Chapter theme abooove! hihi
3
The Director
Kleya
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at agad kong napansin ang amoy ng tobacco. Nag-aalangan man, pumasok parin ako sa madilim na silid at dahan-dahang sinara ang pinto. Kasabay ng tunog ng pagsara ng pinto, bigla na lamang sunod-sunod na sumindi ang kulay asul na ilaw sa kisame. Napakalamig ng paligid, mabuti nalang at suot ko pa ang pula kong jacket.
"Sit down young lady, I've been expecting you," narinig ko ang isang malalim at bruskong boses pero hindi ko makita kung saan ito nanggagaling. Mahirap aminin pero sige na, aaminin ko na, kinikilabutan ako.
Nakita ko ang isang maliit na sofa na kulay itim kaya naupo na lamang ako rito at napabuntong-hininga. May mga maliliit mang ilaw sa kisame, hindi parin ito sapat para makita ko ang kabuuan ng silid. Namamayani parin ang kadiliman lalo na sa dulo ng silid.
"I'm gonna be straight with you—I don't want to be here. Sister Margie wants me to be here, but I don't. Thank you for your interest to protect me, but you have to know that I don't need protection. I can take care of myself, I can protect myself, I am not weak." pagdidiin ko para naman matapos na ang lahat ng ito.
"But are you strong enough to protect everyone you love?" tanong pabalik ng boses na naririnig ko.
Natawa ako. "Plot twist, I don't love anyone. I'm an orphan, everything and everyone is temporary in my life so why bother loving anyone?"
"Do you want a drink young lady?" tanong nito ulit at laking gulat ko nang biglang bumukas ang isang maliit na ilaw sa tabi ko at nakita kong may isa palang mesa at nakapatong rito ang isang baso ng red wine.
"Nope, I don't accept drinks from strangers—especially from those I can't see and those who claims to protect survivors," pasaring ko habang may ngisi sa mukha ko.
Narinig ko ang isang pitik at bigla na lamang umandar ang marami pang ilaw na kulay asul dahilan para makita ko ang isang maliit na lalakeng nasa dulo ng silid, nakaupo siya sa isang malaki at magarang upuan na tila ba isang trono ng hari. Nakapatong ang kanyang upuan sa isang bilugang platform at gumagapang rito ang napakalaking ahas! At ang mas malala eh may dalawang aso sa bawat gilid ng kinauupuan niya, they look like giant pitt-bulls na di hamak na mas malaki sa kanya!
Sa sobrang gulat ay napatayo ako. Tinitigan ko nang maigi ang lalake at hindi ko na napigilang maguluhan—ba't ganun? Midget siya pero sobrang lalim ng boses niya? But wait... a midget is behind Cosima? What the hell?!
"I believe, you're body shaming me in your mind as we speak," ngumisi siya sabay taas ng wine glass na hawak niya.
Dali-dali akong umiling-iling. "No I'm not—it's just that... wait, who are you?!"
"I'm Python," aniya sabay himas sa malago niyang bigote. "I'm the director, and the brains behind the sanctuary that has been protecting people for so many years now. I understand if you're surprised, it's quite the norm for people to judge someone's capacity based on how they look."
BINABASA MO ANG
Psycho next door
Mystery / ThrillerCosima Sanctuary is a one of a kind safe house for teenage survivors, but when they realize that one of them is a psychopath, all hell breaks loose. The hunt is on for the psycho next door.