakalaking butas sa kisame—come to think of it, para itong isang kweba. Wait, does this lead into an underground cave? O baka naman tunnel? This is forking ravishing.
"Sabi ng mga kusinera, may gate daw sa gitna ng tunnel na 'yan. Wala mang guwardya, mahigpit naman daw ang security lock ng gate at si Lauren lang ang nakakaalam ng code. Nagbabakasakali kami ni Punk na dahil walang kuryente, hindi gagana ang lock," paliwanag pa ni Botyok kaya napabuntong-hininga na lamang ako. So may chansa parin palang hindi kami makakalabas sa lugar nato, bullspit.
"Do you even know where that tunnel leads to?" tanong ni Tasha na naka-cross ang mga braso. Hindi ko man masyadong naaninag ang mukha niya, sigurado akong nakataas na naman ang kilay niya.
"That's the fun part, we don't know," pagmamalaki ni Punk. Adik na mga crowned 'to.
BINABASA MO ANG
Psycho next door
Mystery / ThrillerCosima Sanctuary is a one of a kind safe house for teenage survivors, but when they realize that one of them is a psychopath, all hell breaks loose. The hunt is on for the psycho next door.