Cosima Sanctuary is a one of a kind safe house for teenage survivors, but when they realize that one of them is a psychopath, all hell breaks loose. The hunt is on for the psycho next door.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Kleya's POV
I'm a selfish person. I only care about myself. I left Alicia behind so why would I stay for the ones I don't even love. I kept repeating these words to myself over and over again as I crawled my way along the tight air vent. I've been crawling for about thirty minutes and I can already notice the small light ahead of me. This is it... my crawling will finally come to an end. I'm almost at the basement, the same basement that we used to escape this place weeks ago.
I blew a sigh of relief the moment my feet landed on the ground. There was a pang on my feet but I just ignored it, I already accepted the fact that my body isn't really athletic. I can punch and kick my way around but when it comes to running and jumping around, I suck.
I moved quickly and carefully towards the secret tunnel that we used. It was dark but I had a cellphone with me, it's one of the phones that we bought back when we were still running away and looking for python, the cellphone has a flashlight and it's what shed light in my escape.
"Fork yeah!" Napasinghap ako sa tuwa nang sa wakas ay marating ko ang dulo ng tunnel at makita ang napakaraming mga puno sa paligid. Lumingon ako at mula sa kinatatayuan ko ay tanaw ko ang mga ilaw na nagmumula sa Cosima.
"How could you leave them behind like that?"
Biglang lumitaw sa harapan ko ang imahen ni Baldwin. Nakatalikod siya mula sa akin at gaya ko ay nakatanaw din siya sa direksyon ng Cosima.
"You're not real.. My mind is just messing with me." Pinikit ko ang mata ko at agad na umiling-iling. Idinilat ko ang mga mata ko ngunit napasinghap ako nang matagpuan ko ang sarili ko sa kusina, nakaupo sa harapan ni Miller habang ginagamot niya ang sugat ko sa braso.
"Baldwin wanted you to be the leader because he saw something in you. And I can see it to. You're not as bad as you think you are. You may think that you're rotten and wretched but you're not. You have anger issues but a heart of gold," sambit ni Miller na para bang punong-puno siya ng tiwala sa akin kaya muli kong pinikit ang mga mata ko.
Nang muli kong idinilat ang mga mata ko, natagpuan ko ang sarili kong nakaupo sa sahig at hawak ang naghihingalong si Aaron. Tinanggap niya ang saksak na para sana ay sa akin kaya heto siya at nasa bingit ng kamatayan.
Ipinikit kong muli ang mga mata ko at nang muli ko itong idinilat ay nakita ko si Tasha sa harapan ko na umiiyak. Her crying eyes are full of sadness as she spoke. "A-after all that we've been through, you're still going to leave us behind?"
Nanlambot na naman ang mga paa ko at nararamdaman ko na naman ang mga luha kong gustong-gusto nang tumulo mula sa mga mata ko. Ganitong-ganito rin ang naramdaman ko nang mag-usap kami ni Tasha nang mahuli niya akong tumatakas. Hindi ako pinagsalitaan ni Tasha nang masama at hindi rin niya ako tinarayan pero para akong sinasaksak habang pinapakinggan ang bawat salitang lumabas sa bibig niya.. lalo na habang nakikita ko ang sakit sa mga mata niya. Hindi ko maintindihan pero napakasakit nun para sakin.
"Tasha, sorry.." bulong ko na lamang sa hangin at muling pumikit. Nang muli kong idinilat ang mga mata ko ay natagpuan ko ang sarili kong nakadapa sa sahig at napapalibutan ng apoy. Nasa harapan ko si Tasha, nakadapa rin siya gaya ko pero ang kaibahan namin ay walang nakadagan sa kanya. Walang pumipigil sa kanya na umalis pero heto siya nananatili habang hawak ang kamay ko.
"I'm not leaving you behind" Tasha said with a smile even if we were already surrounded by flames and smoke.
I shut my eyes tight and when I opened it again, I found myself in the middle of the forest again, staring at Cosima from afar. Baldwin is still standing right in front of me but this time, he's facing me, a proud smile plastered on his face.
"P-pero si Alicia... Iniwan ko siya.." Wala sa sarili kong sambit sa imahen ni Baldwin.
"Paano ang mga kaibigan natin sa loob? Iiwan mo rin ba sila gaya ng ginawa mo kay Alicia?" tanong pabalik ni Baldwin sa akin dahilan upang tumulo ang mga luha mula sa mga mata ko.
"Manahimik ka.. hindi ka totoo Baldiwin.. Patay ka na.." umiling-iling ako. "Pinatay ka sa mismong harapan namin." Pumiyok ang boses ko't tuluyan akong napaiyak habang naalala ang sinapit niya.
"Yup, I'm not real... I'm just the manifestation of your conscience." Ngumisi si Baldwin kaya muli akong pumikit. Nababaliw na ba ako? Sumobra ba ang pag-inom ko ng painkiller?
"Hindi totoo 'yon, hija. Hindi totoo ang mga nangyari. Isang masamang panaginip lang ang lahat ng iyon." Bigla akong nakarinig ng boses ng isang lalakeng hindi ko kilala. Nanlalabo ang paningin ko dahil sa mga luha ko kaya naman kinusot ko ang mga mata ko.
"W-what?" Napasinghap ako sa kalituhan nang makitang nasa isa akong opisina at nakaupo sa harapan ko ang isang lalake at base sa suot niyang kulay puting coat, isa siyang doktor.
Ngumiti ang doktor at inabutan ako ng isang strip ng bacon mula sa plato na nasa table niya. "Ikaw si Alison hindi ba? Alison, makinig ka sa akin ha? Nakatakas ka mula sa kidnapper kaya wala kang dapat ikatakot. Nananaginip ka lang ng masama kasi nami-miss mo si Alicia. How about some bacon? Gustong-gusto niyo 'to ng anak ko diba?"
Biglang umalingawngaw ang isang katok kaya kapwa kami napalingon ng doktor sa pinto. Sumilip mula rito ang isang batang lalakeng may pamilyar na mukha. "Dad, tapos na ba kayo? Laro na ulit kami ni Alicia!"
"I'm Alison," I corrected the kid at nagulat ako ng naging sa batang babae ang boses ko. Agad kong tiningnan ang kamay ko at nakita kong naging maliit ang mga ito, parang sa isang bata.
"Ay oo nga pala. Sorry, nakalimutan ko." Ngumiti ang bata at nagkamot sa kanyang batok. Napakapamilyar talaga ng mukha niya lalo na ng ngiti niya.
"Miller, bacon oh?" sabi ko sabay turo sa bacon na hawak ng doktor.
Wait what?! Miller?!
Napasinghap ako at muli kong natagpuan ang sarili ko sa gitna ng kagubatan, nakatanaw na ulit sa direksyon ng Cosima, at sa pagkakataong ito'y mag-isa nalang ako. Wala na si Baldwin.
Litong-lito ako kung ano ang nangyayari sa akin, lalo na dun sa eksena kung saan may batang Miller ang pangalan. At sa tuwing litong-lito ako at hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari, isang tao lang ang nagiging takbuhan ko.
Memoryado ko pa ang numero niya kaya dali-dali ko siyang tinawagan. Makalipas ng ilang minuto, napasinghap ako nang sumagot siya. Ngunit bago pa man ako makapagsalita, narinig ko na agad ang boses niya.
"Muerte, asan ang anak ko?! 'Wag na 'wag mo siyang sasaktan parang awa mo na! Anak mo rin siya!"
"S-sister Marge?" Napasinghap ako sa sobrang kalituhan. Kay Sister Marge ang boses na naririnig ko pero ano 'tong sinasabi niya?
"Kleya?! Diyos ko! Kleya asan ka?! Sinaktan ka ba nila?!" Umiiyak si Sister Marge sa kabilang linya... pero may naririnig din akong isa pang malalim at pamilyar na boses mula sa kabilang linya.
"Make sure it's Kleya and not some audio manipulation." Yung boses... si Python ito sigurado ako!
Litong-lito ako pero may isang bagay akong gustong itanong. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. "Find Python but don't let Python find you! What did it meant?!"
"K-kleya.. Kleya listen to me okay? We didn't tell you because we know it will make you distrust Python--"
"WHAT DOES IT MEAN?!" Tanong kong muli nang may pagdidiin. Naikuyom ko ang kamao ko at nag-igting ang panga ko.
"Python and Dr. Muerte are twins. Dr. Muerte is looking for you that's why we wanted you to find Python instead."
Parang huminto ang mundo ko sa narinig at nagsitaasan agad ang balahibo ko. "Dr. Muerte found us.." Napasinghap ako.
"Kleya asan ka?! Asan kayo?!" bulalas ni Sister Marge.
"H-he took us back to Cosima... I escaped but I left them.." Nanginginig ang mga kamay ko't parang pinipilipit ang puso ko sa sobrang kaba. Kaba para sa kapakanan nila.
"Thank God ! Kleya get away from there as fast as you can! We'll send help for the others! Just please get yourself to safety first!"
I don't understand what's happening anymore but one thing's for sure.... That no matter how much I lie and deny, the truth remains... I care about them.
"N-no... I have to come back for them...." And in that moment, I found myself running back to the dark, to the tunnels that will lead me back to the people I care for all along.