4
The wretched
Kleya
"I hope you understand that you can't tell anyone about what happened today," maotoridad na sambit ni lauren sa aming tatlo habang kinukuha ng dalawang babae ang bangkay ni Apple at isinisilid ito sa isang black bodybag.
"But that—excuse me for saying this—crazy ass bitch almost killed the life out of me! They deserve to know that one of them was actually a murderous maniac! Right guys?" giit ko sabay tingin sa lalakeng nakasuot blue sweater at sa kasama niyang kalbo.
"Opo ma'am, naiintindihan po namin," sabi ng lalakeng kalbo. Kung hindi lang talaga nananakit ang kamao ko, nasuntok ko na siya.
Tumango naman agad si Lauren. Kalmado lang siya at taas-noo parin gaya ng dati. "Maraming salamat at pasensya na kayo sa nangyari. Maaring may lapse of judgement na nangyari pagdating sa psychological evaluation niya. we will be conducting a covert investigation. For the meantime, just go on with your lives and take this young lady to her room," sabi pa ni lauren at itinuro ako.
"Balitaan niyo nalang po kami ni Shaun," sabi ulit ni Kalbo kaya umalis na si lauren kasama ang dalawang staff na siyang may bitbit sa katawan ni apple. Wait, Shaun as in yung king of the crowned kuno? Ba't siya?
"Are you guys nuts or just incredibly stupid?" sarcastic kong sambit sa dalawang lalake pero tumawa lamang yung lalakeng nakasuot ng blue sweatshirt.
"Lahat ng mga tao dito, may kanya-kanyang napagdaanan at pinagdadaanan. Karamihan ay may post traumatic stress disorder pa pagkatapos ng mga nangyari sa kanila, pero dahil sa cosima ay unti-unting bumuti ang mga kundisyon nila. kung malalaman nila ang tungkol dito, baka bumalik na naman ang trauma nila o may ma-trigger na naman na takot kaya para sa kapakanan ng lahat, atin-atin lang muna ang nangyari, we can't let fear destroy our present," paliwanag sa akin ni lalakeng kalbo kaya napangiwi na lamang ako. Kung makapagsalita, parang napakatino eh.
"Unstable na talaga si apple sa simula pa lang, teka, baka naman na-trigger ng suntok mo ang switch ng katinuan niya?" sabi pa ni lalakeng naka-blue sweatshirt. Nakakainis, hindi ko alam kung seryoso ba siya o hindi.
"Matanong lang, anong pinili mo?" tanong ni kalbo sa akin.
"Dagger," sagot ko na lamang.
Kumurba ang napakalaking ngiti sa mukha ni kalbo at itinaas niya ang palad niya na animo'y gustong makipag-highfive sa akin. "Ayos! May bagong silang sa kapatiran!"
Umiling ako at ngumiwi. "I prefer punches than high-fives."
Humarap naman si kalbo sa lalakeng naka-blue upang dito nalang makipag-highfive pero pareho kami ng reaksyon.
"fuck y'all," mahinang sambit ni Kalbo at sa sarili na lamang nakipag-high five.
"Miller," kaswal na sambit ni lalaking naka-blue sweatshirt sabay turo sa sarili niya. Miller ang pangalan niya? unusual.
BINABASA MO ANG
Psycho next door
Mystery / ThrillerCosima Sanctuary is a one of a kind safe house for teenage survivors, but when they realize that one of them is a psychopath, all hell breaks loose. The hunt is on for the psycho next door.