37 : Facade

60K 3.1K 1.1K
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


      Sa pagpasok pa lamang ni Wolfgang sa loob ng auditorium ay napansin na niya agad ang malaking kaibahan sa bilang ng mga kasama. Bago sila nilusob ng mga kalaban halos isang buwan na ang nakakaraan ay napakarami nila ngunit ngayon ay tila ba humigit kumulang tatlumpo na lamang silang naririto ngayon.

      "Si Tasha?" tanong ni Wolfgang nang makasalubong si Cloud.

      "Uy pahingi !" Bumungisngis si Cloud nang makitang may dala-dalang dalawang pakete ng chocolate drink si Wolfgang.

      "Kumuha ka ng sa'yo," asik ni Wolfgang sabay angat ng mga dala, di hamak na mas matangkad siya kay Cloud kaya naman walang nagawa ang huli kundi bumusangot.

      "Si Tasha?" ulit ni Wolfgang sa tanong.

      "Andun, nakikipag-kwentuhan kay Nina at Nikel." ngunguto-ngutong sagot ni Cloud.

       "Is that guy making a move on Tasha?" biglang bulalas ni Wolgang dahilan para agad ngumisi si Cloud.

       "Si Nikel? Bakit? Selos ka?" bumungisngis pa si Cloud na animo'y inaasar ito.

       "Binabantayan lang ang sakin," tahasang sagot ni Wolfgang kaya bahagyang namilog ang mga mata ni Cloud.

       "Loko ka ah! Hoy dadaan ka muna sakin bago maging kayo! Utol ko na yang si Tasha!" Umaktong maangas si Cloud, taas-noo habang pilit na inaangat ang dibdib para magmukhang siga.

        Ngumisi si Wolfgang at binangga ang kanyang siko. "Padaan," wika nito at dumaan sa gilid ni Cloud.

        "Wala kang blessing ko!" asik ni Cloud habang nakabusangot. 

        Ngumisi lamang si Wolfgang at umiling-iling, magpapatuloy na sana siya sa paghakbang nang muling magsalita si Cloud.

       "Seryoso ako Wolfgang. Sa dami ng pinagdaanan ni Tasha, kailangan niya ng totoong magmamahal at mag-aalaga sa kanya, hindi yung biro-biro o trip-trip lang. She's had enough heartaches so you better not hurt her."

        Napalingon si Wolfgang at nakita niya ang kakaibang ekspresyon sa mukha ni Cloud. Seryoso ito.

        "Or else?" may panghahamon sa pananalita ni Wolfgang.

        Ngumisi si Cloud, isang ngising may kaakibat na panganib. "I will kill you."

       "Sa tingin mo natatakot ako sa'yo?" natatawang sambit ni Wolfgang pero pagkuwa'y natatawa itong umiling-iling. "You got nothing to worry about, Cloud. Tasha is the only thing that matters to me now."

       "Whatever, you still don't have my blessing. I'm still keeping my eye on you," pagbabanta muli ni Cloud at nauna pa ito sa paglalakad patungo kay Tasha. 

Psycho next doorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon